CHAPTER 18

1284 Words
Tatlong araw na rin simula noong ganapin ang 15th Wedding Anniversary nina tita, at tito. Pagkatapos noon ay napansin ko na may kakaiba na kay Gelli. Kung dati kasi ay malimit kaming magpalitan ng mensahe, at tawag sa cell phone tuwing hindi kami magkasama, ngayon ay isang beses o minsan pa nga ay hindi na. Sa tuwing tinatanong ko siya kung may problema siya, ang lagi niyang sagot ay "wala". Hindi ko mapigilang mapabuntunghinga na lang dahil sa parang nanlalamig si Gelli sa akin. Alam ko namang wala akong maling nagawa pagkatapos noong Wedding Anniversary ng magulang niya pero hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang pakikitungo sa akin ni Gelli. "P're parang problemado ka ngayon. Kanina ka pa nakatulala sa kawalan. Kahit kinakausap kita e parang wala ka naman ang isip mo rito," nag-aalalang sabi ni Enzo. Nakalimutan kong bumisita pala sa opisina ko ang matalik kong kaibigan. "Wala p're iniisip ko lang si Gelli, ang girlfriend ko. Para kasing naninibago ako sa mga ikinikilos niya. Inalis na rin siya ng daddy niya bilang sekretarya ko, at pinanatili na lang sa bahay nila kaya hindi ko na alam kung ano bang ginagawa niya tuwing pumapasok ako sa trabaho." Paliwang ko sa kanya. "Bakit p're hindi mo siya bisitahin sa bahay nila kung ganyang nag-aalala ka? Saka wala ka bang tiwala sa girlfriend mo? Baka naman p're abala lang siya sa kung anong gawain sa bahay nila." Pagpapalakas-loob na sagot nito sa akin. Napaisip ako sa sinabi niya. "Sabagay may punto ka naman p're sa sinasabi mo. Nga pala nasaan pala ang girlfriend mong si Beatriz? Himala, at hindi mo siya kasama? Samantalang kapag dumadalaw ka sa akin dito e lagi kayong magkasamang dalawa." Nakita kong biglang lumungkot ang mukha niya sa sinabi ko. "Alam mo na minsan may away magkasintahan. Hindi kasi agad ako nakapunta sa bahay nila noong tinawagan niya ako na pumunta para samahan siyang manood ng Squid Game na trending ngayon sa Netflix at kahit saang social media sites. Nagkataon kasing tumawag din si mama para utusan akong bilhan siya ng egg pie sa Goldilucks. Kaya ayon, katakot-takot na panunuyo na naman ang ginagawa ko." Napapakamot sa ulong sagot niya sa akin. “Pero siyempre ngayon okay na kami kasi ibinigay ko ang paborito niyang Frappuccino ng Starbucks.” "Ganyan siguro kapag mahal mo gagawin mo ang lahat para mapatawad ka lang. Hindi rin kasi kayo magtatagal p’re sa isang relasyon kung walang pagsubok na dadaan sa inyo.” Makahulugang sabi ko sa kanya. “Naku, ayan na naman tayo nagiging makata ka na naman. Kaya talagang sa iyo ako humihingi ng payo kapag may problema ako kasi ang galing mo sa mga ganyan p’re. Samantalang puro kapogian, at mabubulaklak lang na salita ang mayroon ako,” sabi pa niya habang seryosong nakatingin sa akin. “P’re puro ka talaga kalokohan." Natatawang sagot ko na lang sa kanya. Mayamaya ay may kumatok sa pinto ng aking opisina. "Good afternoon Sir Renz, and Sir Enzo! Magalang na bati ng sekretaryang pumalit kay Gelli. Wala na nga pala sa loob ng opisina ko ang table ng aking sekretarya kungdi nasa labas na. Para maiwasan na rin ang usap-usapan o baka may bago na namang pagtsismisan ang mga empleyado namin kung nasa loob pa rin ng opisina ko ang table ng sekretarya ko. Nakita ko ang dala nitong papeles, siguro ay papapirmahan o baka may bagong schedule ng meeting. "Sir ibibigay ko lang po ang bagong mga papeles na dapat po ninyong basahin, at pirmahan." Magalang na sabi ni Danica pagkatapos ay inilapag sa table ko ang papeles. "Salamat Ms. Danica. Kailan mo 'to kailangan para magawa ko agad?" Tanong ko sa kanya. Nakatayo lang siya sa harap namin ni Enzo, at mukhang naiilang ito dahil sa napansin kong napapakagat ito sa kanyang labi. Dahil siguro sa dalawa kaming lalaki na nasa loob ng opisina. Tahimik lang na nakamasid si Enzo habang kausap ko ang sekretarya ko. Kapag trabaho ang pinag-uusapan ay marunong itong hindi haluan ng kalokohan ang usapan. "Bukas pa naman po sir." Tipid na sagot nito. "Alright, I will give you the papers tomorrow Ms. Danica. Thank you!" Nakangiting sabi ko sa kanya. "Thank you, sir!" Tipid na sagot niya pagkatapos ay yumuko sa aming dalawa na nagpapaalam na lalabas na. "Maganda ang sekretarya mo ah?" Nang-aasar na sabi pa nito habang nakangisi, alam ko na naman ang tumatakbo sa isip nito. Kaya tiningnan ko siya nang masama. "Pero siyempre mas maganda pa rin ang kasintahan mong si Gelli." "Naku p're tigilan mo ako dahil di ako malokong katulad mo. Isang babae lang ang titingnan ko, at walang iba kung di si Gelli." "Sabagay simula noong magbinata tayo e wala ka atang ibang tiningnan kundi ang nanay mo. Akala ko nga p're bakla ka, at ako ang type mo kasi lahat ng babaeng may gusto sa iyo e dini-deadma mo. Siyempre ako naman to the rescue dahil ayaw kong may babaeng umiiyak." Napatawa na lang ako dahil totoo naman ang sinasabi nito na wala akong amor sa babae. Siguro dahil hindi ko nakikita noong ang babaeng magpapatibok sa puso ko noon. "Mabuti na lang talaga p're e nawala na ang pagiging maloko mo nang dahil kay Beatriz. Masyado ka kasi loverboy noon. Lahat na lang ng babaeng magpapakita sa 'yo ng motibo e sinusungaban mo. Pinaka hindi ko makakalimutan e 'yong sabay-sabay ikinuwento mo na kasama mo si girlfriend number 3 sa mall tapos ang 4 pang girlfriend mo, and the rest is history." Sabi ko sa kanya habang natatawa, at iniiba ang usapan. "Ay naku Renz, huwag mong ibahin ang usapan. Saka kinakalimutan ko na 'yang dahil good boy na ako. Ayaw ko na ng sakit ng ulo. Kay Beatriz na lang itong puso ko't isip." PAGKATAPOS mangulit ni Enzo sa akin ay nagpasya na itong umalis dahil tinawagan na siya ni Beatriz. Hawak ko ngayon ang papeles na ibinigay ni Danica sa akin upang basahin bago pirmahan. Balak ko kasing puntahan si Gelli sa kanila para bisitahin kaya gagawin ko na ngayon ang trabaho para mamaya ay hindi ko na iintindihin pag-uwi ko galing sa bahay nila. Gusto ko kasi siyang kumustahin dahil nag-aalala na ako kung anong nangyayari sa kanya. Ilang minuto ko ring binasa nang maigi ang proposal ng isang kompanya na gustong magbenta ng produkto nila. Pagkatapos kong basahin, at pag-aralan ay pinirmahan ko na. Tumingin ako sa orasang nakalagay sa pader sa harap ng lamesa ko't nakita kong alas-kuwatro ng hapon na. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa aking maliit, at kulay itim na sling bag upang tingnan kung may message ba si Gelli. Nang makita kong wala ay agad akong nag-message sa kanya. To: My Princess Pauwi na ako. I love you! Dadaan ako diyan para bisitahin ka. Pagkatapos kong ma-sent ang message ay agad ko ng ibinalik ang cellphone ko sa bag saka naghandang umalis. Nasasabik na akong makita siya para makasama. Naisip kong bumili ng paborito niyang "crinckles" bilang pasalubong, at siguro yayayain ko na rin siyang manood ng Squid Game sa Netflix. Pagbukas ko ng pinto ng opisina ay agad na akong lumabas. "Ms. Danica nasa table ko ang papeles na iniwan mo kanina. Napirmahan ko na rin kaya puwede mo ng kunin." "Okay po Sir Renz. Kukunin ko na po siya para ibigay sa office ni Sir Jorge para ibalik bukas. Sige po sir ingat sa pag-uwi." Magalang na sagot niya. "Thank you, Ms. Danica. Puwede ka na ring umuwi kung wala ka ng ibang gagawin. Ingat ka rin pag-uwi." Tumalikod na ako upang mag-umpisang maglakad papunta sa elevator. Narinig ko pa siyang nagsalita ng, "Sige po sir, salamat." "Ano na kayang ginagawa ngayon ng prinsesa ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD