"Nasaan ba ako ngayon?" "Tao po. May tao po ba dito?" "Naliligaw po yata ako baka pwede po makahingi ng tulong?" Hindi ko alam kung nasaan ako napapad sa pagmamaneho ko ang alam ko lang malakas ang ulan kanina at hindi ko na makita ang daan. Pero bakit nasa kakahuyan ako ngayon? Nasa Mount Makiling ba ako? Grabe naman ang napuntahan ako ang layo ah hindi ko alam na ganoon na pala kahaba ang byahe ko. Pero nasaan ang kotse ko? Naglakad lakad na ako wala akong makita kahit isang tao puro huni lang ng ibon, mga malalagong puno at iba't ibang klase ng bulaklak. May nakita akong isang magandang bulaklak na kulay dilaw, pumitas ako ng isa at nilagay sa gilid ng aking kanang tenga. Nakakapagod naman maglakad, parang wala naman hangganan ang daan na to'. Napakamot ako sa ulo ko nang napan

