"I'm riding a taxi right now, princess. Excited ka na bang makita ang kasintahan mo?" Malambing na tanong ni Renz. Saglit namang natahimik si Gelli sa kabilang linya. "Oo naman excited na ako dahil isang linggo rin tayong hindi nagkita." "Ako rin naman miss na kita. Pag-uwi ko may sorpresa ako para sa iyo mahal kong prinsesa," masayang sagot ni Renz. Inisiip niya na maghanap ng singsing para sa proposal na gagawin niya. Hindi naman mapigilang kiligin si Gelli. Naisip niya na baka mag-propose na sa kanya si Renz. Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Ano naman kaya 'yang sorpresa mo?" Kahit mayroong pumasok na sa isip niyang sagot sa sorpresa niya ay gusto niyang maniguro dahil ayaw niya namang umasa sa wala. "My surprise is secret for now! Just wait and see," makahulugang sagot ni

