Chapter 17

2236 Words
Ang tagal naman magbasa nitong lalake na to. Payag kaya siya sa mga sinulat kong terms and conditions? Dapat lang noh? Pareho naman kaming makikinabang dito eh, hindi lang naman ako. Simple lang sa kanya yang mga hinihingi ko at saka sisiw lang naman sa kanya yung hihiramin ko na pera diba? Parang kurot lang sa kayamanan nila Hays! Titig na titig pa din siya sa laptop niya ano ba to ang slow? Ang tagal naman niya ma-absorb ng mga sinabi ko. Kinakabahan tuloy ako paano kung hindi siya pumayag na mangungutang ako sa kanya? Malaki din yun ah! Para sa akin sobrang laki talaga non. Malaking tulong na yun sa akin pero babayaran ko naman eh. Ano pa inaarte niya? Tinignan ko siya at tinapik ko siya sa braso niya ng matauhan hindi na kasi siya gumagalaw baka na-stroke. "Hoy anong petsa na? Anong say mo? Okay ba sayo?" hindi ko na mahintay sagot niya kaya inunahan ko na siya. "Mukhang pasado naman to sa akin, magkano pala ang kailangan mo?" sabi niya na parang wala namang gana. Nahiya naman ako bigla, napasandal ako sa couch at parang nanghina ako, ngayon pa ako inatake ng sobrang kaba at hiya. But I need to be honest with him, siya lang ang tanging tao na pwede makatulong sa akin ngayon. "Sorry ah kakapalan ko na talaga ang mukha ko, wala naman kasi akong makukuhaan ng ganitong kalaking pera eh. Kahit ibenta ko lahat ng gamit ko hindi talaga aabot. Sana maintindihan mo. Babayaran naman kita kahit may interes pa huh?" mahabang explanasyon ko sa kanya. Ayaw ko lang talaga na isipin niya na pera lang ang dahilan kaya ako pumayag sa deal na to. "Yah nasabi mo na nga yan sa terms mo? Paulit-ulit? Tinatanong ko na nga kung magkano ang kailangan mo." Medyo lumakas na ang boses niya ngayon. Galit ba siya? Kung ayaw niyang magpahiram sabihin niya lang kaagad hindi yung ipapadama pa niya sa akin. "Hindi ka naman galit niyan? Kung hindi naman maluwag sa loob mo na pahiramin ako ng pera wag na lang, okay lang naman sa akin" napayuko ako. Nahihiya na nga ang tao ganyan pa siya. Kainis! "Hindi ako galit okay. I just want to know how much you need so I can tell you if I can." Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko kinakabahan talaga ako. Hindi ko masabi ang amount. Baka mapahiya lang ako. "Eh.. eh k-kasi medyo malaki eh" nauutal na sabi ko. "Ano ba Velvet? Huhulaan ko pa ba? C'mon tell me the price" naku talaga! Pag ako pinahiya mo lagot ka talaga sa akin.. "Ok ok, wag na wag mo ako tatawanan alam ko mayaman ka mahirap lang ako at ang halaga ng hihiramin ko sayo ay hindi basta basta" parang hindi ko talaga kaya sabihin nanghihina ang tuhod ko kahit naman nakaupo lang ako. "So what how much now?" mukhang naiirita na siya. Sige na nga sabihin ko na. "P560kiyaw ang need ko masaya ka na? Nalaman mo na diba ang laki laki? Baka nga mabayaran ko pa yan in 3-4 years. Basta liitan mo lang ang interes ah? Promise good payer naman ako" hay sa wakas nasabi ko din. Napabuntong hininga ako ng bongga! Tinignan niya lang ako. At blankong expresyon lang ang sinagot niya sa akin. Patay! Mukhang hindi siya papayag ah paano na ako nito? I looked at him in his eyes trying to catch his reaction pero nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsasalita. "So payag ka ba? Kung hindi okay lang basta tell me right away para makagawa ako ng ibang paraan" malungkot na sabi ko. Hindi pa rin siya nagsasalita. Gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko para mawala na lang bigla. Yung hindi niya pagsagot sa sinabi ko parang sign na kasi yun na hindi niya ako pwede pahiramin. Paano na ang bahay namin? Hindi pwede mawala yun ito nalang ang naiiwan sa akin na alaala ng Papa ko. Dahil feeling ko napahiya ako kasi hindi siya sumasagot sa sinabi ko, kinuha ko ang bag ko at tumayo na ako akmang hahakbang na ako palayo ng hinawakan niya ako sa braso ko. "Saan ka pupunta?" bwiset tong lalaking to! Tinatanong niya ako tapos yung tanong ko sa kanya hindi niya masagot. "Uuwi na ako. Pagod na kasi ako balitaan mo na lang ako kung anong sagot mo" hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. "Bakit bigla ka na