Chapter 8

1295 Words
Bella Ngayong araw ang aking 19th birthday. Kinausap ako ng mga magulang ko bago ang aking kaarawan at napag desisyunan nila na magkaroon ng isang simpleng selebrasyon dito sa isla. We will organize a Bohemian-themed debut. Together with Zac, my cousin Kelsey and other friends, we're going to set up a beach party complete with tiki tents, festive bunting, mat seating, floral headbands, and such. Plano ko na ring sabihin ang tungkol sa relasyon namin ni Zac pagkatapos ng selebrasyon ng aking kaarawan. Napagdesisyunan ko rin na ngayon na ang tamang oras para ipagtapat na ang relasyon namin ni Zac sa aking mga magulang. Matapos naming mag-set up ng decorations ay agad na akong nagbihis at nag ayos sa kwarto ko. Ngayong gabi kasi magsisimula ang aking birthday party. Nakarinig ako ng ilang katok sa aking kuwarto habang ako ay abala sa paglalagay ng make up sa aking mukha. "Love, can I come in?" tanong ni Zac. Dali-dali ko siyang pinagbuksan ng pinto at sinilip kung nandiyan ba ang mga magulang ko sa loob ng aming bahay o abala pa rin sila sa labas, para mag-organize ng birthday party ko. Nang makita kong wala ang mga magulang ko sa loob ng bahay namin ay pinapasok ko na agad si Zac sa loob ng aking kwarto. "You look stunning, love." he said while his ocean blue eyes staring at me. Nakasuot ito ng bohemian outfit at napakagwapo niya sa kanyang suot. Pero kahit naman anong suotin niya ay gwapo parin siya. "Thanks love," I said and smiled at him. Lumapit siya sa akin. He pulled me closer. Nalalanghap ko ang gamit niyang aftershave. And he kissed me in my lips. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay bahagya ko siyang itinulak para dumistansya sakin. "Wait love, baka makita nilang nandito ka sa kwarto ko." Natatarantang sabi ko kay Zac. Nandyan lang ang magulang ko kaya kinakabahan ako na baka makita nila kaming dalawa ni Zac sa loob ng sarili kong kwarto. "So?" nakakunot ang noo nito. "Plano narin naman nating ipaalam sa magulang mo ang tungkol satin diba?" naguguluhan niyang tanong. "Oo nga, pero bukas ko nalang sasabihin. Pagkatapos nalang ng birthday ko." ani ko. Pero kinakabahan parin ako habang iniisip ko kung paano ko ipagtatapat sa kanila na may boyfriend na ko. "I get it. But nothing can stop me from kissing you right now." He pulled me closer to his arms once again and we kissed passionately. Nabura tuloy yung nilagay kong red lipstick sa labi ko. "Enough, love." natatawang hinampas ko siya sa kanyang braso. Tinulak ko na siya palabas ng kwarto ko bago pa kami mahuli dito sa loob. Nagsimula narin ang masayang birthday celebration ko. We had dinner by the beach. Pamilya ko lang at mga close family friends na naninirahan dito sa isla ang aking mga bisita. It's a special night that I will never forget. Especially I got to celebrate my birthday with the man I love. The dance party will starts now. Tumugtog na ang malakas na party songs. Kaya naman hinila na ako ni Zac sa aking kinauupuan. We dance and party like there's no tomorrow. Nang mapagod na kaming magsayaw ni Zac ay nagpahinga na muna kami. Makalipas ang ilang minuto ay tumugtog ang isang sweet romantic song. Lumapit sakin si Liam at niyaya niya akong sumayaw. