KINABUKASAN pagkagising ni Gelli ay agad na naalala niya ang malungkot at puno ng hinanakit na mukha ni Renz na nakatingin lang sa kanya kagabi. Agad siyang umupo nang maayos sa kanyang kama. Nakita niyang basa ang kanang bahagi ng kanyang higaan kaya hinawakan niya iyon upang kumpirmahin. Ramdam niyang magang-maga at namumula ang kanyang mata dahil sa walang tigil niyang pag-iyak kagabi. Kaya ngayon ay wala na siyang luhang mailabas sa kanyang mga mata ay tulala na lang siyang nakatitig ngayon sa paligid ng kanyang kuwarto. Nang tumayo siya sa kanyang kama ay hindi niya napigilang magparoon at parito sa kanyang kuwarto. Iniisip niya hanggang ngayon kung ano bang dapat niyang gawin at sabihin kapag nagkita sila ni Renz. Kung makikita siya marahil ng kanyang magulang sa kanyang ginaga

