"Malayo pa ba tayo?" tanong ni Airy kay Jak. "Nandito na." sagot naman ni Jak at itinuro niya ang libro na medyo may kalayuan sa kanila. "Tara na." sabi ni Airy at aapak na sana sila sa guhit nung pinatigil sila ni Jak. "Teka lang." sabi niya. Tumigil naman agad sila Airy. "Kailangan n'yong mabuksan ang tarangkahan papunta sa libro mula dito." "Huh? Nababaliw ka na ba? Walang tarangkahan yan ah. Paano ko naman yon gagawin?" "Manood kayo." sabi ni Jak at kumuha siya ng maliit na kapiraso ng sanga na nakakalat sa paligid at ibinato sa direksyon ng libro. Tok! Wiiiiziing! Matapos niyang ibato ang maliit na kapiraso ng bato ay biglang lumabas ang isang napakalaking tarangkahan pero agad din itong nawala. "Wow. Ano yon?" tanong ni Drown. "Teka. Paano ko naman bubuksan yon?" tanong nam

