##### Chapter 3 Bulah Village's most powerful families
*****Yoko's House*****
Pag-uwi ni Yoko ay sinalubong kaagad s'ya ng isang cute na cute na alaga n'yang si Sunny.
" Hi Baby Sunny, " tawag n'ya rito pagkatapos ay nagkakawag ang buntot nitong lumapit sa kanya.
" Napakain at napaliguan ko na si Sunny, " turan naman ng kasambahay n'yang si Nanay Perla. Matagal na'rin itong naninilbihan sa kanila.
" Thanks, Nanay Perla. "
Napansin naman ni Nanay Perla na paika-ika s'yang maglakad kaya naman hindi n'ya napigilan na tanungin ito.
" Ano nangyari sa'yo, Yoko? May masakit ba sa 'yo? "
" Ah opo, Nanay Perla, aksidente lang naman po pero okay naman na ako nakapagpacheck-up na 'ko kanina. Kailangan ko lang mag-leave ng mga 2 to 3 weeks po para mawala ang pasa sa likod ko at maghilom. Medyo malala po kasi ang tama eh. "
" Huwag kang mag-alala aalagaan kita. "
" Salamat po, " nakangiting sagot n'ya kay Nanay Perla.
" By the way, ang Daddy po pala? May balita na po ba sa kanya? Umuwi po ba s'ya ng bahay? "
" Pabalik-balik ang pulis dito kanina dahil sa patong-patong na kaso ng Daddy mo, pati yo'ng ibang mga pinagkakautangan n'ya ay araw-araw pa rin ang parito, " sagot ni Nanay Perla, pagkatapos ay nagbuntonghininga.
" Ang totoo n'yan Yho, hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa 'yo 'to. "
" A-ano po yo'n, Nay? "
" K-kasi Yho, kaninang umaga nagpunta ang Daddy mo dito nagmamadali baka daw maabutan s'ya ng mga huma-hunting sa kanya. Dumiretso s'ya sa kwarto mo, sinira n'ya ang lock pagkatapos ay kinuha ang mga itinatabi mong pera p-pati ang ... "
Natigilan saglit si Nanay Perla bago tumitig nang seryoso sa kanya.
" Ang alin po? "
" A-ang titulo ng lupa nitong bahay. "
Napatulala si Yoko dahil sa narinig, napabuntong hininga s'ya. Gusto n'yang umiyak dahil sukdulan na ang kagahamanan ng Daddy n'ya. Hindi na s'ya nito inisip, paano na s'ya? Saan s'ya titira kung ibebenta n'ya ang bahay? Isa pa, napakahalaga ng bahay na ito sa kanya. Nandito ang lahat ng masasayang alaala ng Mommy n'ya.
" Sumosobra na si Daddy. Huwag naman sana pati itong bahay, Nanay Perla. Ilang beses na akong nakiusap at nagmakaawa sa kanya na huwag itong bahay, napakaraming memories ng Mommy dito. Napakahalaga sa 'kin ng bahay na 'to, " naiiyak na sabi n'ya kay Nanay Perla, ngunit maging ito ay wala rin naman magagawa kung hindi ang yakapin na lang at hagurin ang likurang ulo ng kanyang alaga.
*****Cojuangco Hospital*****
Mabilis lumipas ang mga araw, naging stable na rin ang lagay ni Becca, kaya naman ay pwede na itong maiuwi ni Faye.
" Stable na po si Becca, Ms. Faye anytime ay pwede n'yo na po s'yang iuwi, " anang doctor na nagtingin kay Becca.
" Salamat po, Doc. "
" Don't thank me, kay Doktora Apasra ka dapat magpasalamat dahil s'ya ang nagligtas ng buhay mo, Becca. "
" N-nasaan po ba s'ya? "
" Naka-leave s'ya ngayon, mga 2 to 3 weeks pa ang balik n'ya. "
" D-dahil po ba do'n sa pananakit ng likod n'ya? "
" Gan'on na nga, kailangan n'ya munang magpagaling bago s'ya makapasok ulit. "
" Okay po. "
" Maiwan ko na muna kayo, Becca, Ms. Faye. May mga gagawin pa kasi ako, " sabi ng doktor pagkatapos ay umalis na ito.
Matalim namang tinitigan ni Becca ang nakayukong si Faye.
" Tignan mo na ang ginawa mo. "
" I didn't know she's a doctor. Isa pa, kasalanan n'ya naman kung bakit nangyari sa kanya 'yon. "
" Talagang ipagpipilitan mo pa na s'ya yo'ng may mali. "
" Becca naman, sesermonan mo pa ba ako. You know that I did that because I was so worried about you. You're the only one I have. I don't want to lose you, hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa 'yo. "
Lumapit s'ya kay Faye, kinuha ang mga kamay nito at marahang pinisil.
