##### CHAPTER ONE FIRST MEET
MALISORN HOTEL AND RESTAURANT...
" Hello yho, nasaan ka na ba? " tanong ng best friend ni Yoko na si Freen mula sa kabilang linya ng telepono. Naglalakad na kasi si Yoko papunta sa exit ng hotel.
" Palabas na ng hotel, fortunately the meeting ended quickly, " sagot n'ya.
" That's good, you can go home and rest, hindi yo'ng puro trabaho na lang ang inaatupag mo. "
" Oo, uuwi muna ako sa bahay para makapagpahinga. By the way, Freen, ngayon lang ako nakarating sa hotel na to'. It's really nice here, the whole place is amazing. "
" Ay oo naman, that hotel is very beautiful and famous. Saka, hindi ba mahilig ka sa mga paintings? May art gallery rin sila d'yan. "
" Talaga? Ngayon lang kasi ako nakapunta dito eh. "
" Labas-labas ka din kasi sa lungga mo kapag may time, hindi yo'ng sinusubsob mo ang sarili mo kakatrabaho. "
" Alam mo naman kung bakit Freen, hindi ba? "
" Alam ko naman yo'n, pero sana kahit papano nagpapakasaya ka pa' rin sa buhay mo. By the way, ang owner ng hotel na 'yan ay super famous rin dito sa lugar natin, si Ms. Faye Malisorn. "
" Huh? "
" Anong huh, hindi mo kilala no? Sinasabi ko na nga ba, puro ka kasi trabaho kaya wala ka nang alam sa nangyayari sa mundo. Ano ka ba naman, Ms. Faye is the governor here in our barrio, her family is one of the richest families here. Sobrang yaman nila baka nga kahit buhay ng tao kaya n'yang bilhin eh at alam mo ba na kilala s'ya bilang si Ms. three seconds. "
" Bakit naman? " tanong ni Yoko na napapangiwi na lang dahil sa kadaldalan ng best friend n'ya.
" Because in just three seconds, she get everything she wants. "
" Talaga? " walang kalatoy-latoy na sagot ni Yoko.
" And that's not all huh, did you know that Ms. Faye is known as heartless and evil. "
" So? "
" Ano ka ba naman Yho! Wala kang kwentang kausap."
" Hindi naman kasi ako interesado sa mga kinukwento mo. "
" Sige ka baka kapag nakita at nakasalubong mo si Ms. Faye ay mapatulala ka sa ganda n'ya. She's very cool and beautiful, sobrang strong ng personality n'ya. Palagi kong nai-imagine yo'ng mga bidang babaeng boss mafia sa TV, perfect na perfect ang character na yo'n para sa kanya. "
" Alam mo Freen, kakanood mo 'yan ng k-drama, sabi ko sa'yo tigilan mo na 'yan, ni hindi ko nga ma-imagine kung ano ang mga sinasabi mo.Saka, maganda? Alam mo ba ang naiisip ko sa mga nagiging gobernador? Matatanda na sila, kalbo o kaya naman malalaki ang tiyan. "
" Gaga! Saan ka bang galing na mundo, namatay na kasi tatay ni Ms.Faye kaya s'ya yo'ng pumalit bilang gobernador dahil maimpluwensya at mayaman ang pamilya nila, walang imposible lahat magagawa nila. "
" Pwede ba 'yon? Hindi ba't dapat ang susunod na magiging gobernador ay ang Mayor. Pero nevermind na nga lang, wala naman akong pakielam sa mga bagay na 'yan, marami akong problema Freen, mas importante pa d'yan sa mga pinagsasabi mo. O s'ya sige, bye na muna tatawag ako sa'yo kapag nakauwi na ako ng bahay. "
" Okay sige, bye. "
Pag-off ni Yoko ng cellphone ay inilagay na n'ya ito sa loob ng kanyang bag. n?Napapailing na lang s'ya dahil sa mga pinagsasabi ni Freen, matagal na silang mag-best friend simula ng mga bata pa lamang sila. Ito rin ang takbuhan n'ya at sandigan sa lahat ng mga pinagdaraan n'ya sa buhay.
Hindi rin lingid sa kaalaman n'ya na ang best friend n'ya ay isang bisexual, madalas itong humahanga or nagkakagusto sa mga magagandang babae, minsan naman sa mga gwapong lalaki. Kaya naman tingin n'ya kaya labis ang panghanga n'ya sa sinasabi nitong babae na si Ms. Faye ay nagugustuhan n'ya ito.
Kahit naman masyado s'yang busy sa trabaho ay alam n'ya naman ang mga nangyayari sa mundo, kilala n'ya si Ms. Faye ngunit sa pangalan lamang at sa mga kwento-kwento tungkol dito. Napakaraming humahanga sa kanya lalo na sa angkin nitong kagandahan pero hindi naman s'ya interesado dito. Isa pa, wala naman s'yang bilib sa mga pulitiko at pamamalakad ng gobyerno na 'yan dahil tulad ng sabi n'ya kanina mas kailangan n'yang bigyan ng pansin ang mga problema n'ya.
Yoko just continued walking towards the exit of the hotel, but before she reached it she saw a large door that was slightly open. Mukhang tila ba nagkakagulo ang mga tao sa loob nito. Yoko tried again to look inside from the big door, but what she saw surprised her.
Yoko saw a woman lying on the floor, unconscious. She hurriedly ran inside to help the woman. All the people inside were shocked when she entered, they all just looked at her and wondering because of what she did.
" She need an open air, huwag n'yo s'yang harangan, tumabi muna kayo! " sigaw ni Yoko sa kanilang lahat.
Umupo s'ya sa sahig upang i-examine ito, she took off her thick and soft jacket to make a pillow for the woman. She also adjusted the woman's lying position so that the blood in her body would flow properly.
" Miss, naririnig mo ba ako? Pwede mo bang iangat ang kaliwang kamay mo? " pakiusap na utos n'ya sa babae na kaagad naman nitong sinunod.
" Subukan mo namang itaas ang kanang kamay mo. "
Ginagawa ito ng babae pero nahihirapan s'ya.
Kumuha ng baso si Yoko at pinakita sa babae.
" Subukan mo naman itong sundan ng tingin. "
Ibinaling n'ya ito pakanan at pakaliwa pero hindi ito nakakasabay, naninikip na rin ang dibdib nito at nahihirapang huminga. Sa tingin n'ya ay kailangan na itong maitakbo kaagad sa pinakamalapit na hospital.
" Becca! "
Napatingin silang lahat dahil sa isang malakas na tinig.
" Anong nangyayari dito! " anang ng isang babae na naka t-shirt na oversized black, naka tuck-in ang unahang bahagi ng damit nito sa loob ng pants n'yang butas ang dalawang tuhod at naka-white na sapatos. Naka-leather jacket at nakasuot din ito ng shades.
Lumapit ito sa harapan ni Yoko at iniangat ang suot na shades sa ulo n'ya kaya naman napagmasdan n'yang maigi ang kabuuan ng babaeng kaharap. Napakaganda nito, napakasimple lang nang suot ngunit napakalakas ng dating at kung pakatitigang maigi ay napakagwapo rin, kaya naman saglit s'yang nawala sa sarili.
" Ang sabi ko, anong nangyayari dito! "
" Boss! " sigaw ng lahat ng tao sa loob ng malaking silid, kaya naman labis na ipinagtaka ito ni Yoko.
Hahawakan sana ito ng babae ngunit pinigilan ito ni Yoko.
" Wait, don't touch her! Delikado! "
Napakunot ang noo nito habang nakaharap sa kanya, nakaramdam s'ya ng takot at ilang beses na napalunok dahil sa pagtitig ng mga mata nito sa kanya.
" And who are you? How did you get here? "
" Look Miss, I'm here to help. Her situation is very dangerous, she need to be taken to the hospital as soon as possible. "
Hindi s'ya pinansin ng babae, tumayo ito at galit na galit na sumigaw.
" Sino nagpapasok sa kanya dito! Sumagot kayo! " malakas na sigaw n'ya na umalingaw-ngaw sa buong paligid.
" Ah-eh Boss, bigla na lang po s'yang pumasok, " nauutal na sagot ng isang naka-black suit na lalaki.
" Hey Miss, really? In this situation, nakuha mo pa talagang magtanong at magalit kung sino ba ang nagpapasok sa 'kin dito? Hindi mo ba nakikita na nasa peligro ang buhay n'ya! " sabi ni Yoko, pagkatapos ay tumayo s'ya at unti-unting nilapitan ang babae. Matangkad ito sa kanya mga nasa 5'9 siguro ang height, samantalang s'ya ay 5'6 lang kaya naman nakatingala s'ya dito.
" Mas kailangan mong magpatawag ng ambulansya kaysa tanungin kung sino ba ang nagpapasok sa 'kin dito! "
" Sino ka para utusan at manduhan ako kung ano ang gagawin ko? "
" Tulad ng sinabi ko kanina, nandito ako para tumulong. "
" I don't need your help, get out! "
" Please makinig ka naman sa 'kin, nasa panganib na ang buhay n'ya! "
" Who do you think you are? Why should I'll listen to you? "
Napailing na lang si Yoko dahil sa sinabi ng babae. Hindi na n'ya pinansin ito, muli s'yang yumuko para asikasuhin ang babae pero bago pa man din n'ya magawa ito isang malakas na pwersa ang tumulak sa kanya dahilan ng pagkabalandra n'ya kaya naman tumama ang likod n'ya sa kanto ng babasaging lamesa namilipit s'ya ng dahil dito.
Bumangon si Yoko habang hawak ang namimilipit na bahaging likuran dahil sa sakit, pakiramdam n'ya nabalian yata s'ya ng buto dahil sa lakas nang pagkakatulak sa kanya.
" Hey! Makinig ka kung sino ka mang babae ka! " sambit ni Yoko na medyo napapalakas na rin ang boses dahil sa pikon n'ya sa babaeng kaharap.
" I'm a doctor! Kaya alam ko kung ano ang mas makakabuti o hindi para sa kanya! "
**********************