Nakauwi na ako galing kila Velvet nagbihis muna ako at naisipan kung tawagan siya, Baka kasi galit siya sakin dahil sa pagbanggit ko ng about sa ex boyfriend niya. Hindi ko naman intention na ma-offend siya, i just stated the fact. The fact i heard from her Mom.
"Hello" sagot niya. Bakit kaya ganon ang boses niya parang umiiyak siya? Na-guilty naman ako bigla, pakiramdam ko kasi ako ang may dahilan bakit siya malungkot at umiiyak ngayon.
"Hi, andito na ako sa house" sabi ko.
"Good nakauwi ka ng safe" parang wala siya sa mood na kausapin ako. Kaya saglit lang at natapos na din kami mag-usap umiiyak talaga siya nararamdaman ko. Naalala na naman niya siguro ang ex-boyfriend niya.
Hindi pa ako inaantok kaya naisipan ko magbukas ng f*******: ko. Unang nakita ko ang ni-like na status ni Salve. To my surprise it was Velvet's status.
"Alam mo ba na ang tears ay mas special kesa sa smile? Bakit? Kasi ang smile pwedeng ibigay kahit kanino... Pero ang luha ay para sa taong hindi mo kayang mawala sayo.....#Movingon"
Agad ko siyang ini-add.
Kala ko ako ang nag-paiyak sa kanya dahil sa sinabi ko kanina, Yung ex pala niya. Pareho pala kaming sawi, pero mukhang matagal na ang nakalipas sa kanila at hindi pa rin siya nakaka-moveon. Based sa nabasa ko sa wall niya ang dami niyang friends na nagmessage sa wall niya at parang bibinibigyan siya ng mga words of wisdom on how to cope up with the breakup. At anim na buwan na ang nakakalipas.
After kong mag-f*******: tumawag ako sa Hotel umorder ako ng lahat ng breakfast menu nila for tomorrow at inutos ko na ideliver sa akin bukas ng 7am. At nag-padeliver din ako ng flowers.
Kinaumagahan dumeretso na ako sa bahay nila dala ko ang mga foods at flowers, Mama palang niya ang gising tulog pa daw si Velvet, hindi ko na pinagising pupunta pa kasi ako sa Hotel it's my first day of training after this ako na ang mamamahala ng Hotel.
Nakabalik ako sa bahay nila after twelve may meeting kasi ako kanina sa Hotel, I asked her to cook for me gusto ko kasi ulit matikman ang luto niya kaya mas pinili ko na dito sa kanila mag-lunch. I even called my secretary to cancel all my meeting this afternoon, I just want to spend my day with her.
Kahit minsan masungit to si Velvet, i'm actually enjoying her company. To my surprise hindi ko na rin masyado naiisip si Cham. Siguro naaaliw lang ako kay Velvet.
Ang sarap ng niluto niya sa akin,it was binagoongang pusit. Ang dami kong nakain. After our lunch lumabas si Mama kami lang ang natira sa bahay nanood lang kami ng tv. Balak ko mag-stay sa kanila at doon na din magdinner. Gusto ko kasi siya makasama at makilala pa ng lubusan.
"Hindi ka pa ba babalik sa work mo?"tanong niya sa akin. Hindi niya alam I cancelled all of my meeting. Nakita na niya ang friend request ko sa f*******: napangiti ako, hindi niya alam ang dami kong nabasa about her when I scanned her f*******: timeline.
"Oo nga eh kagabi pa yan. Ang drama pa ng post mo ah."Pangaasar ko sa kanya. Ang sarap niya kasi asarin mabilis siyang mapikon and I find her cute everytime na sisimagutan na niya ako at magdadabog pa.. "At least your moving on na" dagdag ko pa habang nakangisi sa kanya.
"Ewan ko sayo" ayan pikon na siya I saw her rolled her eyes.. Ang sama na rin ng tingin niya sa akin.
Tumabi ako sa kanya, nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at binulungan siya.
"Gusto mo ba tulungan kita mag-moveon?" nanlaki ang mga mata niya at unti-unting namumula pa ang mga pisngi niya. Sabay dagdag ko "Joke lang" pinipigilan kong tumawa dahil kita ko na asar na asar na siya sa akin. Kaya lumipat na ako ng upuan baka bigla akong sipain eh.
"Bwiset ka!" she shouted at me. Nakita ko ang ugat niya sa leeg, napangisi na lang ako.
"Namumula ka na naman ah. Kinikilig ka ba? Pero kung ayaw mo ng joke gusto mo totohanin na natin. Kaya kong tulungan ka na makalimutan siya?" inasar ko na naman siya ang cute ng mapupulang mga pisngi niya. Habang nagagalit siya lalong namumula. I secretly smiled.
"Pumunta ka lang ba dito para asarin ako? Pagtripan ako huh? Wag na wag mo na ako bibigyan ng suhol sa susunod ah tapos pagtritripan mo lang ako hindi nakakatuwa" nakasimangot na talaga siya, mukhang badtrip na talaga siya sa akin.
"Asar talo ka naman eh. Joke nga lang sineseryoso mo naman kasi kaagad eh. Unless gusto mong totohanin natin diba?" inasar ko pa siya lalo. I want her to look mad at me, I don't know but It really amazes me ang sarap niyang tignan pag galit na galit siya sa akin. Nakita ko siyang tumayo sa harap ko at nakapamewang pa.
"Umalis ka na nga, wag na wag ka ng babalik dito" galit na nga siya. Iniwan niya ako at umakyat sa kwarto niya. Ayaw ko naman siya sundan baka makita kami ng Mama niya ano pa isipan. Umalis na lang ako. Bukas ko na lang siya kakausapin.
Habang on the way ako pauwi tumunog ang cellphone ko, akala ko si Velvet na. Si Eddie lang pala. Pupunta daw sila sa house later at magpainom daw ako kasama nila ang ibang tropa.
Paguwi ko, ngayon ko naramdaman ang pagod ko. Pabalik balik kaya ako kanina from Makati to Muntinlupa. Then ang dami ko pang binasa at kinausap na tao kanina sa Hotel. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako at nagising na lang ako ng gisingin ako ni Nanay Teresa. Andyan na pala sila Eddie sa baba. Nag-shower muna ako bago bumaba.
"Eto na pala ang ikakasal natin na friend mga pare" sabi ni Eddie na may pang-aasar na tono. Kasama niya ang iba namin na friends. Classmates namin nong college.
"Pre congrats ah, hindi namin inaasahan na ikakasal ka na" ani Johnny tumayo siya at sinalubong ako and give me a quick hug.
"Ambilis talaga ng chismis eh noh" sabi ko sa kanila.
"Eh pre hindi naman chismis yun? Totoo yun diba? Sabi daw ng Mom mo" paniniguro ni Lee.
"Oo hindi magsasabi si Tita kung hindi totoo, let's drink to celebrate, goodbye na sa pagiging single pre" banat naman ni Luke.
"Oo nga, kailangan namin makilala yang malas na papakasalan mo" sabi ni Johnny sabay abot sa akin ng beer in can.
"Oo nga naman pakilala mo sa kanila si Velvet, cool siya mga pare mukhang makakasundo niyo din siya." Komento naman ni Eddie.
"Talaga nakita mo na? Maganda ba at sexy?" sabat naman ni Lee ang pinakababaero namin na tropa. I shot him a deadly look.
"Oo pre pero tol hands off na, kay Brandon na yun pare" awat ni Eddie at sabay sabay silang nagtawanan samantalang ako ay seryoso lang na umiinom ng beer ko.
Nagpaluto ako kay Nanay Teresa ng pulutan namin, namiss ko din tong mga friends ko na to. Since may kanya kanya na kaming career.
"Pre hindi ko akalain na sa iba ka pa ikakasal akala ko talaga si Cham na, sobrang inlove ka don ah" ani Luke.
"Ganon talaga" maikling sagot ko kung alam lang nila kung anong nangyayari baka pagtawanan lang ako ng mga to.
"Sana one of this day before kayo ikasal eh makita namin siya diba mga tol?" si Lee at lahat naman ay sumangayon.
"Oo don't worry i-setup ko yan, ngayon kasi magiging busy na ako I just started my training and soon I will handle the Hotel na."
Buti naman nawala na ang usapan sa akin at nag-kwentuhan naman kami ng mga about sa kanila. Lovelife, work at iba pa. Mga 12mn na din kami natapos nagpaalam na sila. Medyo lasing na ako at antok na din. Umakyat ako sa kwarto ko at natulog na.
Kinaumagahan ang sakit ng ulo ko. Lakas ng hangover. Naligo ako at tinignan ang oras 9am na pala. Nakalimutan ko pala tawagan si Velvet at humingi ng sorry. Nagbihis ako at pinakain muna ako ng agahan ni Nanay Tere, pupunta ako kila Velvet wala naman ako masyadong gagawin ng umaga hapon pa ang kaisa-isang meeting ko.
Dumaan muna ako sa malapit na flower shop.
Pagdating ko sa bahay nila hindi muna ako nagpark sa tapat ng bahay nila, inayos ko muna ang sarili ko. I want to surprise her para hindi niya kaagad malaman na andito na ako. Saktong bubuksan ko na ang pinto ng kotse ng may makita ako na kotse sa tapat ng gate nila.
Hindi tinted ang kotse nito kaya nakita ko na si Velvet yun at may kasamang lalake. Ang aga pa saan kaya siya nagpunta? Sino kaya kasama niya?
Pababa na sana siya ng kotse pero hinila siya nito. At HINALIKAN!
Lumabas na si Velvet sa kotse buti na lang at hindi siya lumingon dito. Tinapon ko sa basurahan ang dala kong bulaklak. Nanlulumo akong ini-start ang engine ng kotse ko. Hindi na ako bumaba para magpakita sa kanya at umalis na.