Chapter 22

2749 Words
Nagulat na lang ako ng lumundo ang isang parte ng kama kung saan ako nakahiga ngayon, tinatamad pa ako magbukas ng mga mata ko grabe sakit ng ulo ko. Pag mulat ko ng mata ko parang ibang kwarto ang napasukan ko. Color gray ang wall at ang blinds na kulay white. Sa pagkakatanda ko white ang kulay ng kwarto ko at yellow ang kurtina ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko baka sakaling bumalik ako sa kwarto ko baka nananaginip lang ako. Pero after that ganon pa din. Nasaan ba ako? As far as I can remember kasama ko si Brandon kagabi! I rolled my body to the other side of the bed. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang taong katabi ko na nakaupo at ang laki ng mga ngiti niya sa labi. Si Hampton! Napasapo ako sa noo ko nakalimutan ko na dito nga pala ako sa condo ni Hampton nagpalipas ng gabi. I smiled at him, mukhang maganda ang gising niya dahil ang saya-saya niyang tignan habang pinagmamasdan ako. "M-morning Hampton" agad akong naupo at binati siya. Dito nga pala ako sa kanila nakitulog dahil lasing na ako kagabi. At ayaw ko rin umuwi pa. "Hi beautiful good morning, mas cute ka pala pag bagong gising. Eto may dala ako sayong food pinagluto kita ng breakfast. Kamusta ang tulog mo?" tinignan ko ang tray na nasa bedside table mukhang masarap kumakalam na din ang sikmura ko. "O-okay naman medyo masakit lang ang ulo ko. Salamat ah." Nagpaalam muna ako na magba-banyo nakakahiya kagigising ko lang baka amoy alak pa ang hininga ko. Paglabas ko ng banyo ay nakaupo pa rin siya sa gilid ng kama at ng makita niya ako ay sumilay ulit ang mga ngiti sa mga labi niya. "Salamat pala ah. Hindi kaba nahirapan matulog? Kasi ako dito sa kama mo tapos ikaw don sa sala?" bigla naman akong nahiya sa kanya, isa lang kasi ang kwarto niya dito sa condo niya ang liit pa naman ng sofa for him ang tangkad niya kasi. Nagpresinta naman ako sa kanya na sa sala na lang ako matutulog pero ayaw niya, pinahiram niya din ako ng damit niya. "Hindi naman basta sayo alam mo naman gagawin ko lahat." Masayang sambit niya, kinuhaan niya ako ng upuan at nilagay ito sa katabi ng bedside table. "Ang aga naman pambobola yan" nakangiting sabi ko. Maswerte talaga ako kay Hampton pero eto may isang dahilan na naman na hindi talaga kami pwede bukod sa friends sila ni Mateo ngayon naman ay may deal ako at mukhang matatagalan pa dahil sa laki ng utang ko kay Brandon. Kung wala lang problema, baka maari ko ng subukan na mahalin siya. Nagulat ako ng aktong susubuan niya ako ng niluto niyang agahan. "Say Ahh" sabi niya, nag-aalangan naman akong isubo ito, nakakahiya pero he insisted pinagbigyan ko na lang siya pero naiilang ako. "Ton ako na lang, kaya ko na to" kinuha ko ang kutsara na hawak niya pero ayaw niya ibigay. "Akin na, gusto ko pagsilbihan kita. Kung pwede nga lang araw araw kita makita at makasama bago matulog at pagkagising. Ang saya saya ko hindi mo lang alam at ako ang kauna-unahang tao na nakita mo ngayon pagkagising mo." Malambing na sabi niya sa akin while looking straight into my eyes. Nakakatouch naman, he never missed to flatter me every time that we're together. Isang maliit na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain at hinayaan ko na lang siya na subuan ako para tuloy akong baby nito. Masarap sa pakiramdam ang feeling na bine-baby ka, hindi ko na lang maiwasan na mapangiti ng lihim ang awkward lang kasi. Hindi ako sanay ng ganito. Pagkatapos namin kumain ay lumabas muna siya para ilabas ang pinagkainan namin. "Gusto mo na ba umuwi?" malungkot na tanong niya pagkapasok niya pa lang. "Oo sana, baka kasi nag-aalala na sa akin si Mama" tumayo na ako sana para magpalit ng damit pero pinigilan niya ako, he pulled me