AKIE Lumipas ang dalawang linggo na wala kaming kumuniskasyon ni Andrea. Ganun pa man, sa durasyon na iyon ay hindi ako tumigil na i-text siya kahit hindi ako sigurado kung nababasa ba niyang talaga ang mga text messages na pinapadala ko. Sa tuwing sinusubukan ko kasing tawagan ang number niya, answering machine lang talaga ang laging naririnig ko sa kabilang linya. But my hopes doesn’t stop there, umaasa pa rin talaga ako na makakakuha ng sagot, or kahit closure man lang kung talagang wala na kaming pag-asang dalawa. Though, parang napakahirap sa aking tanggapin na mapuputol na lamang ng basta ganun ang relasyon namin. “Hanggat hindi mo sinasabi na wala na tayo, aasa pa rin ako Andrea, maghihintay pa rin ako. Susuko lang siguro ako kapag ikaw na ang mismong nagsabi sa akin na ay

