“What the f**k are you wearing?” Halos mapapitlag ako nang bigla siyang magsalita habang nasa biyahe kami. Akala ko kasi ay wala siyang balak na kausapin ako dahil wala rin naman akong balak na kausapin siya. After what he did and said yesterday, umaakto siya ng ganito? He’s confusing me, or was he just being the devil he used to be? “George’s T-shirt, Mr. Dankworth,” I answered, stating the obvious. He suddenly hit the brake. Muntik nang mauntog ang ulo ko sa unahan dahil sa ginawa niya. Matalim niya akong tiningnan bago napahilot sa sintido niya. Sumulyap pa siya sa mga hita kong exposed na ngayon. Mukhang mahaba naman ’yong shirt kanina, malapit na sa tuhod ko kaya hindi na rin ako nag-abalang kumuha ng shorts ni George. Isa pa, hindi naman sa akin mag-fit ang shorts no’n kasi mas