closer at niyakap ako ng sobrang higpit. "Nag-aalala ako Vet, kanina ko pa kasi gustong tanungin sayo ang tungkol kay Mateo. How did you feel after you see him again? Natatakot ako na siya pa rin ang laman ng puso mo hanggang ngayon. Na baka hindi ako pwede maging bahagi nito. Sinabi ba niya na mahal ka pa din niya?" he whispered while brushing my hair. Lalong humigpit ang yakap niya sa akin na tipong naririnig ko na ang t***k ng puso niya. Napasinghap ako at pinikit ang mga mata ko. Imagining the scene I had with Mateo yesterday. Siya pa rin ba talaga ang laman ng puso ko? Oo pero katulad ng sinabi ko sa sarili ko kagabi, kailangan na niyang um-exit sa puso ko pati sa utak ko. Yung ang tama at nararapat kong gawin. "Wala na kaming pag-asa, yun lang ang narealize ko kagabi." nilayo ko ang sarili ko sa kanya at umupo sa dulo ng kama. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa tapat ko then he hold my hands. "Pero bakit parang nasasaktan ka pa din? I can see it in your eyes." He said with a lonely voice. Nakatingin siya sa akin na parang siya pa ang nasasaktan para sa akin. "Kasi Ton pag nagmahal ka ng totoo hindi naman kaagad mawawala yun eh. Pero isa lang talaga ang na-realize ko kagabi. Wala na talagang pagasa, wala na akong dapat hintayin. Akala ko kasi darating pa yung time nababalik siya pero ako lang pala ang umaasa." My voice is shaking while I'm saying this, I'm trying not to cry anymore. Ayaw ko na umiyak, nakakasawa na. Nilapit ni Hampton ang mga kamay ko sa mga labi niya and he kissed it. "Alam ko ang nararamdaman mo Vet hindi ba matagal na kitang mahal? Pero hindi ka naman naging akin. Hinayaan ko ikaw ng ilang taon sa ibang lalaki na sana isang araw makalimutan ko tong nararamdaman ko para sayo. Pero lalo lang lumago, lalo ka lang napapamahal ka sa akin. Everyday na nakikita kitang masaya noon with Mateo, I can't help but to wish na ako sana ang dahilan bakit may mga ngiti ang mga labi mo." I can feel the sincerity in what he said the way he looked at me, straight in my eyes I can see how his soul trying to convince me that it's really true. Na walang halong bola. Iniiwas ko ang tingin ko dahil hindi ko kaya makita ang namamasang mga mata niya I dunno bakit kailangan maging malungkot siya ng dahil sa akin. Pareho kami ng napagdaanan pero hindi para sa isa't isa. Ang kumplikado lang. "Pero Ton ayaw kita saktan. Dahil alam ko paano ang masaktan, mahirap nakakabaliw, hindi ako ang babae na karapat-dapat sayo." malungkot na sabi ko, nakatingin lang ako sa kawalan, but he hold my chin at dahan-dahang itinapat ang tingin ko ulit sa kanya. "Ngayon pa ba ako susuko sayo? Parang hindi ko na kayang pigilan pa tong nararamdaman ko sayo. Lalo na ngayon alam mo na wala na kayong pag-asa ni Mateo. Ano pa ba ang gumugulo sa isip mo?" he asked and that made my brain not to function for a few seconds. Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi talaga pwede sa paraan na hindi ko siya masasaktan? "P-pero alam mo naman na kaibigan lang ang tingin ko sayo diba? At ayaw ko na may masabi sa akin ang mga tao sa paligid natin na kayong dalawang magkaibigan ang tinuhog ko. Alam mo naman about don diba?" ilang beses ko na sinabi to sa kanya pero parang hindi bumebenta sa kanya. "I don't hella care what they will think about us. That I don't understand Vet! Mahirap ba akong mahalin? Hindi ko ba kayang higitan si Mateo kaya ba ganon, kaya ba ayaw mo sa akin?" natameme na lang ako sa sinabi niya, nakita kong may pumatak na luha from his eyes. Hindi ko kayang makita siya na ganito. Masakit para sa akin to. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tumayo ako. "Ton i really need to go home." i said softly. "Vet I love you so much please give me a chance to prove that I really do love you, hindi ko na kayang pigilan to at alisin tong nararamdaman ko sayo. Please." pagsusumamo niya sa akin. "Maiintindihan mo din ako balang araw. Hindi pa lang tamang panahon para malaman mo bakit hindi ako karapat dapat sa pagmamahal mo. Kaya kung okay lang sayo uuwi na ako" ito lang ang paraan para matapos na itong usapan namin. Sana lang hindi niya ako kamuhian pag nalaman niya na ikakasal na ako, kaya hindi rin kami pwede. Kasalanan ko din to. Hinayaan ko na iparamdam at ipakita niya sa akin ang pagmamahal niya na hindi ko naman kayang suklian. Magiging masakit to sa kanya alam ko. Ngayon pa lang kailangan na niyang tumigil bago pa niya ako isumpa sa huli. Kailangan ko na siyang iwasan. Wala ng nagawa si Hampton kundi ang ihatid ako. Pagdating sa bahay hindi ko na siya pinababa at diretsong pumasok na ako sa loob ng bahay. Pagpasok ko pa lang ay agad ko ng hinanap si Mama pero walang tao.. Pumunta ako ng kusina para kumuha ng malamig na tubig at bago ko pa buksan ang ref ay may nakita na akong note. "Anak kanina pa kita hinihintay hindi kita makontak sa cellphone mo, may aasikasuhin lang akong importante babalik din ako kaagad" Kaya pala wala siya, umakyat na ako ng kwarto ko para makapagpahinga. Naalala ko nga pala na sinara ko ang cellphone ko dahil kay Brandon ayaw ko kasi siya kausapin. Pagbukas ko ng cellphone ko ang daming text. Babasahin ko na sana pero may biglang kumatok sa pintuan sa baba. Baka si Mama na kaya patakbo akong bumaba. "M-ma" hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko. Dahil sa pagbukas ko ng pinto nagulat ako kung sino ang tao sa labas. Si Brandon lang naman. He's still wearing the same attire he's wearing yesterday. Napakunot ang noo ko agad-agad. At hindi ko naiwasan na itaas ang kilay ko, naiinis pa rin ako sa kanya. "Hindi mo man lang ba ako iimbitihan sa loob?" antipatikong sabi niya. Naamoy ko ang alak sa hininga niya. Ang aga aga ah anong eksena kaya nito? Hindi ako sumagot at sinenyasan ko lang siya na pumasok na at agad naman siyang umupo sa sofa. "Nag breakfast ka na ba? Gusto mo ba ng kape or makakakain?" alok ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot so pupunta na lang ako sa kusina para pagtimplahan siya ng kape pero pinigilan niya ako at hinablot ang braso ko. "Nag-enjoy ka ba kasama ng lalake mo?" napalingon ako sa kanya at nakita ko ang matatalim na tingin niya sa akin. Anong problema nito? Napangiwi ako ng humigpit ang hawak niya sa akin. "Excuse me! Ang sakit ng hawak mo sa akin ah hindi na nakakatuwa." singhal ko sa kanya pero imbes na bitawan niya ako ay lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Ang sakit feeling ko magkakapasa na ako. "Binabawi ko na ang sinabi ko sayo dati. Hindi ka na pwedeng makipagdate sa iba. Ako lang ang ide-date mo. Maliwanag ba? Ayaw ko na may ibang lalaki na didikit sayo. Naiintindihan mo ba?" napaatras ako ng bahagya ng sigawan niya ako mismo sa tapat ng mukha ko pa. Bwiset mang trip tong lalaki na to hindi na talaga ako natutuwa. "Bibitawan mo ba ako or sisigaw ako nasasaktan na kasi ako." Hindi ako nagpatalo sa kanya kaya sinigawan ko rin siya. Bahagya niyang niluwagan ang hawak niya sa braso ko. "Pwede ba Velvet, kung tutuusin kahit ano pwede kong gawin sayo dahil bayad ka na." he said with his gritted teeth, ilang beses akong kumurap. Si Brandon ba talaga tong nasa harap ko? He seems so different, hindi ko akalain na kaya niya akong pagsalitaan ng ganito. "Pwede din ba Brandon lasing ka lang. Kung wala kang mapagtripan umalis ka na dito. Wala ako sa mood sa mga trip mo." Sa una ay malakas pa ang boses ko pero unti-unti itong humina dahil biglang nag sink in sa utak ko ang mga