lang uuwi? Naguusap pa tayo diba?"mahinang sabi niya. "Eh hindi mo naman ako sinasagot diba? Ano pa paguusapan natin?" hinila ko ulit ang braso ko. Aba ayaw niya talaga bitiwan . O siya sige tug of war ba ang gusto mo? I tried to let go of my arms pero talagang mas malakas siya sa akin. "Sorry hindi ko lang alam ang sasabihin ko." Umupo na lang ako ulit, wala na ako lakas makipaghilahan pa sa kanya. "Tungkol saan? Sa perang hinihiram ko? Sorry ang laki yan kasi talaga ang kailangan ko na pera ngayon" manhid na manhid na ng pisngi ko feeling ko ang baba na ng pagkatao ko. "Hindi okay lang sa akin ang hinihiram mo, may iniisip lang ako kaya hindi ako makasagot sayo kaagad kanina." nagiisip pala siya ano kaya yun? "Diba babayaran ko naman sayo yun? Kahit 3 years to pay na lang para mabilis, baka kasi matagalan ka sa 4years eh." Baka yun ang iniisip niya ang tagal kasi ng sinabi ko kanina. Baka iniisip niya na imposible kong mabayaran to kaya ang tagal ng hinihingi kong terms. "Mas pabor nga sa akin yung matagal eh. Ayun ang iniisip ko kanina. Payag na ako sa mga terms mo." Bakit pabor sa kanya ang mas matagal na bayaran? Naku may iniisip yata tong mokong na to na masama ah. "Pakiexplain at bakit pabor ang matagal na installment? Siguro lalakihan mo ang interest noh?" itong lalakeng to peperahan pa ako. Ano sya 5'6? Nagulat ako when he laugh yung tipong wala ng bukas, napapahawak pa siya sa tiyan niya? Ano ba nakakatawa sa sinabi ko? Tinignan ko siya ng masama as in masamang masama. Kung nakakamatay tong tingin ko baka ililibing na siya mamaya kasi hindi na siya makikilala ng mga kamag-anak niya. Tumayo ako at hindi niya napansin na palabas na ako ng pinto dahil sa busy siya sa kakatawa niya. At para siyang si Flash na biglang humarang sa pinto ng pipihitin ko na ito. Ang kaninang mukhang baliw kakatawa ay biglang nagseryoso. "Sorry, hindi ko kasi mapigilang tumawa." bwiset talaga siya. Hiyang hiya na ako sa mga sinabi ko sa kanya tapos pagtatawanan pa ako. Bwiset bwiset bwiset 1000x para intense. "Alam mo pasakit ka talaga sa invisible bangs ko eh, hindi ko maarok bakit ka natatawa sa sinabi ko? Seryoso naman ako ng sinabi ko yun. Nakakasakit ka ng damdamin you know?" medyo naiiyak na sabi ko, pinipigilan ko lang ang maiyak kasi mas mag mumukha akong kawawa. Nasaktan talaga ako sa pagtawa niya kanina feeling ko isa akong busabos at namamalimos. Kaasar diba? "Naoffend ba kita? Sorry ah hindi ko naman sinasadya." hinawakan niya ang magkabila kung kamay. And without a warning he kissed it softly. "Hoy sino nagsabi na halikan mo ako? Galit ako sayo!" madramang sabi ko. Sabay hablot sa kamay ko. "Sorry na please. Hindi na mauulit nakakatawa ka kasi talaga eh. Kung ano ano iniisip mo sa akin. Bakit ko naman lalakihan interes mo? Hindi naman ako bumbay ah." he said with a smirk at bigla niya akong niyakap. Ano ba nangyayari sa lalaki na to? Kanina kung ipahiya ako wagas tapos ngayon kung makayakap parang praning lang! Kaasar na siya talaga. "Lalo akong naiinis ah kanina mo pa ako minamanyak! Nakakadami ka na ah" sigaw ko sa kanya at tinulak ko siya palayo. Bigla kasi akong naconscious ano na ba ang amoy ko? Kagabi ko pa to suot. Eww baka ambaho ko na. Bumalik na lang ako sa couch para lumayo sa kanya. At sinundan niya ako. "Sorry talaga hindi ko lang mapigilan, masaya lang ako." Ano ba siya praning na, tsk tsk baliw na talaga siya. "Masaya ka kasi napagtripan mo na naman ako, ganyan ka naman wala ka alam kundi pagtripan ako. Bwiset!" ismid na sabi ko at nilayo ko ang tingin ko sa kanya. Umupo siya kung nasaan ang nakatingin ang mga mata ko. He grasped my hand and hold it tightly. "Oy hindi ah, masaya lang ako kasi mas matagal pa kita makakasama at least matagal tagal magiging masaya sila mommy." "Ano pinagsasabi mo?" nakakunot na noo na sabi ko. "Payag na ako sa terms mo. Syempre ikaw lang ba ang my right ng gumawa ng terms and condition syempre ako din. Wag ka magalala isa lang naman ang gusto ko." Biglang nagtambol ang puso ko sa kaba, ano naman kaya ang gusto niya? Baka gawin niya akong chimay niya dito sa work at bahay niya. Baka ipakulong niya ako pag hindi ko nabayaran ang utang ko in a certain time. Wag naman po. Baka ipagkalat niya na utangera ako at hindi kaya magbayad. Wahh!!! Or baka worst baka kunin niya katawan ko at gawin akong slave. OMG!!! Hindi maari! I shook my head, erase, erase, erase... "Ano naman yun?" mahinang sagot ko. Natatakot ako sa maaring kapalit nitong deal nato. "Madali lang naman don't worry. Gusto ko hindi tayo maghihiwalay habang hindi ka pa bayad sa utang mo sa akin. The longer the better. Kaya good idea ang sinabi mo kanina that you can pay it for 3-4 years ok na ako dun" Huwat!!.. Wala akong pake kong wala na akong poise dahil literal na nanlaki ang mga mata ko! "Ano? Akala ko ba 6mons to 1year lang ang deal natin? Akala mo ba tatakbuhan kita? Grabe naman yun, it's unfair!" hindi naman makatao yun hinihingi niya. Paano naman ako? "Yun lang naman ang hinihingi ko sayo ah. Wala ng iba" Hindi pwede! Paano naman ang future ko? Paano ko mahahanap si Mr. Right? "Paano naman ang pansarili kong kaligayahan? Paano ko maitatago yun sa Mama ko ng ganong katagal?" ang daming Paano na tanong sa utak ko. Hindi ko na mabilang. "Deal or no deal?" he smirk and winked at me. Potek naman! Talagang nambabanta pa to ah. Pero siya nalang talaga ang pag asa ko eh. Deal na ba? Padabog kong tinanggal ang kamay ko na hawak niya tumayo ako sa harap niya at naghalukipkip. "Grrr! Hindi talaga makatao ang hinihingi mo pero dahil sa wala akong choice! DEAL!!!" inis na inis ako. Hindi ko na maitago to. Tumawa lang siya na may pangaasar look pumunta siya sa desk niya. May sinulat siya and after that lumapit ulit siya sa akin na may dalang cheke. "Eto na dinagdagan ko pa yan, 3 years to pay? 4 years would be much better" inabot niya sa akin ang cheke and my jaw dropped literally. P750,000 pesosesoses. Napaisip ako. Mukha ba talaga akong pera at ang laki ng pinahiram niya? Pero infairness utang naman to eh hindi naman hingi. Pwede na magbusiness ang Mama ko sa matitira nito. "Bakit ang laki nito?" "Pinasobrahan ko na baka kulangin pa." "Hala! talagang gusto mo mabaaon ako sa utang eh." "Maliit lang interest niyan don't worry." "Sure ka yun lang ang terms mo ah. Wag ka na magdadagdag. Kundi lagot ka sa akin" at nilagay ko ang checke sa bag ko. Shocks... Kinilabutan ako. Ngayon lang ako makakahawak ng ganitong kalaking pera. Ang pinakamalaking pera na nahawakan ko eh yung 13th month ko. "Yup yun lang. Wag ka magalala" he assured me. "Ok good. Salamat. Tandaan mo babayaran kita. Magunaw man ang mundo, pumuti man ang uwak, tumamis man ang dagat saka pwede na ba ako umuwi? Sobrang naubos ang energy ko" kinuha ko na ang bag ko at pinasok sa safe ng lugar ang cheke mahirap na baka masira. "Wait lang, may kukunin lang ako" nagpaalam muna ako na mag cr para mgretouch lalabas na kami ng hotel nakakahiya ang itsura ko Haggardo Versoza na ako. Ako na ang gising mula kagabi pa almost 24hrs na akong gising. Paglabas ko ng cr ay inabutan niya akong tatlong paperbag. "Mamili ka na lang kung ano ang gusto mo isuot, susunduin kita bukas ng 7pm pupunta tayo sa College Reunion ko." "Bakit naman kasama ako don hindi naman ako don nag aral." "Syempre ikaw ang fiancee ko kaya dapat kasama ka." "Okay sige papaalam na ako kay Caleb para icancel gig ko tomorrow." Hindi ko na binuksan ang paperbag paguwi na lang. Inalalayan na niya ako lumabas ng pinto ng office niya at siya ang nagdala ng paperbags na binigay niya. Nakarating na kami dito sa parking lot. Nilagay niya ang mga dala namin sa backseat at binuksan ang pinto ng kotse niya para sa akin. At umalis na din kami kaagad sana walang trapik. "Salamat talaga Brandon. Tatanawin ko talaga na malaking utang na loob to. You don't know how much relief you gave me." Pasasalamat ko sa kanya at inalayan ko siya ng isang matamis na ngiti. Nabunutan na ako ng tinik sa dibdib ko. Parang kaninang umaga lang daig ko pa ang baliw na nagiisip ng gagawin ko. God will really provide. Then he gave me Brandon. Hindi ko namalayan nakatulog na ako. Habang ng mumuni muni.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD