MATULOG kana, babalik naman ‘yon bukas. Winaksi niya ang kamay ni Lyndon nang dumantay ang kamay nito sa likod niya. “Ano ba, bitawan mo nga ako! paano ako kakalma tinangay ng kapatid mo ang anak ko!” Singhal kay Lyndon. Napabuga ito ng hangin at hindi na siya pinatulan pa. Umiiyak siyang nakatanaw sa kalsada inaabangan niya ang sasakyan ni Larry baka bumalik ito. “Brother, I have an idea.” Si Leonard na lumapit na sa kanila. Nilapag nito ang hawak na champagne sa pasamano. “What is it?” tanong ni Lyndon. Si Kendra ay panay dial sa phone nito kung may balita na ba kay Fonsi. Nagpatulong na siya sa barangay kahit pa madaling araw na ay dinisturbo niya talaga alang-alang sa anak niya. Gusto niya kasing i-report sa police pero ang sabi ni Kapitan ay 24 hours pa kapag hindi pa bumaba

