ANDREA Inako ko ang pagluluto ng hapunan nang araw na iyon. Tinulungan naman ako ni Dollor at Aling Feliza sa paggagayat ng iba pang mga gulay na pang sahog. Tatlong putahe raw ang madalas nilang niluluto sa mansyon. Nakita kong pawang malalaking kaserola rin ang mga lutuan nila, naisip ko, dahil na rin sa dami ng tauhan nila sa mansyon. Gate guard, hardeniro, driver, at mga body guards ni Akrim. “Ako na lang po ang maghihiwa ng carrots at patatas para sa Afritada,” ang sambot kong sabi kay Aling Feliza. Agad naman siyang tumango at pinaubaya nga sa akin ang panghihiwa nun. “Ikaw ang bahala, Senyorita.” Ang anitong binitawan ang kutsilyo at hindi na tinuloy ang paghihiwa ng carrots at patatas. Matipid akong ngumiti. Medyo hindi talaga ako komportable sa tila pagtrato nila sa a