" I know Ate, I know how much you love me and how important I am to you. Pero dapat alamin mo rin kung may nasasagasaan ka bang ibang tao dahil sa pagprotekta mo sa 'kin. You know how good I am at fighting, I can defend myself. Itong nangyari sa 'kin, hindi naman daw gan'on kaseryoso sabi ng doktor, okay na 'ko. "
" I'm sorry, na-trauma na kasi ako sa nangyari sa mga magulang natin. Nasaksihan ko lahat kung paano sila walang awang pagbabarilin, hindi pa sila nakuntento ginilitan pa nila ng leeg ang mga magulang natin. Fortunately, you were not there that day, that's why you survived and I was able to hide in the basement of the hacienda. "
" Mahahanap din natin Ate, kung sino ang mga walang hiyang pumatay sa mga magulang natin. "
" Ipinapangako ko, hindi ako titigil hangga't hindi ko sila natatagpuan. Ako mismo ang papatay sa kanila. "
Nasa seryoso silang pag-uusap nang may sunod-sunod na tunog ng katok mula sa pinto.
" Gov! " tinig na tawag mula sa labas ng pinto.
" Si Lux yo'n, Becca. Mauna na muna ako huh, may pag-uusapan lang kami ni Lux na importante. "
" Sige, Ate. "
Ngumiti lang si Becca sa kanya pagkatapos ay lumabas na din si Faye.
Naabutan n'ya si Lux na nakasandal sa pader. Nakapamulsa ang dalawang kamay nito sa maluwang na pants n'yang suot habang hinihintay s'ya. Halos magka-edad at magkasing tangkad lang sila ni Lux, astig ito kung pumorma.
" May balita na ba sa iniuutos ko sa 'yo? " bungad na tanong ni Faye. Lumapit s'ya na naka-cross arm sa harapan nito.
" Nakita na yo'ng bangkay ng pinapahanap mo. "
" S-saan? "
" Sa ilalim ng dagat, nakasako. May mga nakataling bato para tuluyang lumubog kaya medyo nahirapan ang team ko sa pag-iimbestiga. "
" Kailan pa huling nakita na buhay yo'ng biktima? "
" Two weeks ago pa, tingin ko hindi dito pinatay sa barrio natin. Ayon sa autopsy, mga ilang araw ng patay yo'ng katawan bago isinako at pinalubog sa dagat. "
" If that's the case, someone wants to ruin my name. Gustong palabasin ng kung sino man ang may gawa nito na hindi ko kayang pamunuan ang sarili kong lugar. "
" That's what I thought too. Lalo na ngayong malapit na naman ang election, sigurado akong gagawin ang lahat ng mga kalaban mong partido mapatalsik ka lang sa pwesto or mas worst pa rito patayin ka nila kapag hindi nila kinaya. "
" Katulad ng pagpatay nila sa mga magulang ko? " ngumiti ng mapait si Faye.
" Hinding-hindi nila ako gan'on kadali mapapatay. "
" Don't worry I'm on your side, we've known each other for a long time. You're my best friend, you have my support and trust until death. I'll be with you, Faye. "
" Thank you, Lux. "
" By the way Faye, pina-imbestigihan ko sa mga tao ko yo'ng nangyari. Lumalabas na ang mga Nakahara Family ang sangkot dito. "
" Nakahara? Hindi ba't surname y'on ng kapitan sa ikalimang distrito ng Bulah Village? "
" Tama ka, matandang magsasaka ang namatay. Napag-alaman namin na trabahador ito ni Kapitan Nakahara. "
" Ano'ng susunod na plano n'yo, Lux? "
" Magpapatuloy muna kami sa investigation. Babalitaan kita kapag may ebidensya na kami, kung sangkot nga ba talaga ang Nakahara Family sa krimen na ito. "
Tumango lang si Lux, pagkatapos ay umalis na rin ito. Naiwan naman si Faye na malalim ang iniisip. Alam n'ya na malapit ng magsimula ang gera sa pagitan ng mga kalaban n'ya sa pulitika sa Bulah Village.
In Bulah Village, there are ten districts led by Faye as governor, and in each of these districts, there are captains that guide the people under their jurisdiction. Each name of this family is powerful.
Ang sumunod sa kanya ay ang Mayor ng Bulah Village na si Senyor Felipe, matanda na ito marami na ring sakit na nararamdaman kaya naman usap-usapan na ang papalit dito ay ang anak nito na alam ni Faye na makakalaban n'ya sa susunod na election bilang gobernador ng kanilang lugar.
Matagal na rin s'yang namumuno sa Bulah Village bilang isang gobernador, madami na s'yang nagawa at naisaayos simula nang maupo s'ya. Lahat ng hinanaing ng mga tao at mga pangangailangan nila ay naibigay n'ya. Marami s'yang nabigyan ng scholarships, napataas n'ya rin ang sahod ng mga mangagagawa sa kanila. Marami s'yang natulungan at bukas palad s'ya para sa lahat.
**********