DRACO Pagkaalis ng sasakyan ni Akrim, tinanguan ko si Alcon at agad rin kaming sumakay sa sasakyan ko. “Kailangan natin maabutan ng buhay si Benites, kapag namatay siya baka magkaproblema si Akrim,” tila nag aalala niyang sabi, napangisi ako. “Kayang kayang lusutan yan ni Gob kung sakali, ang concern ko ay ang mga mahahalagang impormasyon na maaring mawala kapag tinuluyan siya agad ni Gob.” Kanina, nanlilisik na naman ang mga mata ng gagu, alam namin, talagang papatay siya. Kilala siya bilang malupit at walang awang Gobernador ng probinsyang ito. Naging matunog ang pangalan ni Akrim nang sa termino niya bilang Governor ay naging sunod sunod ang pagkamatay ng ilang taong nasasangkot sa mabibigat na kaso. Tulad na lamang ng isang chinise businessman na pinararatangan na nang rape at

