Mabilis akong kumawala sa kapit ni Damon pagkatapos makaalis ni Chrome. Alam kong nagulat pa siya sa inakto ko kaya napabaling ang tingin niya sa akin. Sumulyap ako sa babaeng kausap nito kanina at mukhang naghihintay pa itong bumalik siya. “Mr. Dankworth, hindi pa po yata kayo tapos mag-usap,” sabi ko, ngunit nanatili ang titig niya sa akin. “Join us inside.” At ano? Titiisin ko ang paraan ng pag-uusap n’yo? No way! Dito na lang ako. “Huwag na po. I am just your assistant. I don’t think I am that important to come join you. Maghihintay na lang ako rito.” Tumalim ang tingin niya sa akin, ngunit kaagad din naman ’yong napalitan ng blanko. Bumalik na rin siya sa loob habang naiwan naman ako roon at piniling maupo na lang ulit. “Ang lakas ng loob na akitin ako, parang hindi naman niy

