CHAPT-38 (Valentines)

2241 Words

ANDREA Napansin ko na madalas na siyang umuwi ng maaga ngayon. Napansin ko rin ang tila medyo pagbabago ng awra niya. Yung laging parang bugnutin at tila mainitin ang ulo, ngayon ay tila naging kalmado. Naging mas mahinahon ang mga mata niya, nawala yung talim at laging nang uusig na tingin. Na para bang sa bawat sandali ang tingin sa ‘yo ay nakagawa ka ng pagkakamali. Nawala yung kilay niya na laging salubong, pati yung makulimlim niyang mukha kahit napakaganda naman ng panahon. Mas magaan pakibagayan at pakitunguhan ang presensya niya. Kaya naman medyo nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob kahit pa nga madalas ay nasa paligid ko lang siya. Medyo naiilang pa rin ako kapag yumayakap siya at humahalik lalo na kung pabigla bigla. Pero masasabi kong mas kaya ko nang kontrolin ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD