Nakatawid na sila sa sumunod na city. Maingay pa rin sa loob ng prairie wagon dahil kay Data. Sa labas naman ay si Airy ang nagmamaneho. Dinamdam niya rin kasi ang pagkawala ni Fade. "Bloom. Kasalanan mo 'to. Dapat kasi hinawakan mo siya sa kamay." sigaw ni Data at dinuduro niya si Bloom at pinipigilan naman siya ni Pipe. "Data tama na yan." awat naman ni Pipe. Sa labas naman ay malalim ang iniisip ni Airy. May nararamdaman kasi siyang kakaiba kay Data. Puno siya ng emosyon na hindi katulad ng dati. "Kasalanan mo rin 'to Pipe. Alam mo ng tatakbo siya papunta doon pero nagawa mo lang na umupo." sigaw niya at itinulak niya si Pipe. "Hindi siya nakinig sa'kin at para rin naman yon sa kaligtasan ni Airy." sabi ni Pipe. Bigla namang nagising si Drown. "Ugh. Anong nangyari? Sino kayo?" tan

