ANDREA Nag-umpisa ang relasyon namin, pakiramdam ko, nakatagpo ako hindi lamang ng pag-ibig kun’ di pati ng bagong pamilya. And yes, magkasintahan na nga kami, in that water falls, we made it official. Unang date namin sa talon din, nakakatawa ‘di ba? Para bang sa pusod ng haciendang iyon ay bumuo kami ng sarili naming paraiso. Naging saksi ang talon sa mga lihim na pagtatagpo namin. Saksi rin ang talon sa mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin na agad din namang naapula. Saksi sa mga pigil na kapusukan naming dalawa at paminsan minsang tampuhan na hindi rin naman tumatagal at lumalala. We always ended up making out sa tuwing nagkikita kami. At talagang hanga ako sa malakas na pagpipigil ni Akie. Biruin mo, kayang kaya niyang pantayin ang isip niya sa tuwing lunod na lunod

