"May nakilala akong matanda. Para siyang ermitaryo. Baka pwede siyang tumulong sa'kin." sabi ni Kill. "Kung ganon. Puntahan natin siya." sabi naman ni Data. Sa labas naman ay nananahimik lang si Airy. "Airy. Bakit? Anong nararamdaman mo?" tanong ni Drown. "Parang may darating. May gusto atang makisalamuha sa'tin ngayon." "H-ha? Ano yon? B-baka kalaban yan." takot na sinabi ni Drown at kumapit siya sa braso ni Airy. "Tumigil ka nga. Hindi naman nakakatakot 'to." sabi ni Airy at tinanggal niya ang kamay ni Drown sa braso niya. "Airy. Mag-ingat ka!" sigaw ni Risk sa loob. Nakita niya kasi sa isip niya na may dadaan na matandang ermitanyo. "Huh?" sabi ni Airy at pinatigil niya si Season. Sa harap nila ay may nakatayong ermitanyo na nakahood na kulay moss green. Nakangiti sa kanila ito

