CHAPTER 1

1033 Words
ILANG araw rin akong nagmuni-muni simula noong nag-usap kami ni mommy tungkol kay Bren. Tama naman talaga siya na dapat ay ipagpatuloy ko pa rin ang buhay ko kahit na wala na siya sa piling ko. Kaya ngayon ay masigla na akong nag-asikaso ng aking susuotin at dadalhin sa pagpasok sa aking trabaho. Pakanta-kanta at patalon-talon pa ako habang naglalakad-lakad sa aking silid dala ng musikang pinapakinggan kong “Sway” na kinanta ng Pussycat Dolls. Pakiramdam ko ay parang ito ulit ang unang araw na magtatrabaho sa kompanya namin. Kinakabahan, pinagpapawisan at parang may kung ano sa loob ko na hindi ko maintindihan dahil parang may pagkasabik akong nararamdaman siguro dahil sa ilang buwan din akong hindi pumasok sa trabaho. Pero bahala na kailangan ko nang magmadali para makasabay pa ako kay daddy. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na agad ako papunta sa kusina upang magluto. Nagsaing agad ako sa rice cooker. Sinunod ko naman ang paglabas ng hotdog, at luncheon meat, bacon, at itlog na paborito naming almusal sa umaga. Ilang minuto ang lumipas ay nabungaran ako nina mommy at daddy nandito sa aming kusina at naghahanda ng makakain. Dahil sa nasanay na ang pamilya ko na kami ang laging naghahanda ng aming makakain kahit may mga kasambahay kami. Hindi sa wala kaming tiwala sa kanila ngunit mas gusto kasi naming kumain ng pagkain na pasok sa aming panlasa. Nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mukha dahil matagal na noong huli nila akong makita rito sa kusina. "Good morning, mom! Good morning, dad!" masayang bati ko habang inilalagay ang mga kakainin namin sa lamesa para sa 'ming almusal. "A-anak, salamat dahil nakita ka rin naming nandito ngayong agahan at makakasabay pa namin sa pagkain," masayang sabi ni Daddy Jorge sa 'kin bago ako nilapitan at mahigpit na niyakap. "Masaya ako Gelli dahil nakinig ka sa sinabi ko sa 'yo anak," maluha-luha pa si mommy na humalik sa pisngi ko. "Naisip ko po kasi mommy na kailangan ko ring ayusin ang buhay ko. Tama na siguro 'yong anim na buwang nagmukmok ako sa kuwarto ko. Kung nasaan man si Bren ngayon alam kong magiging masaya siya para sa 'kin ngayon," nakangiting sabi ko sa kanila at umupo na para kumain ng agahan kasabay nila. "Siya nga pala daddy sasabay ako sa 'yo ngayon papasok sa kompanya. Para naman kahit papaano malibang naman ako sa trabaho at para hindi na ako nage-emote rito sa bahay." Nakita ko ang hindi pagsang-ayon sa mukha ni daddy dahil sa biglang pagsalubong ng kilay nito. "Sigurado ka ba anak?" naninigurong tanong pa niya. "Opo daddy, huwag po kayong mag-alala kaya ko na po," nakangiti kong sabi habang nagsasandok ng kanin at naglalagay ng ulam sa aking plato. Pagkatapos ay mahabang katahimikan na ang sumunod at wala ng naglakas-loob na nagsalita. Tahimik na lang kaming kumain ng agahan. Mamaya ay papasok na ako sa trabaho ko bilang isang sekretarya sa Marketing Department na kompanya ni dad. Ang tinapos kong kurso ay Business Management pero dahil nga hindi ko pa gamay ang aking magiging trabaho sa kompanya ay napagpasyahan kong magsimula muna sa mababang posisyon para may matutunan ako sa pamamalakad nito. Iniligay ako ni daddy sa departamento ni Sir Renz Taylor na kilala bilang isang mahusay at matalinong Marketing Mananger sa aming kompanya para maturuan nito. Pero may mga naririnig akong balita mula sa ibang mga empleyado na masyado raw itong babaero hindi ko maiwasang maisip na ang layo ng ugali niya kay Bren. “Teka ba't ba iyong boss ko ang nasa isip ko?” "Anak, bilisan mo na aalis na tayo mamaya. Maghanda ka na para hihintayin na lang kita sa garahe. Aba kahit anak kita at ako ang may-ari ng kompanya ay hindi ko kukunsintihin ang pagiging huli mo sa trabaho," seryosong sabi ni daddy habang kumakain. "O-okay po daddy," nakangiting sagot ko bago tumayo sa inuupuan ko. Dahil sa parang nawala ako sa sarili kanina sa kaiisip sa boss ko ay nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni dad kaya nabitawan ko ang aking hawak na kutsara. Kahit alam kong nagbibiro lang si daddy ay siniseryoso ko pa rin ang sinasabi niya. Kaya agad kong kinuha ang bag na nakapatong sa upuang katabi ng inupuan ko kanina. Kahit papaano ay medyo gumaang na rin ang pakiramdam ko simula noong magkausap kami kagabi ni mommy. Nawala na 'yong bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Siguro nga kailangan ko lang ng kausap at mapaglalabasan ko ng sama ng loob. Mabilis akong naglakad palapit kay mommy para humalik sa pisngi niya. “Handa ka na ba talaga anak pumasok sa trabaho mo? Baka mamaya niyan pumalpak ka pa dahil absent-minded ka,” nag-aalalang tanong ni dad habang nakatingin sa akin. Ngumiti na lang ako bilang tugon sa tanong ni dad. Pagkatapos ay tumingin na lang ako sa bintana para malibang at mawala muna sandali sa isip ko si Bren habang nasa biyahe kami papunta sa kompanya. Pakiramdam ko naman ay magiging maganda naman ang mangyayari mamaya sa opisina. “I hope so…” Kinakabahan man ngunit mas ginusto ko pa ring gawin kung ano ang tama. “Kung sakaling magbago ang isip mo anak sa pagpasok huwag kang mahihiyang magsabi kay Renz.” Seryoso ngunit nag-aalalang sabi sa akin ni daddy. “Trust me dad. Kaya kong bumalik na sa trabaho. Saka gusto ko ring may ibang makasalamuha para po kahit papaano ay makalimot ako.” Nakangiti at nagbibigay kasiguruhang sabi ko sa kanila. Kinuha ko muna ang cellphone sa aking shoulder bag. Agad kong binuksan ang data para tignan ang f*******: ko. Sakto naming may nabasa akong quotation na agad pumukaw sa interes ko. “Ang pag-ibig ay isang malayong biyahe. Kaya kung ayaw mong maglakad pauwi, magtira ka para sa sarili mo ng pamasahe,” mahinang basa ko pagkatapos ay napangiti na lang. Naisip niya na hanggang sa f*******: e pinaaalalahanan siya tungkol sa pag-ibig. Nagbasa-basa muna siya sa comment section upang malibang. “Princess, we’re here now.” Nagulat ako sa sinabi ni daddy. Nagpalinga-linga ako sa labas ng kotse. Hindi ko namalayang nandito na pala kami. Agad kong itinago ang cellphone ko sa bag ko saka sumunod kay daddy sa paglabas sa kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD