Nuong nasa huling taon na siya ng kanyang sekondarya, madalas meron na siyang mga bagong kagamitan dahil tila nag dilang - anghel siya at natupad ang pangarap niya para sa kanyang ate at isa na itong ganap na Licensed Engineer.
Bagong phone, bagong uniform, bag at mga personal abobot sa katawan. Ito ang mas madalas nang makikita kay Abby tuwing papasok siya sa kanilang eskwelahan. Ngunit hindi ito naging dahilan para siya ay mag mayabang. Nananatili parin kay Abby ang isang pagiging humble at friendly.
"Hi Abby!" bati ng isa niyang kaklase si Cris.
"Hello."
"Hello Ma'am Loi, good morning po".
'Hi, Ms. Abby!, good morning".
'Abbyyy...!" sabay sabay na sigaw ng mga nag uumpokang mga babae na naka upo sa ilalim ng isang punong manga. Ito yong mga kaklase, kaibigan o matatawag na grupo niya pag dating sa pag aayos ng mukha at kahit sa pag babasa ng pocket book sila-sila ang mag kakasama.
"OMG! Hi girls!"
"What a beautiful morning! Anung meron at mukhang lahat ata ng mga suot mo ngayon ay bago." Ani Bel',
"Syempre iba na ang may mabait na ate, pinag bili ako ng mga bagay na hindi ko madalas natatamasa nuon."
"Wow! Iba din, at iba talaga ang buhay kpag pinagpapala kang mag karoon ng mabait na nakaka tandang kapatid." Sagot ni Ressy.
'Well.... ganun talaga."
"Wait. I have something here for all of you guys'.
"Tada..!" Nilabas ni Abby at tag isang ipinamigay niya sa kanyang mga kasama ang mga souvenir t-shirt na pasalubong ng kanyang ate galing Manila.
"Thank you Abby" halos sabay nilang sabi pagkatapos maka tanggap ng t- shirt.
"You are all welcome, dahil mabubuti kayong mga kaibigan sa akin".
'Ehemm!" Yong para sakin Abby, meron ba?"
Galing ito sa isang baritonong boses sa kanyang likuran.
"Hahah, sorry Ralph, pero naubos na ata namin at saktong sakto lang para sa amin ang mga dala ni Abby."
"Shhh!" saway ni Abby kay Bel.
"Ah Ralph, ikaw pala, oh ito meron pa namang isa. Sadya ko talagang pinasobrahan ang dala ko.
"Naks! naman iba talaga tong mabait na friend ko," sabay akbay nito kay Abby.
"Hay naku Ralph, hindi mo na ako kailangang bolahin at sa iyo na yang damit na yan. Ok?"
"Okay".
"Happy? Nakangiting tanung ni Abby"
"Super duper happy Abby."
Si Ralph ang isa sa mga lalaking kaklase ni Abby. Matangkad ito at gwapo. Katamtamang talino, kaya maraming babae ang humahanga dito.
Tubong Batangas si Ralph don sya lumaki at nag transfer lang ito sa pinapasukang paaralan ni Abby nang nasa ika apat na taon na siya ng sekondarya.
Naging close sina Abby at Ralph halos mag M.U na nga sila. Naging maingay ito sa maraming estudyante. May mga nagtatanung kung sila daw ba ay mag kasintahan na. Ngunit ang totoo walang namamagitang relasyon sa kanila.
Hindi maramdaman ni Abby na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Ralph. Tanging kaibigan lang talaga ito para sa kanya.
Hanggang isang araw sa may kubo, nakita ni Abby kasama si Ralph na nakaupo siya kasama ang isang grupo na mga kaklase din nila. Grupo ito ng mga maiingay at may mga lesbian.
At ang isa nilang kaklase na babae ay nakahiga sa may hita ni Ralph.
Sabay-sabay silang napalingon nang dumaan ang grupo ni Abby patungo sa kabilang kubo.
Ang mga mata nila halos nka tuon kay Abby. Para bang iisa lang ang kanilang sinasabi at ito ay kung anu ang magiging reaksyon ni Abby gayong nakita niyang nakahiga at naka unan sa my hita ni Ralph si Trexie.
Wala silang makitang reaksyon o anumang bagay na pwede nilang pag isipan para kay Abby. Dahil wala lang naman kay Abby ang eksenang iyon.
Uso nuon ang textmeyt dahil bago pa lamang umuusbong ang mga cellphone. Kasabay ng pocket book nawili si Abby sa pakikipag txt.
Hindi lang tatlo ang nakakapalitan niya ng mensahe at tumatawag sa kanya. Mas naging libangan niya ang pakikipag usap at text na iyon sa cellphone.
Naging curious din si Abby sa pagkakaroon ng boyfriend.
At dahil kay Ressie dito niya nasimulan at nasubukang mag ka love life kahit sa pamamagitan lamang ng cellphone.