"Pipe sa likod mo!" sigaw ni Airy habang nakikipaglaban din sa mga sumusugod na bestia sa kanila. "Airy!" sigaw naman ni Drown at humarang siya sa harap ni Airy at tinanggap ang kalmot ng bestia. "Wala na kayong magagawa pa. Nandito ako para maghari. Konting panahon na lang at mapapasa'kin na rin ang buong Fairy Land." sabi ni Queen Fright habang nakatayo pa rin siya sa harapan ng trono at nasa tabi niya ang isang malaking hourglass. "Risk. Mag-concentrate ka." sabi ni Kill sa kanya at nakipaglaban nga siya gamit si Season. "Wala na ba tayong ibang paraan?" tanong naman ni Fade sa gilid ni Drown. "Isa lang ang nakikita kong solusyon." sabi naman ni Data at pinoprotektahan niya si Fade sa mga gustong manakit sa kanya. "Ano yun?" tanong ng lahat maliban kay Risk na noo'y nakikinig lang

