"Yes, I'm her boyfriend" may nabasag sa kusina at andon si mama
Pinuntahan ko si mama baka ano nangyari sa kanya.
"Mama, ayos ka lang ba dyan? Ako na po ang mag-aayos ng mga bubog" kinuha ko ang dustpan at winalis na ang bubog.
"Oo anak, ayos lang ako nabigla lang ako siguro" sabi na eh narinig ni Mama eh. Alam ko mag-aalala siya sakin dahil sa narinig niya.
Tinulungan ko siya magdala ng cake sa sala at si Mama naman ang nagdala ng juice. Inabutan ni Mama ng juice si Brandon, hindi na niya kami sinamahan mamalengke muna daw kasi siya ng panghapunan.
"Salamat po mama" Wow, feeling close? Mama na agad ang tawag niya kay Mama.
"Besh, ang sarap ng cake ah sulit na sulit ang paghihintay ko" kanina pa siya nagpapacute kakaloka.
"Pasalamat ka kay Brandon siya may bigay niyan" agad kong kinuha ang reese sa gilid ng cake. Ang sarap talaga hindi ako magsasawa kumain nito. Ang tagal ko na din hindi nakakakain nito.
"Ang sweet naman ni Brandon talagang ang favorite mo pa na peanut butter cake ang binili niya for you. Huling nakakain ako nito yung bigay sayo ni.." agad kong tinakpan ang bunganga ni Nadine ang daldal talaga.
"Sino yun Nadine?" tanong ni Brandon, tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya. Sumimangot ako at sumandal ng sobrang diin sa sofa.
"Ah wala yun. Favorite kasi ni Velvet tong reese." Sagot ni Nadine buti na lang at nagets niya na tumahimik na siya sa pagiging madaldal niya.
"Hayaan mo mine bubusugin kita sa reese. Makita lang kitang masaya." Pambobola na naman nitong antipatiko na to.
"Waah over sa kilig aketch" halatang kilig na kilig si Nadine, ano ba ang nakakakilig sa sinabi ng hambog na to? "Bes namumula ka" tinuro ni Velvet ang pisngi ko sabay ngiti sa akin na nakakaloko.
"Hindi ah, matamis lang yung cake alam mo naman mabilis ako mamula pag nakakain ako ng matamis" napahawak tuloy ako sa magkabilang pisngi ko. Bakit ganon hindi man lang ako ininform ng mga pisngi ko. Sa tamis ba talaga ako namula or sa sinabi niya? Scratch that sa tamis lang ng cake okay. Wag assuming.
Napaatras ako ng kurutin ni Brandon ang magkabilang pisngi ko.
"Kaw talaga mine, nahiya ka pa sakin aminin mo na kinilig ka sa sinabi ko noh" pang aasar pa niya.
"Ewan ko sa inyo magsama kayo. Para yun lang kikiligin na ang babaw ko naman" nagwalk-out ako at nagpunta ako ng cr para makita ang itsura ko. Ang pula ko nga para akong mansanas. Naghilamos ako baka mawala ang pagka-pula ko.
Waah! Nakakahiya.. Baka isipin niya kinikilig ako sa kanya, as if naman noh. Hindi mangyayari yun, inayos ko muna ang sarili ko at nagsuklay saka ako lumabas. Bumalik na ako sa sala at naabutan ko na mag-isa na lang si Nadine si Brandob nasa labas may kausap sa phone niya.
"Bes,nagtatampo na talaga ako sayo hindi mo man lang sa akin sinabi ang about kay Brandob. Hindi lang ako nagpakita ng 2 weeks sayo dahil binigyan kita ng space mapagisa tapos ngayon eto na may fafa ka na at ang bongang bonga talaga" nakasimangot siya sa akin habang nilalantakan pa din ang cake. Halos maubos na niya ang cake ko, ang takaw niya.
"Ganon talaga bes, may mga pangyayari sa buhay natin na unexpected" tanging nasabi ko. Wala pa ako balak sabihin sa kanya ang katotohanan, baka batukan lang niya ako at sabihang baliw na ako. Nahihibang na at wala na ba ako magawa sa buhay ko at pumatol ako sa ganitong setup.
"So papasok ka na ba mamaya?" hindi ako makatingin ng diretso sa kanya, bukod sa Mama ko si Nadine ang tanging kaibigan ko na hirap din ako magsinungaling.
"Bes wag ka maingay kay Mama ah ayaw ko kasi magalala siya. Magreresign na ako. Yun kasi ang gusto ni Brandon." Yun lang muna ang kaya ko sabihin sa kanya hindi pa pwede ang buong detalye.
"Ano seryoso ka ba paano na ang gastusin dito sa bahay nyo? Nababaliw ka na ba?" sabi na eh. Sasabihan niya akong baliw.
"Basta bes, alam ko ginagawa ko promise malalaman mo din wag ka lang excited" biglang nag-ring ang celphone niya buti naman para matapos na ang mga tanong niya sa akin. Nagpaalam muna siya na sasagutin ang tawag lumabas siya at si Brandon naman ang pumasok.
"Brandon, dito ka na magdinner namalengke si Mama ako magluluto kung ok lang sayo?" alok ko sa kanya, para naman makaganti ako sa kanya sa mga libreng pagkain ng pinakain nila sa akin.
"Sure I love that idea, by the way may lakad ka pa ba mamayang gabi? Papasok ka pa ba don sa work mo?" hindi ko inaasahan na itatanong niya ito sa akin.
"Diba you want me to resign so I will do it, pero hindi ko lang alam kailan ako pupunta sa work." Hindi ko pa kasi alam ano idadahilan ko sa Boss ko. Malamang kasi hindi papayag yun kaya kailangan ko muna mag-isip ng magandang dahilan. Para bongga naman ang exit ko.
"Sasamahan kita just tell me when" alok niya.
"Ok lang pero hindi pa ngayon, hindi pa ako nakaka-moveon sa mga pangyayari sa buhay ko these past few days. Magpapahinga muna ako."
"Sorry talaga you know coz I put you on trouble, but one thing is for sure I will help you financially magtulungan lang tayo matapos to. Okay?" seryosong sambit niya. Ano pa nga ba naka-oo na ako eh. Mababawi ko pa ba?
"Ok lang wala na akong choice." He snatch my hands and hold it tightly.
"Thank you so much. I really owe you big time" itinapat niya ang kamay ko sa mukha niya and kiss it... Kinikalubatan ako anong pakiramdam to? Nakakatakot!
"Alam mo ba sino kausap ko sa phone kanina?" he asked, agad kong inagaw ang kamay ko.
"The who?"
"Sila Salve and Eddie, they already know that we're getting married." Hindi ko mapigilan ang mapanganga ang bilis naman ng balita.
"My mom already told them about it. Hindi ako makapaniwala na ganon sila ka excited." wala na talaga ako choice. Mapapahiya sila pag umatras pa ako. Hayss. Huminga na lang ako ng sobrang lalim.
"Wala na pala talaga ako ligtas at chance na umayaw" react ko siya namang pasok ni Mama. Patay narinig kaya niya ang pinaguusapan namin? Agad akong tumayo at kinuha ko ang mga dala niya at pumunta sa kusina. Si mama na daw bahala magentertain kay Brandon, si Nadine naman nagpaalam na may lakad pa daw siya. Magluluto muna ako.
Sinilip ko sila, magkatabi sila sa sofa pinapakita ni Mama ang mga photo album namin. Nakakahiya ugly duckling ako noong bata pa ako sobrang buhaghag ng curly kong buhok.
"Ah eto pala papa ni Velvet, kamukha niya pala papa niya no offense po Mama ah" narinig kung sabi ni Brandon kay mama.
"Asan na po pala si Papa?" nagtago ako para hindi nila ako makita na nakikinig sa kanila.
