"Nadine please naman gumawa ka ng paraan para makita natin si Velvet, humanap ka ng pwede pang tawagan para malaman natin kung nasaan siya." pagsusumamo ko sa kanya at nagsimula ulit siyang tumingin sa mga contacts niya. "Ayaw ko man ito sabihin pero baka si Hampton may alam, okay lang ba if tawagan ko siya at tanungin if nakausap niya si Velvet?" anito, masakit man isipin pag nalaman kong kasama niya si Hampton ngayon pero wala akong choice, sumangayon na lang ako sa ideya ni Nadine. Idinial niya ang numero ni Hampton at ini-on ang loudspeaker, matagal bago nito sinagot. "Nadine buti napatawag ka papunta ako ngayon sa hospital naaksidente si Velvet" bungad pa lang nito bigla akong nabingi sa sinabi ni Hampton. Totoo ba yung narinig ko? "Sigurado ka ba diyan Ton? Saang hospital ba ito

