Maaga akong nagising, ngayon na ang araw ng kasal namin ni Brandon. Sabi nila mommy hindi kami pwede magkita ng buong araw kailangan sa mismong oras na ng kasal namin, kahit kahapon hindi ko din nakita si Brandon ayos lang nai-stress na kasi ako. Sobrang daming bumabagabag sa utak ko ngayon. Andito lang ako sa kwarto ko sa Hotel. Kanina pa ako nabubugnot, ngayon ko gustong parang umatras na. Wala akong masabihan tungkol sa problema ko. Natatakot kasi ako sa mga pwedeng mangyari after ng kasal namin. Parang gusto ko na lang bayaran ang utang ko kay Brandon at mag quit dito sa deal na to'. Yun nga lang hindi ko alam saan ako kukuha ng pera pambayad sa kanya. Ngayon ko nararamdaman ang bigat sa damdamin na iisipin ko pa lang na ikakasal na ako sa taong hindi ko inaakala na pakakasalan k

