Super busy kami lahat dito sa restaurant. May reception kasi dito na gaganapin mamaya ng isang celebrity na ikakasal, model daw sa ibang bansa. Gamay ko na ang pamamalakad dito sa restaurant halos mag-anim na buwan na din ang nakakalipas ng ikasal kami ni Brandon. Doon na din kami nakatira sa bahay ng parents niya sa Makati. Once a month din ako sinasamahan ni Brandon sa pagdalaw kay Mama sa Bicol. Maayos naman ang pagsasama namin, hindi na din ako naiilang sa kanya sa mga pinapakita niya sa akin siguro kasama lang talaga yun sa drama namin para mukhang totoo. Kung titignan mo para talaga kaming totoong mag-asawa. "Mam Velvet andiyan na po ang delivery kailangan po ng pirma niyo." sabi ng isa sa mga staff ko. Andito ako ngayon sa office ko, binigyan ako ng sariling opisina ni Brandon.

