Habang nag-iihaw ako ng isda ay inaalis ko ang mga damo sa mga tanim kong sitaw. Ang sabi ko kay Stone ay bantay-bantayan niya ang mga iniihaw ko dahil baka masunog ang mga ito. Pero, parang masama yata ang loob niya. Kunot kasi ang noo niya habang nakamasid sa mga iniihaw kong isda. “How will I know if this is cooked already?” tanong ni Stone sa akin. “Hindi pa ba luto ‘tong mga ‘to?” Marahil ay gutom na ang lalaking kasama ko. Nakapagluto na ako ng sinaing at nakagawa na rin ng sawsawan para sa inihaw na bangus. Nakapag-steam na rin ako ng talbos ng kamote, talong, ampalaya, sitaw at saka okra kaya kapag luto na ang mga bangus ay kakain na lang kami. Naggisa na rin ako ng alamang para i-partner sa mga gulay na in-steam ko. P'wede na nga kaming kumain dahil nagluto naman ako n

