Nagising ako sa mabangong amoy, amoy pagkain. Maybe I'm just dreaming gutom na kasi ako as far as I remember the last time I have my meal was yesterday morning. Humikab ako ng napakalaki at nag-unat unat inaantok pa ako pero nagugutom na talaga ako. Napaigtad at napatalon ako sa kama ko ng makita ko sa gilid ko na nakaupo si Brandon at katabi niya ang lamesita na may mga pagkain. "Hello mine good morning, pinagluto kita." bati niya sa akin mukha siya masaya ngayon. Tinignan ko lang siya at binigyan ng maliit na ngiti pumasok muna ako sa restroom at naghilamos. Napangiti ako ng sobrang laki habang nakatingin sa salamin sa banyo, pinagluto niya ako ng agahan. First time to, binilisan kong maghilamos baka kasi nanaginip lang ako at biglang mawala si Brandon sa panginin ko. "Nag-abala ka

