CHAPTER 4

1379 Words
"Good morning Ms. Gelli," sabay-sabay na bati sa 'kin ng mga katrabaho ko. Hindi ko na sila mabati pabalik kaya yumuyuko na lang ako sa bawat bumabati sa akin dahil late na talaga ako. Tagaktak ang pawis at sobrang bilis na ng t***k ng puso ko dahil sa lakad at takbo na ginagawa ko habang bitbit ang shoulder bag ko. Kinakabahan ako sa magiging reaksiyon ni sir kapag pumasok ako ngayon sa opisina niya ng late. Handa na sana ako buksan ang pinto ng opisina ng may marinig akong ungol sa loob. Binalewala ko na lang dahil baka nagkamali lang ako ng rinig at isa pa late na talaga ako.  Kaya pinihit ko ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto. Nang dahil sa binuksan ko ang pinto ay mas lalong lumakas ang ungol. Napatingin ako sa lugar kung nasaan ang pinaggagalingan ng ungol. Nabigla ako sa nakita ko kaya hindi ko namalayang bigla kong nabitawan ang shoulder kaya nalaglag ito sa sahig. Ngayon lang ako nakakita ng isang malaswang eksena at live pa.  Nakita kong may babaeng hindi ko kilala kung sino na nakapatong kay Sir Renz. Habang nakaupo siya sa kanyang swivel chair at nakahawak sa balikat nito. Halos kalahati na lang ang suot ng babae at kitang-kita ko kung gaano kapusok ang kanilang halikan kaya napahawak ako sa aking bibig para pigilan na mapatili ako. Dahil sa ingay siguro na idinulot nang pagbagsak ng bag ko ay natigil ang kanilang ginagawang milagro at napatingin silang pareho sa akin.  "Ahh si-sir, pa-pasensiya po at naistorbo ko kayo sa ginagawa niyo. Nakalimutan ko na kasing kumatok dahil late na ako sa trabaho. Hindi ko po inasahang makikita ko ‘yong ginagawa niyo," alanganing sabi ko sa kanila.  Nakita kong tinulak niya ‘yong babae na nakilala kong si Ms. Shane na taga ibang department noong humarap siya sa akin. Mataray siyang tumingin pagkatapos ay tumayo saka inayos ang nagulo niyang blouse at palda. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka nabitin sa milagrong ginagawa nila kanina dahil sa pagdating ko.  “Aba…malay ko bang may ginagawa silang milagro?” inis na sabi ko sa aking isip habang di mapakali na nakatayo sa may pinto. "M-Ms. Gelli nandiyan ka na pala," gulat na sabi ni sir sa 'kin at parang namutla siya dahil sa nakita kong ginagawa nila kanina. "Kakarating ko lang naman po, sir. Sige, lalabas na lang po muna ako ituloy niyo na lang po muna ang ginagawa ninyo at baka nabitin po si Ms. Shane," nakangiting sabi ko pagkatapos ay iniwan ko na ang bag ko sa upuan saka naglakad na ako palabas ng opisina.  “My God…late reaction si sir e. Saka bakit parang nagseselos tono ng boses mo kanina Gelli?” Napapailing na sabi ko sa sarili ko.  Nakita kong ibinuka ni sir ang kanyang bibig siguro ay para magpaliwanag pero hindi ko na pinakinggan. Basta na lang ako lumabas para pumunta ng banyo. “Aba…bakit siya magpapaliwanag sa akin e hindi niya naman ako girlfriend.”  Grabe may mga babae talagang makakati. Kahit saan na lang aabutan ng kalandian. Wala nang iniwang respeto sa sarili.Kahit sa oras ng trabaho e magagawang lumandi.  Napatunayan kong lahat nga ng tsismis tungkol kay sir ay totoo. Isa siyang manwhore at likas na sa kanya siguro ang ganoon. Dati hindi ako naniniwalang katulad rin siya ng ibang lalaki na basta babaeng nakapalda ay papatulan. Pero ngayong nasaksihan ko na ay mukhang kailangan ko ng maniwala.  Pero parang nakaramdam ako ng pagkadismaya dahil sa nasaksihan ko kanina. “Ano ba Gelli? Ba’t ka ba nagkakaganyan? Hindi ka naman niya kasintahan ah! Sampung minuto ang lumipas ay bumalik na ako sa opisina ni sir. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Nakita kong abala si sir sa pagtatrabaho kaya ginawa ko na rin ang trabaho ko. Buong maghapon ay nagkakailangan kaming tumingin sa isa’t isa. Bawat buka ng bibig namin ay tungkol lang sa trabaho namin hanggang sa mag-uwian na.   KASALUKUYAN akong nasa bahay dahil wala akong pasok sa opisina. Tuwing Linggo ay wala kaming pasok sa opisina ay lagi kaming lumalabas ni Bren dati para mag-date. "Hi babe! How's my beautiful and loving girlfriend? And soon to be, Mrs. Gelli Lerman?" nakangiting tanong niya sa akin habang may hawak na bulaklak sa kanyang kanang kamay.  “Ang sweet talaga ng boyfriend ko may pabulaklak pa. Kaya mahal na mahal kita e! Ayos lang naman ako kasi nakita na kita,” nakangiting sabi ko sabay pisil ng tungki ng ilong niya. “Ayos lang din naman ako mahal, kasi nakita rin kita. Grabe marunong ka na ring mambola mahal kong girlfriend. Siguro may kasalanan ka ano?” nang-aasar na sabi niya sa’kin habang kinukurot-kurot ang pisngi ko. “Hindi ako nambobola sa’yo. Totoo naman talagang sweet kang boyfriend. Mamahalin ba kita kung hindi?” nagtatampong sabi ko sa kanya.  “Binibiro lang kita mahal, ikaw naman naasar agad. Sorry na, ano bang gusto mong ipagawa sa’kin para mapatawad mo ako?” nanunuyong sabi niya sa’kin.  “Gusto ko mag-date tayo ngayon para mapatawad kita,” pilyang sagot ko sa kanya.  Ganito kami lagi ni Bren kapag may tampuhan kadalasan siya ang unang nanunuyo kapag alam niyang siya ‘ang may kasalanan at minsan ay ganoon din ako.  Mag-away man kami pero hindi namin pinapagpabukas pa ng kinabukasan.  Mahirap kasing patagalin pa ‘yong away dahil turo sa akin ng magulang ko na kung may sama ka ng loob sa isang tao ay matutong pag-usapan at magpatawad.  “Oo na mahal, ikaw pa malakas ka sa’kin e! Kahit saan pa tayo mag-date para lang mapatawad mo ako. Saka baka naman puwedeng pa-kiss?” pilyong sabi niya habang nakaturo sa kanyang labi.  “Kiss ka diyan. Kiss mo mukha mo,” nakangiting sagot ko sa kanya habang pabiro ko siyang hinahampas sa balikat.  “Tara na mahal mag-lunch na tayo sa Papa John’s Buffet Table sa Megamall,” nakangiting sabi niya sabay kuha ng bag ko at isinukbit niya na sa kanyang balikat.  Mabilis na kaming umalis para makarating sa mall bago magtanghalian. Ito na 'yong araw na bonding naming dalawa na magkasintahan. Tamang-tama at wala rin sina mommy at daddy dahil nagsimba.  Kinabukasan ay may hindi inaasahang pangyayari sa 'ming magkasintahan na sumubok sa tatag ng aming pagmamahalan.  Ilang linggo na lang ay magpapakasal na sana kami ni Bren. Susunduin niya sana ako sa kompanya kung saan ako nagtatrabaho. "Mahal, papunta na ako riyan sa kompanya niyo. Nasa Kapitolyo na ako ng Pasig at malapit na ako sa Crossing. Hintayin mo na lang ako riyan sa opisina ng boss mo para sunduin kita. I love you," malambing na sabi niya habang kausap ako sa cellphone.  "Okay mahal ingat ka, mag-aayos lang ako ng gamit ko para pagdating mo ay aalis na lang tayo. Wala na rin kasi si Sir Renz dito dahil nauna ng umalis. I love you too," malambing din na sabi ko sa kanya.  "Sige na mahal hintayin mo na lang ako riyan. Nagda-drive kasi ako ngayon habang kausap ka," sabi niya bago pinatay ang tawag.  Alam kong pinatay niya ang tawag dahil papagalitan ko siya. Tumatawag kasi siya habang nagmamaneho kaya palagi ko siyang pinagsasabihan na huwag niyang gawin 'yon para maiwasan ang aksidente.  Ilang minuto rin akong naghintay sa opisina pero wala pa rin siya. Hanggang umabot na ng ilang oras. Kinakabahan na ako dahil malapit lang naman ang Kapitolyo sa Crossing kung saan ako nagtatrabaho. Namalayan ko na lang na paulit-ulit na tumunog ang cellphone ko indikasyon na may tumatawag sa 'kin. Tiningnan ko kung sino pero hindi ko kilala ang number. Kinutuban na agad ako pero iwinaglit ko sa isip na naaksidente siya. "Hello? Sino po sila?" magalang na tanong ko. "Si Gelli ba 'to? Number mo kasi ang nasa speed dial noong lalaking naaksidente sa may harap ng SSS Crossing. Nandito siya ngayon sa may Makati Medical Center dinala ng Ambulansiya. Isa ako sa Emergency Team na nag-rescue sa kanya," mahabang litanya ng lalaking nasa kabilang linya. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng dugo sa 'king katawan noong malaman ko ang masamamg balita.  Bakit?  Bakit kailangang mangyari ang ganoon sa kanya?  Bakit kailangang mangyari ito sa aming dalawa? Ngunit kahit anong gawin kong pagtatanong sa aking sarili ay wala akong makuhang sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD