I WANT TO MAKE HER PREGNANT
Wala na akong iba pang mahihiling sa buhay ko, bukod sa may maganda akong girlfriend s***h future wife, hindi ko alam kung ano pang pwede kong hilingin sa maykapal.
'Wala nga ba?' Rinig kong munting tinig sa isip ko.
Huminga nalang ako ng malalim. Ang totoo, meron pa akong gustong hilingin. At 'yon ay ang magkaroon ng anak sa babaeng mahal ko.
Nasa tamang edad na kami, maayos na ang trabaho at nakapag ipon-ipon narin para sa kasal. Ang kaso nga lang, masyado na akong na-aatat magkaanak.
Excited na kasi akong mag-alaga ng cute at maliit na anak na kamukha ng mommy niya. Dahil mahal ko naman ang girlfriend ko, gusto ko sa kaniya magmamana ang histura ng magiging anak namin.
Kaso nga lang—
"Mahal naman kasi, eh. Hindi ba sinabi ko na sa'yo na pagkatapos nalang natin ikasal?"
Ngumuso ako at napahinga nang malalim. Malamlam na tumingin sa mga mata niya. "Hindi ba pwede I-advance?"
Natawa siya sa sinabi ki. "Pwede naman kaso... ayoko pa, eh. Intindihin mo naman ako mahal, please?" Siya naman ang ngumuso at nagpapacute akong tinitigan. Napailing nalang ako.
Alam na alam niya talaga ang kahinaan ko.
"Sige na nga," Sabi ko nalang bago siya hinalikan sa noo pababa sa labi. Napatalon naman siya sa tuwa.
Pero bago pa siya magsisisigaw sa tuwa ay binuhat ko na siya papunta sa kama saka siya doon hinagis.
Sinamaan niya ako ng tingin matapos niyang sumalampak sa kama dahilan para matawa ako. At bago pa siya makaalis sa kama ay pinatungan ko na siya.
Natatawa niyang piningot ang ilong ko. "Ikaw ah... para-paraan ka lang, eh!"
Natawa ako nang malakas at paulit-ulit siyang hinalikan sa pisnge. "Gawa na tayo baby, mahal. Isa lang, promise."
Nilabas niya ang dila na parang nang-aasar. "Manigas ka!"
"Maninigas talaga..." Ningisihan ko siya saka hinalikan sa labi. Nang masiguro kong nawala na siya sa ulirat, saka ko ginawa ang plano.
Sisiguraduhin ko na magkakaanak na tayo sa sunod na linggo, Mahal ko.
___
"Mahal? Ayos ka lang?"
Agad ko siyang pinuntahan sa banyo nang marinig ko siyang sumuka. Sumusuka siya pero wala namang inilalabas kaya kunot-noo kong hinagod ang likod niya.
Ilang minuto pa ay uminom na siya ng tubig. Humarap siya sa'kin at kita ko ang pamumutla niya.
Hinila ko siya patungo sa kama. "Namumutla ka Mahal, ano bang nakain mo? May sakit ka ba?"
Kunot-noo siyang umiling. Huminga nalang ako ng malalim saka siya giniya pahiga.
Ilang minuto pa ay nakatulog na siya agad. Pati 'yon ay pinagtaka ko. Hindi naman siya ang tipo na nakakatulog agad. At bakit parang pagod na pagod siya?
Napaisip ako ng malalim. Imposible namang buntis siya agad 'di ba? Kahapon ko lang ginawa ang plano, tapos lumabas agad ang resulta?
Weird.
___
"[Mahal please... pleaseee! Bili mo 'ko strawberry saka maraming apple. Marami,ah! Ang sarap kasi no'n! Lalo na no'ng strawberry!"]
Natawa nalang ako nang marinig siyang pumapalakpak pa sa tuwa dito sa telepono. Nito kasing mga nagdaang araw ay mas lalo siyang nagiging makulit at palaging hingi ng hingi ng pagkain. Napailing nalang ako.
"Oo na po. Uuwi na ako, ipagluluto kita mamaya para mabawasan 'yang kakulitan mo."
Rinig ko siyang humalakhak. ["Yehey! Bilisan mo na, ah! Ingat ka pauwi, loveyah!"]
"Yes, boss. Love you too."
Binaba ko na ang telephone ko at napatitig sa kawalan.
Tama ba ang hinala ko? Buntis siya?
Sa kabila ng pagod na nararamdaman ay napangiti pa ako. Ito na ang matagal ko nang hinihiling, at sana, totoo.
__
"Ready ka na bukasn, mahal?" Nang-aasar ko siyang ningitian. Pero nawala ang ngiting 'yon nang makita na para siyang nababalisa.
"Mahal?"
Parang siyang bumalik sa katinuan nang sumulyap siya sa'kin. "H-Ha?"
Kununot ang noo ko. "Ayos ka lang ba?"
Ilang beses pa siyang napakurap-kurap saka alinlangang tumango. "O-Oo."
Bumuntong-hininga ako. "Kilala kita. Hindi ka okay. Ano bang problema? Pwede mo bang sabihin sa'kin?"
Bumukas ang bibig niya pero walang salitang namutawi ro'n. Nagtataka na ako.
Ano bang inaalala niya?
"Mahal." Seryoso kong tawag. Bumalatay ang kaba sa maganda niyang mukha.
"K-Kasi..."
"Hmm?"
"H-Hindi natin pwede ituloy y-yung kasal."
Natigilan ako at napatayo. "A-Ano?"
Pakiramdam ko nahati sa dalawa ang puso ko. Pakiramdam ko may pumipiga doon dahilan para makaramdam ako ng kirot.
Nanginig ang labi niya at tumulo ang luha. "M-Mahal... I-I'm sorry—"
"Bakit? Bakit, mahal? Ano ba kasing problema?! Sabihin mo naman sa'kin! Hindi mo na ba ako mahal? May iba ka ng gusto—"
"Hindi gano'n mahal—"
"Kung hindi gano'n edi sabihin mo ang dahilan!"
Napahikbi siya dahilan para agad kong sisihin ang sarili. Inalalayan ko siya saka niyakap.
"Sorry... sorry mahal... hindi ko sinasadyang sumigaw... h-hindi ko lang kasi maintindihan ang dahilan mo kung bakit umuurong ka sa kasal natin... sorry... "
Mas umiyak pa siya lalo at niyakap ako ng mahigpit. "Patawarin mo 'ko, mahal... p-patawa—"
"A-Ano 'to?"
Agad kong kinuha ang isang puting bagay sa likod niya, may dalawang kulay pula na linya 'yon...
"P-Pregnancy test 'to 'di ba?"
Kita ko ang kakaibang takot sa mukha niya na para bang gusto niyang kunin ang bagay na 'yon mula sa kamay ko. "O-Oo..."
Alam ko ang bagay na 'to at kapag may dalawang pulang linya, ibig sabihin ay POSITIVE.
Namangha at nangilid ang luha ko sa tuwa habang nakatingin sa PT. "B-Buntis ka... t-tama ako... buntis ka.."
"M-Mahal—"
"YES! YES!" Hinalikan ko siya sa labi nang mabilisan dahil sa tuwa. "Thank you! Thank you! May anak na tayo, Mahal! Yes! Ye—"
"—I'm s-sorry... I'm sorry..."
Naputol ang saya ko dahil narinig ko na naman siyang humikbi.
Sa hindi malamang kadahilanan ay kinabahan ako. "Mahal... b-bakit ka umiiyak? D-Di ba dapat masaya ka? M-Masaya tayo..."
"Mahal, sorry, patawarin mo ako..." Mas lumakas pa ang hikbi niya kasabay nang malakas na pagtibok ng puso ko.
Sana mali ang iniisip ko...
"B-Buntis ako... p-pero... "
"Hindi ikaw ang ama..."
✍: Janess|@janesscious