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon. At pumunta na kami sa gitna para magsayaw. "Ang ganda mo talaga, Bella." ani ni Liam at ngumiti habang nagsasayaw kami. Halos magkadikit na ang aming katawan dahil mas inilapit niya ako sakanya habang ang kanang kamay niya ay nasa bewang ko at ang isang palad naman namin ay magkasalikop. Ang kaliwang kamay ko naman ay nakapatong sa kanyang balikat. "Salamat." nag-init ang aking pisngi at nakaramdam ng hiya sa sinabi niya. Magkababata din kami ni Liam. Matangkad din itong lalaki at halos magkasing tangkad na sila ni Zac. Pinagmasdan ko ang itsura ni Liam ngayon. Gwapo siya sa kanyang suot na tropical-print shirt. Bukas ang ilang butones nito. Parehas din sila ni Zac na maganda ang pangangatawan. Pano ba naman eh parehas silang adik sa pagwo-work out. Khaki shorts naman ang kanyang suot sa gawing ibaba. Taglay nito ang magandang brown eyes at malalantik na pilik mata. Matangos din ang kanyang ilong at may manipis at mamula mulang labi. Nagawi ang mga mata ko sa pwesto kung saan nakaupo si Zac. Wala kasi siya kanina nung niyaya ako ni Liam magsayaw, kaya pinaunlakan ko ito. Pero ganun nalang ang kaba ko ng makita ang itsura ni Zac. Nakakunot noong nakatingin ito sa aming dalawa ni Liam. Habang nakakuyom ang kanyang kamao. Nag-igting din ang kanyang panga ng magtama ang aming mga mata. Inilayo ko ang halos magkadikit na katawan namin ni Liam at dumistansya ako ng kaunti. "Ah Liam, gusto ko ng bumalik sa pwesto ko." ani ko. Natatakot ako na baka mamis-interpret ni Zac ang meron samin ni Liam. Kababata ko lang naman si Liam at niyaya niya lang ako magsayaw. "Wait Bella, saglit palang naman tayong nagsasayaw. Just enjoy the night with me." aniya habang ngumiti ito at nakatitig sa aking mukha. "I like you Bella," bulong niya sa aking tainga. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya. Mahina ko siyang itinutulak para lumayo ang aming magkadikit na katawan habang mas lalo niya akong kinabig papalapit sakanya. "Wala ka namang boyfriend, right? Will you give me the chance to pursue you?" he asked. He seems serious about what he said and stared at me intensely. "Would you mind if I court you, Bella?" aniya. "Pero...Liam.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang may humila sa braso ko sanhi para mapasandal ako sa matigas na dibdib nito. Si Zac! Matalim ang mga tingin ang pinukol niya kay Liam. Natatakot ako sa pwedeng gawin ni Zac dito kaya hinila ko na siya palayo kay Liam. "Would you mind if I dance with my girlfriend?" mayabang na tanong nito kay Liam. Nagulat ako sakanyang sinabi. Pero hindi na ako nakapagsalita pa. "Wait...Bella...Is that true? Girlfriend ka na niya?" gulat na tanong ni Liam sa akin habang tinuro niya si Zac. Kinakabahan ako at hindi alam kung sasagutin ko ba ang tanong ni Liam. Bakit ba naman kasi sinabi ni Zac ang tungkol sa bagay na iyon? Alam niya namang wala pang nakakaalam nang tungkol sa relasyon namin. I just nodded. 'Di na nakapag-react si Liam. Napatulala na lang ito at napanganga sa pagkabigla. Hindi siya makapaniwala. Hinila ko na lang si Zac sa isang sulok para kausapin. "Ba't mo naman sinabi 'yun kay Liam? 'Di ba sabi ko sa 'yo wala munang makakaalam ng tungkol sa 'tin? Ni hindi pa nga alam ng magulang ko na boyfriend na kita, eh," inis na sabi ko sa kaniya. "I can't stand how he's flirting with you! Your body's too close to him!" Galit na sabi nito. "Don't tell me you enjoyed it, huh?" Nagulat ako sa sinabi niya na parang nag-aakusa. Pakiramdam niya nag-e-enjoy ako kanina? Eh, tinutulak ko nga papalayo si Liam sa 'kin. "So, you're accusing me of flirting with Liam?" I said. "That's so low Zac!" Inis na sabi ko sa kaniya. Naglakad na ako papalayo at nagmamadaling pumasok sa loob ng aming bahay. Narinig ko ang sunod-sunod na katok sa pintuan ng aking kwarto. Mabilis na nakasunod sa 'kin si Zac. "Love, open the door," he said. "Let's talk please," ani Zac. Naiinis ako sa kanya. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi naman ako tulad nang sa iniisip niya. I love him so much. And I would never flirt with other man. I'm so disappointed. I don't want to talk to him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD