Chapter 40 Hellishly Kaye Carion's POV "Hubby tama na yan!" sigaw ko bago tumakbo palapit sa kaniya at niyakap siya sa likod na kinatigil niya. "Hindi sapat na mamatay siya agad para mapagbayaran lahat ng ginawa niya sa atin," malamig na sabi ko. Kinuha ko ang kutsilyo habang si Farah sigaw pa din ng sigaw dahil sa sakit. Dahil sa ayaw ko ng maingay. Bumitaw ako kay Hideo bago nilapitan si Farah at hinampas sa batok na siyang kinawalan ng malay niya. "Uubusin ko silang lahat," walang emosyon na sabi ni Hideo. Hinawakan ko ang pisngi niya bago siya marahan na hinalikan sa labi. "Malapit na hubby, malapit na," bulong ko bago siya niyakap. "Queen may gusto daw pong kumausap sa inyo— dalawang binata at kamukha mo," biglang sabi ng isa sa mga tauhan ko na kakapasok lang sa basement