"Wala na iniwan na kami... Sa totoo lang natatakot ako sa anak ko mahirap maiwan ng mahal mo. Alam mo naman siguro ang nakaraan niya panigurado naman na sinabi na niya sayo yun diba?" nakita ko ang lungkot sa mga mata ng Mama ko. Nakatingin naman si Brandon kay Mama na seryoso lang na nakikinig.
Nang nasaktan ako sa paglayo ni Mateo si mama lang ang taong sobrang nakaintindi sa akin. Nag-iyakan kami nilabas ko sa kanya lahat ng hinanakit ko, alam kung doble ang sakit na naramdaman ni Mama ng panahon na yun. Naging selfish ako, hinayaan ko kasi masaktan ang Mama ko sana hindi ko na lang pinakita sa kanya ang kahinaan ko, dahil pati siya iniwan ni Papa kaming dalawa iniwanan ng mga lalaking mahal namin.
"Halos araw-araw nagkukulong siya sa kwarto niya at ako wala ako maitulong para mapagaan ang bigat ng nararamdaman niya, ng iniwan kami ng Papa niya malakas ang loob ko na makakayanan ko dahil andyan pa si Karylle may natitira pa sa akin. Natatakot ako na pagwala na ako wala ng dadamay sa kanya pag malungkot siya at nagiisa. Narinig ko kanina na ikaw ang bago niyang boyfriend. Tama ba?" Hindi ko na napigilang umiyak sa mga narinig ko. Ganon pala ang nararamdaman ni Mama. Yan lang ang tanging kayamanan ko na maipagmamalaki ko. Ang wagas na pagmamahal ng Mama ko sa akin.
"Opo" tipid na sagot niya. Mukhang nagulat siya sa mga nalaman niya.
"Tama nga ang pagkakadinig ko kanina, nagulat ako dahil hindi ko inaakala na magkakaron siya kaaagad ng boyfriend. Hindi naman ako hadlang doon kung yun naman ang ikakasaya niya. Isa lang ang hiling ko sayo iho"
"Ano po yun?"
"Nagiisa ko lang ng anak si Karylle, ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan.Kaya kung pwede lang na ako na lahat sumalo ng sakit na nararamdaman niya ginawa ko na. Mukhang mayaman ka katulad ng dating niyang nobyo, kailangan natin maging makatotohanan mahirap lang kami wala kami ipagmamalaki. Kung hindi ka sigurado sa nararamdaman mo sa anak ko, hanggat maaga pa lang wag niyo na ipagpatuloy ang relasyon niyo." Napatutop ako sa bibig ko, para hindi lumabas ang hikbi sa mga bibig ko.Wala naman kaming relasyon, para na rin sa sarili ko tong ginagawa ko, baka sakali kasi makalimot na ako. Sana maintindihan ako ng Mama pagdating ng panahon na malaman niya ang katotohanan.
Wala siyang maisagot. Umiwas na siya ng tingin kay Mama, bago pa siya magsalita nagsalita na ulit si Mama.
"Pasensya ka na iho ah, hindi mo naman ako masisisi hindi ko lang akalain na binuksan na ulit ng anak ko ang puso niya para sa bagong pag-ibig. Masaya ako, hindi ako hadlang sa inyo ayaw kong mangako ka sakin na hindi mo sasaktan ang anak ko. Sana lang ikaw na ang huli niya." Napaatras ako at natabig ko ang dustpan, natumba ito at gumawa ng ingay kaya napatingin sila sa akin. Ayy!
"Ang daming kalat sarap magwalis" sabi ko para hindi halata na andun ako sa likod na nakikinig sa kanila.
Nginitian ako ni Brandon at lumapit siya sa akin. Pinunasan niya ang pawis ko sa noo. Kaw kaya magtago hindi ka kaya mainitan at pagpawisan?
"Thank you" sabi ko at bumalik na ako sa niluluto ko. Sumunod din siya sa akin.
"Marunong ka pala magluto?" puna niya ng tumabi siya sa gilid ko.
"Oo naman, dapat lang ang babae marunong sa lahat ng gawain sa bahay at alam ko lahat yun" pagmamalaki ko.