sinabi niya kanina. Bayad ka na.... Inalis ko na ng tuluyan ang braso ko at hindi naman siya umangal. Nag-iinit na ang mga mata ko, ang sakit! Para akong tuod na nakatayo lang kahit nanghihina na ang buong katawan ko. "FckSht" he hissed, he pulled me and hugged me. He started to caress my back at ilang beses kong narinig ang buntong-hininga niya. "Simula ngayon akin ka lang. Sa ayaw at gusto mo. Pag-aari na kita." He slowly whispered in my ears. I was stunned, anong sinabi niya? Hindi ko maintidihan ang lalaking to. Nakakabaliw lang. Umalis siya sa pagkakayakap niya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko para makita niya ang mukha ko ng diretso dahil nakayuko ako at ayaw ko siyang makita, naiinis ako sa kanya. But when my eyes met his, all I can see is his furious eyes. "You're making me crazy Velvet, you know what? I want to kill that guy right now. You're my property and he's trespassing on my property" he said with his wrathful voice. Gulong g**o na ko sa mga pinagsasabi niya. Gumagalaw ang mga panga niya na tipong anytime parang sasapakin niya ako. Oh my gosh! Oo natatakot na ako sa kanya, but I need to compose myself at kailangan kong maging matapang. "Naiinis na ako ah. Hindi ka na talaga nakakatuwa pwede ba next time na lang tayo magusap pag wala ka ng amats. Umalis ka na! Nakakainis ka n—" madami pa sana ako sasabihin but he sealed my mouth with his lips. Na ikinagulat ko ng sobra nanlaki ng sobra ang mga mata ko. Hindi ito ang inaakala ko na Brandon. That he would do this to me... I lost my breath as he stole my air, kissing me wildly reducing me to gasping breath between his sensous kisses. He keep kissing me deeper na para bang wala siyang pakialam sa akin I'm trying to push him away but everytime I do that he will kiss me harder. He grabbed my waist and pulled me closer to his body, he made me drunk with his kisses. I closed my eyes and just wish that maybe this is just a bad dream. "You're only mine" His lips moved, but he never got a kiss back from me. He was saying something to me but I couldn't hear through, all I can hear is the loud beating of my heart. I can feel his fingers tangled in my hair, and his tongue exploring my mouth. A deep sigh escaped after that my tears ran from my eyes down to my cheeks. A silent whimper turns into sob. He stopped. His mouth dropped open and disbelief crossed in his face. "S-sorry Mine!" napaurong siya at napasapo siya sa noo niya. I bit my lower lip and slapped him hard. "Ano ba nangyayari sayo huh? Akala ko pa naman marunong kang gumalang at rumespeto ng babae pero nagkamali ako, nagkamali ako. Nagkamali ako. Ang tanga ko." pumunta ako sa pintuan while still sobbing at binuksan ito. "Makakaalis ka na, hayaan mo sa susunod ihahanda ko na ang sarili ko sa mga pwede mo pang gawin sa akin. S-siguro ang tingin mo sa akin ay isang bayaran dahil bayad ka na, hayaan mo lagi kong tatandaan yang utang na loob ko sayo. Pero ngayon umalis ka na pwede?" pinahid ko ang mga luha ko, gusto kong magalit ng todo sa kanya. Gusto kong magwala pero hindi ko magawa. Para namang nahulasan naman siya at bumalik ang itsura niya ng una kung nakilala si Brandon. Nawala na ang mga galit sa mga mata niya. "Sorry mine, hindi ko sinasadya. I didn't mean to hurt you sh*t! I'm so stupid. I don't know why I did that." Hindi na siya mapakali at hindi niya alam kung anong gagawin niya, uupo siya sa sofa then one moment tatayo at maglalakad. Yayakapin pa sana niya ako pero pinigilan ko siya. "Please Brandon. Wag ka magaalala, hindi naman magbabago ang deal natin. Tuloy pa din." Pagsisiguro ko sa kanya. Binuksan ko ulit ang screen na pintuan para palabasin na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD