With you "Son, are you sure on this? Hindi naman ako tumututol sa inyo ni Adiane, pero alam mo ang plano ng Daddy mo. Kaya ka niya ipinatapon rito para makalayo sa babaeng mahal ng kapatid mo." Nanlambot ang tuhod ko sa narinig na pag-uusap nila ni Tita. Plano itong lahat ni Tito? "Mom, I obeyed him. Umalis ako. Pinaubaya ko sa kapatid ko ang babaeng mahal na mahal ko. Pero hindi ko na problema kung sumunod dito si Adiane. Paano ako iiwas ngayon kung pati ako hindi na kayang magpigil?" My heart is aching with pain and happiness at the same time. Nasasaktan ako dahil buong akala ko, ang lalakeng pinakitaan ako ng masama ay hindi ako gusto, buong akala ko, ako lang itong nagmamahal. Pero lahat ng iyon ay mali pala. "Chester will run the company son. At alam mo kung ba't ipapakasal si