"Interesting! Maganda yan hindi na natin kailangan si Nanay Teresa at ang katulong sa house nila mommy ikaw na lahat gagawa ng gawaing bahay right?" nilingon ko siya at tinignan ng sobrang sama. Sa laki ng bahay na yun? Ano ako chimay?
"Ganon, daig ko pa ang all around maid sa laki ng bahay niyo" dalawang palapag ang bahay nila at may limang kwarto. Ang laki non para linisin ko.
"Hindi naman housewife ka nga diba. Kaya yun ang trabaho mo" inirapan ko na lang siya.
"Ok fine! Luto na to tulungan mo na lang ako maghain maglagay ka na ng plato sa mesa" tinawag ko na si mama ng makakain na.
"Ang bango naman ng niluto mo, ano ang tawag diyan?"
"Honey sesame chicken, tikman mo na masarap yan" pinagmamalaki ko ang lutong yan madaming nasarapan sa mga nakatikim na nito.
"Hmmm, masarap nga ah nakatikim na ako dati ng ganito pero mas masarap ang luto mo" mukha naman siya nagsasabi ng totoo.
"Oo iho hindi ka na lugi sa anak ko madaming alam na luto yan" napanguso ako. Ma naman! Dami na niya alam sa akin. Ako wala pa.
"Mukhang lagi ako mapapakain dito ah" natutuwang sabi ni Brandon, habang sarap na sarap na kumakain.
"Bakit hindi iho, dalawa lang naman kami lagi dito bukas ang tahanan ko sayo. You can visit us anytime, mas gusto ko nga na andito ka palagi para makilala pa kita ng lubusan" tahimik lang ako na kumain at pinagmamasdan sila. Silang dalawa lang ni mama ang naguusap. Natapos na kami sa pagkain, tinulungan niya ako mag-ayos ng kinainan namen.
"Masaya pala kausap si mama mo noh? Ang dami kung nalalaman about you?" nakafocus lang ako sa hinuhugasan ko. "Ang tragic siguro ng lovelife mo, the way na ikwento ng Mama mo sa akin parang ganon na nga." tragic talaga? Ang alam ko pag tragic dapat may mamamatay parang Romeo and Juliet lang ang peg.
"Wala kang alam para husgahan mo ang pinagdaanan ko" nakakainis na eh. Kelangan pa ba na ipaalala sa akin? Pagkatapos ko sa hinugasan ko iniwanan ko siya sa kusina at lumabas ako sa may terrace at naupo. Sumunod naman siya kaagad.
"Sorry, binibiro lang kita hindi ka naman mabiro" ng peace sign pa siya sa akin.
"Ayaw ko kasi pinaguusapan yun. Pinipilit ko na kasing kalimutan siya pero paano ko malilimutan ang nakaraan ko kung ang mga nakapaligid sa akin lagi lang sa akin pinapaalala ang about sa nakaraan ko." tumingin ako sa langit para hindi matuloy ang pagbasak ng luha ko.
"Sorry talaga, hindi ko kasi alam" sincere na sambit niya.
"Pwede ka na siguro umuwi, gusto ko na magpahinga" pagtataboy ko sa kanya.
"Sige uuwi na ako ayaw mo na yata ako kasama eh." Nagtatampong sabi niya. Talaga ayaw ko na makita pagmumukha niya!
"Sensya na hindi naman sa ganon, feeling ko kasi pagod na pagod na ang katawang lupa ko kulang ako sa tulog these past few days."
"Sige uuwi na ako magpapaalam lang ako sa Mama mo" pumasok siya sa loob at nagpaalam na siya after that hinatid ko siya sa labas ng gate.
"Thank you mine, see you later" pumasok na ako ng bahay. Nanlulumo ako. Ano ba tong napasukan ko? Ngayon ko lang narealize na ang bigat pala nitong papasukin ko.
Sa mga narinig ko kay Mama kanina, paano pag after ng 6mons maghiwalay na kami ni Brandon, how will I explain it to her. Bahala na matagal pa naman yun madami pang pwedeng mangyayari.