Chapter 12

1108 Words
Bella Makalipas lamang ang tatlong buwan ay bumalik na agad dito si Amber sa isla. At gano'n na lang ang gulat ko sa hatid niyang impormasyon sa tunay na pagkatao ni Zac. Nakilala daw ni Amber ang daddy ni Zac sa Maynila. Magkaibigan ang kanilang mga ama. Parehas kasing businessman ang mga ito. Matagal na daw ipinapahanap ng daddy ni Zac na nagngangalang Zeus Evans ang kanyang nag-iisang anak. Ang nagmamay-ari ng isang malaking airline company sa bansa. Nalaman ito ni Amber nang ipakilala ng kanyang daddy ang ama ni Zac nu'ng dumalo ang mga magulang nito sa kaarawan ng kanyang daddy. Labis daw ang lungkot ng kaniyang mga magulang sa pagkawala nito. Ayon din kay Amber ay handang magbigay ng malaking pabuya ang daddy ni Zac sa kung sino mang makakapagturo sa kinaroroonan nito. Dahil sa labis na pangungulila ng magulang ni Zac ay ipinagbigay alam niya na nandito sa isla si Zac at sinabing nawalan ito ng ala-ala matapos ang plane crash na sinapit nito. Kaya naman dumating ang mga tauhan ni Mr. Zeus Evans dito sa isla, para isama na si Zac pabalik sa Maynila. Siya daw kasi ang kaisa-isang tagapagmana ng Evans Corp. Masaya ako para kay Zac, dahil may pamilya siyang babalikan at may magandang buhay na naghihintay sa kanya pagbalik niya doon. Pero sa kabilang banda ay nalulungkot ako dahil aalis na siya rito sa isla. Mami-miss ko siya ng sobra. Hindi ko alam kung makakaya kong mabuhay ng wala si Zac dito. Nasanay na kasi akong araw-araw ko siyang nakikita at nakakasama. "I won't leave here, unless you're coming with me," Zac said. Malungkot ang kaniyang tinig. Hindi ko alam pero parang hindi niya na gustong bumalik pa sa dati niyang buhay. Kahit na wala pa rin siyang naaalala ay mas pipiliin niyang manatili dito kasama ako. Napamahal na rin siya sa mga magulang ko. Kaya naman malungkot sila na anumang oras ay aalis na si Zac dito sa isla. Alam na rin ng mga magulang ko na may relasyon kami ni Zac. Nagulat sila nu'ng una. Pero wala naman silang magagawa dahil alam na nila kung gaano namin kamahal ni Zac ang isa't isa. At alam rin nilang ako ang dahilan kung bakit ayaw umalis ni Zac dito sa isla. "Love, hindi ako nababagay du'n. I'm just an island girl. Hindi bagay ang tulad ko du'n," ani ko. "Akala ko ba pangarap mong maging isang Flight Attendant before? So, what changed your mind?" Naiinis na sabi ni Zac. Nasa aking kwarto kami ngayon. Wala ang mga magulang ko dahil abala sila sa pagtatrabaho. Hindi na lang ako umimik sa tanong niya. Oo nga pangarap ko 'yun dati. Gusto ko rin namang matupad iyon. "Look, I can make your dreams come true, Bella. Now that we know my real identity. I can help you. So please, sumama ka na sa 'kin. And stay with me," he begged. "I can't live my life without you. Believe me, love. It's really what I feel for you," nagsusumamo ang kanyang mga matang nakatingin sa 'kin. He wants me to stay with him even if it means leaving the island where I grew up with my family. Nagdadalawang-isip ako kung kaya ko bang iwan ang mga magulang ko rito sa isla. Kinagabihan ay kinausap ako ng mga magulang ko tungkol sa aming dalawa ni Zac. Dahil sa ayaw talagang umalis dito ni Zac ng hindi ako kasama, ay pumayag na silang isama ako ni Zac sa Maynila. Gusto rin naman nilang matupad ko ang mga pangarap ko. Nagulat ako sa desisyon nila. Akala ko ay hindi nila ako kailanman papayagang umalis dito sa isla. Na mananatili ako dito sa isla habang buhay. Ganu'n na lang ang tuwa ni Zac sa naging desisyon ng aking mga magulang. Nag-impake na ko kinabukasan ng mga dadalhin papuntang Maynila. Mamaya na rin kasi babalik ang mga tauhan ng daddy ni Zac. Ang sarili nilang eroplano ang maghahatid sa 'min papuntang Maynila. "Mag-iingat kayo, anak," ani ng aking Mama. Umiiyak siya dahil ngayon ang alis namin ni Zac sa isla. Mami-miss ko talaga sila ng sobra. "Opo, Ma. Kayo rin po ni Itay. Huwag magpakapagod ng sobra sa trabaho," ani ko na lumuluha narin. Yumakap ako sa mama ko. Alam kong hindi madali para sa kanila ang pag-alis ko. Pero ang gusto nila ay matupad ko ang mga pangarap ko at magkaroon ng magandang kinabukasan. Na magawa ang mga gusto ko sa buhay. Ang tanging gusto na lang nila ngayon ay maging masaya ako. "Ingatan mo ang anak namin, Zac," ani Itay. "Ikaw na ang bahala kay Bella. Pakiusap huwag mo siyang sasaktan," ani Itay. "Huwag po kayong mag-alala. Makakaasa po kayong iingatan ko ang anak niyo. At hinding-hindi ko po siya sasaktan," ani Zac at tumingin sa 'kin. Matamis ang kanyang mga ngiti. Matapos ang madamdamin naming pamamaalam ay sumakay na kami sa eroplano na magdadala sa amin papuntang Maynila. Hindi na ako nakapagpaalam sa pinsan kong si Kelsey. Mayroon siyang konting tampo sa 'kin. Dahil hindi ko pinaalam sa kanya ang tungkol sa amin ni Zac. Nagulat siya nang malaman niya ang tungkol sa relasyon namin ni Zac ngayong paalis na kami sa isla. Ayoko rin namang ilihim sa kanya. Pero sa una palang may gusto na siya kay Zac. Ayoko namang saktan ang pinsan ko. Pero wala na akong magagawa kung may tampo siya sa 'kin ngayon. Alam ko naman na mauunawaan niya rin iyon 'pag tagal. At alam ko rin na darating ang lalaki na para talaga sa kanya. "Are you okay?" Ani Zac. Napansin niyang nakatulala ako sa bintana ng eroplano. Kinakabahan kasi ako. Eto ang first time na aalis ako sa isla para manirahan sa malayong lugar, na hindi kasama ang mga magulang ko. Tumango naman ako rito at ngumiti. Pero kumunot pa rin ang kaniyang noo. "I know something's bothering you right now, love. Come on, tell me. What's bothering you?" nag-aalalang sabi niya. "Iniisip ko lang sina Mama at Itay. Mami-miss ko sila," ani ko sa malungkot na tinig. Niyakap ako ni Zac at isinandal sa kaniyang matigas na dibdib. "Don't worry. We'll visit them soon. I promise," aniya. Nawala naman ang lungkot na nararamdaman ko sa mga sinabi niya. Isa pa sa bumabagabag sa 'kin ay ang pagharap ko sa pamilya ni Zac. Ang sabi niya ay ipapakilala niya ako sa kanyang mga magulang. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ko. Naiisip ko kasi na baka hindi nila ako magustuhan lalo pa't mayaman sila samantalang ako naman ay isang simpleng babae na lumaki sa isla. Sana matanggap nila ang relasyon namin ni Zac dahil mahal na mahal ko ang anak nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD