LEFT WITH A PRECIOUS GIFT

1117 Words
LEFT WITH A PRECIOUS GIFT "Kahit anong mangyari, kahit magunaw ang mundo, pangako... hinding-hindi ako aalis sa tabi mo." Malungkot akong napangiti kasabay ng pagtulo ng luha ko. Nakatulala ako ngayon sa bangkay ng huling taong... nangakong hindi aalis sa tabi ko. "Sabi mo hindi ka aalis..." Ramdam ko ang mainit na luhang umaagos pababa sa pisnge ko. "Pero bakit nang-iwan ka pa rin?" Naninikip ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit habang naluluha paring nakatingin sa kabaong ni Marvin. Kakakasal palang namin kahapon at papunta na sana sa honeymoon namin pero isang aksidente ang nangyari. Nabangga ang sasakyan namin sa malaking truck. Himala daw at nakaligtas pa ako. Pero kahit nakaligtas ako, hindi ako makaramdam ng saya. "Sana sinama mo nalang ako.. " Mahina kong sambit. Wala na kasi akong pamilya kaya sa kaniya nalang ako kumukuha ng lakas. Pero paano pa ako mabubuhay kung yung nag-iisang dahilan ko para magpatuloy ay nawala na? Mabigat man sa dibdib ay pinilit ko ang sariling umalis muna sa harap niya. Pakiramdam ko kasi sa bawat segundong tinitingnan kong mahimbing siyang nakahimlay sa kabaong na 'yon ay pinipiraso-piraso ang puso ko. Nang makarating sa kama ay pagod akong nahiga ro'n. Pagod na pagod na ang katawan ko dahil hindi pa ako nakakatulog simula nang magising ako sa hospital. Pati ang mga mata ko ay namumugto narin sa kakaiyak. Nandito ako sa kwarto para magpahinga pero natagpuan ko na naman ang sariling tahimik na humahagulgol. Huminga ako ng malalim saka pinilit na tumayo. Isa-isa kong hinubad ang mga damit ko bago pumasok ng banyo. Binabad ko ang katawan sa bathtub na puno nang maligamgam na tubig. Napapapikit ako dahil nakakalma nito ang buo kong katawan. Wala sa sarili akong napangiti. "Mahal ko..." Gulat akong napadilat at wala sa sariling napatayo! Parang may... bumulong sa tainga ko. Kakaiba 'yon dahil nagtaasan ang mga balahibo ko. Napayakap ako sa hubad kong katawan. Bumuntong-hininga nalang ako. Malamang dahil lang 'to sa pagod kaya nakakarinig na ako ng kung ano-ano. Kailangan ko na talagang magpahinga. Ilang sandali pa akong nagbabad sa bathtub ng magdesisyon na akong tumayo para kuskusin ang katawan ko. May malaking salamin sa harap ko habang nililinisan ko ang katawan ko. Pero natigilan ako sa pagsasabon nang may maramdamang hangin sa tainga ko pababa sa leeg ko. Nagtaasan na naman ang balahibo ko. Nag-uunahan na sa pagtibok ang puso ko habang tulala sa harap ng salamin. Yung hangin kasi na nararamdaman ko ay bumababa sa dibdib ko... sa puson ko at sa pagitan ng mga hita ko. Parang may dumadamping hininga sa bawat parte ng katawan ko. Nagsisimula na akong maghabol ng hininga. Natatakot at nananabik sa hindi malamang dahilan. Pinikit ko nalang ng mariin ang mata ko sa isiping nagha-hallucinate na naman ako pero kahit pa nakapikit na ang mga mata ko, hindi parin nawawala ang mainit na hangin na dumadampi sa balat ko. Suminghap ako ng hangin nang umakyat na naman ang hangin na 'yon sa leeg ko. Nanginig ang katawan ko nang may labing dumampi roon at hinalik-halikan ang leeg ko. Hindi ko parin dinidilat ang mga mata ko sa takot na makakita ako ng kakaibang nilalang pero nang may pamilyar na boses ang sumakop sa pandinig ko, nawala bigla ang takot na nararamdaman ko. "Mahal... ako 'to... ang asawa mo..." Dahan-dahan akong dumilat. At doon ko nakita sa salamin na may lalaking nakatayo sa likod ko at nakangiti sa akin. Nangilid ang luha ko. Kung panaginip lang 'to... sana hindi na ako magising pa. "Marvin..." Tumulo ang luha ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Ngumiti lang siya sa'kin at niyakap ako mula sa likuran. "Ituloy na natin yung naudlot na honeymoon?" Huminga siya sa tainga ko dahilan para mapapikit ako. Bigla ay napangiti ako at dahan-dahang humarap sa kaniya. Hinawakan ko ang gwapo niyang mukha. Hindi parin makapaniwala na nasa harap ko siya ngayon. Wala na akong pakialam kung nagha-hallucinate ako o nananaginip basta ang importante, nandito na siya harap ko. Ngumiti siya saka bumaba ang mukha para sakupin ang labi ko. Pumikit nalang ako at isinabit ang braso sa leeg niya. Pareho kaming humugot ng hininga nang hapitin niya ako sa kaniya kaya nagdikit ang mga katawan namin. Tumitig ako sa mga mata niya, punong-puno 'yon ng halo-halong emosyon. "Mahal kita." Sinapo niya ng marahan ang mukha ko at pinakatitigan ako sa mata. "Kaya mag-iiwan ako sa'yo ng regalo na magsisilbing bunga ng pagmamahalan nating dalawa." Hindi ko maintindihan ang pinaparating niya. Sa halip ay hinalikan niya ako ng buong puso dahil alam naming dalawa na kahit kailan, hindi na ulit 'to mangyayari. ___ "Wake up! Wake up!" Dahan-dahan akong dumilat nang may maramdamang tumataas baba sa kandungan ko. Sumisigaw 'yon at gusto na akong bumangon. "Wake up, Mommy! I want milk! Milk!" Natawa nalang ako habang napapailing. Ngumuso sa'kin si Arvin, ang four years old kong anak. Naiinis na siya dahil hindi pa ako nakakabangon at hindi pa gumagawa ng mahal niyang gatas. Tuloy ay kahit inaantok pa ako ay pinilit ko nalang bumangon. "There," Binigay ko na sa kaniya ang isang baso ng gatas. Natahimik siya at ininom agad 'yon. "Happy now?" Nang-aasar kong sabi. Ngumiti lang siya at niyakap ako. "Yes! Thank you, Mommy!" Natawa na naman ako. Pareho talaga sila ng ugali ng Daddy niya. "Mommy, where's Daddy?" Nanigas ako sa tanong ni Arvin. Kahit kailan ay hindi ko pa naman sinasabi sa kaniya ang tungkol sa Daddy niya pero bakit bigla siyang napatanong tungkol doon? Tinitigan ko ang mukha ng anak ko. Inosente lang siya habang hinihintay akong sumagot. Malungkot lang akong napangiti. "Daddy... is in heaven now, baby." "Heaven?" Tumango ako. "H-He's already tired so... he went there. Now, he's already resting peacefully." Ngumiti ako ng matamis kahit nanlalabo ang paningin ko sa nagbabadyang luha. Inosenteng napatango si Arvin na akala mo'y naiintindihan ang sinabi ko. "Baby, you want to watch movies with Mommy?" Sumigla ang mukha nito at nagtatatalon-talon sa tuwa. "Yes, please!" Natawa ako saka siya pinauna na pumasok sa kwarto. Ako naman ay dumeresto sa sala namin para kuhanin ang isang litrato na itinatago ko sa likod ng picture frame namin ni Arvin. Ang litratong 'yon ay ako kasama si Marvin. Napangiti ako habang tumutulo ang luha na nakatingin sa litrato naming dalawa. Tanggap ko naman na wala na talaga siya sa'kin kaya payapa na ang puso ko. Pero may napagtanto ako sa huli niyang sinabi sa'kin. "Kaya mag-iiwan ako sa'yo ng regalo na magsisilbing bunga ng pagmamahalan nating dalawa." Ngayon ko lang nalaman. Kahit mukhang imposible ay naging posible nang mag-iwan siya ng regalo sa'kin. At 'yon ay si Arvin, ang anak namin ni Marvin. ✍️: Janess Manunulat | @janesscious • Work of Fiction
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD