Chapter 13

1996 Words
"AH, s**t. Masakit na 'yang ginagawa mo, ha. Bakit ba ako ang trip na trip mo?" naaasar na tanong ni Tazmania kay Jerry na kanina pa siya sinasabunutan habang abala siya sa pagpupukpok ng martilyo sa pako. "Bakit ba hindi mo gayahin si Tom na tahimik lang?" Sa kasalukuyan ay gumagawa si Tazmania ng harang sa hagdan gamit ang plywood na nakuha ni Odie sa storage room sa ibaba. Kinailangan nila iyon dahil masyadong maliksi si Jerry na gustong-gustong bumaba. Nag-aalala si Odie na baka malingat sila at mahulog sa hagdan sina Tom at Jerry. Kaya nagprisinta na si Tazmania na gumawa ng harang. Bumungisngis si Jerry. "Toto! Toto!" Kanina pa tinatawag si Tazmania ng "Toto" ni Jerry, kahit ilang beses na niyang sinabi sa bata na "Tito Taz" ang itawag sa kanya. Mukhang hindi pa rin mabuo ng bata ang pangalan niya. "Hindi kita bibigyan ng chocoyeyt kapag sinabunutan mo pa 'ko," banta ni Tazmania sa bata. Tumawa lang si Jerry. Abala si Tazmania kakasaway kay Jerry nang may mahagip siya sa gilid ng mga mata—si Tom, mabilis na tumakbo at kumapit sa harang. Napamura siya dahil muntik nang bumaligtad ang bata at mahulog sa hagdan kung hindi ito nakarga ni Odie. "God, that was close," tila takot na takot na sabi ni Odie. "Nagtitimpla lang ako ng gatas, pagkatapos biglang tumakbo 'tong si Tom." Napapalatak si Tazmania. Kahit siya ay natakot sa nangyari. Kinarga na niya si Jerry para masigurong hindi nito gagawin ang ginawa ni Tom kanina. "Ang bilis kumilos nitong kambal. Malingat lang tayo, kung saan-saan na nagsususuot." Nilibot ni Tazmania ang tingin sa paligid. Nasa ikalawang palapag sila, na talagang hindi ligtas para sa mga bata. Isa pa, malalaki ang butas sa pagitan ng mga balustre ng hagdan at kasyang-kasya sina Tom at Jerry doon, kaya hindi puwedeng hindi nila tututukan ni Odie ang mga bata. Pero kahit ano ang gawin nila, nakakalusot pa rin talaga ang kambal kung minsan. Hindi naman puwedeng ibaba ang kambal dahil may mga customer ang Tee House. Isa pa, sigurado si Tazmania na guguluhin nina Tom at—lalo na si—Jerry ang mga damit. Lalo lang madadagdagan ang trabaho kapag nagkataon. "Hindi safe itong lugar mo sa kambal," iiling-iling na sabi ni Tazmania. "Hindi rin sila puwede sa kuwarto ko," sabi naman ni Odie. "Maraming gamit do'n gaya ng mga gunting at karayom na puwedeng makasakit sa kanila. Lalo na kapag napakialaman nila ang sewing machine ko." "Masyadong maliit ang kuwartong ginagamit ko para sa inyong tatlo. Saka walang aircon do'n, maiinitan kayo. Mukha pa namang hindi sanay sa init ang kambal." "May mild asthma si Tom. Hindi siya puwedeng naiinitan." Matamang pinagmasdan ni Tazmania si Odie. Naawa siya sa nakitang pagod sa mga mata ng dalaga. Mukhang hindi lang emosyonal na kapaguran ang pinagdadaanan nito. Malamang sa sementeryo pa lang ay naubos na ang lakas nito. "Kailangan nating lumipat," desisyon ni Tazmania. Gusto na niyang makapagpahinga si Odie at huwag nang mag-alala pa sa kahit anong bagay. "Saan naman?" "Sa condo unit ko. Mas safe do'n. Mas spacious din kaya makakapaglaro sila nang hindi tayo nag-aalala na baka mahulog sila sa hagdan." Pumagitna ang katahimikan. Nakaramdam ng kaba si Tazmania. Wala naman siyang masamang balak sa pagyayaya kay Odie na lumipat sila sa condo unit niya. Naisip lang niya na kung may ligtas na lugar siyang pagdadalhan sa dalaga at sa kambal, doon na sa bahay niya. Gusto lang niyang protektahan at alagaan ang mga ito. That's what real men do—protect the women and the children, depensa ni Tazmania sa sarili. "Okay lang ba?" nag-aalalang tanong ni Odie. "I mean, may pinagtataguan kang babae kaya ka tumira dito sa Tee House. Pagkatapos, babalik ka ro'n at kasama pa kami ng mga pamangkin ko?" "Oh, it's okay. May isa pa kong unit sa ibang condominium building na hindi ko madalas uwian, kaya hindi niya iisiping nando'n ako," palusot ni Tazmania. Hindi pa rin nawala ang pag-aalala sa mukha ni Odie. "Malaking responsibilidad 'to, Tazmania. Baka kung ano'ng isipin ng mga babaeng idine-date mo..." Tazmania cursed his playboy reputation. Kung kailan naman nagtitino na siya, saka pa niya hindi makuha ang tiwala ng babaeng gusto niyang makita ang magandang parte ng kanyang pagkatao. Hindi lang iyong pagiging gago at babaero niya. "I'm not dating anyone right now." Tumaas ang isang kilay ni Odie. "Really?" "Yes, so you and the kids can move into my place for the meantime. Isipin mo na lang na pasasalamat ko 'to sa 'yo dahil pinatuloy mo 'ko rito sa Tee House," pangungumbinsi ni Tazmania. Tumingin si Odie kay Tom na naglilikot sa mga bisig nito, pagkatapos ay kay Jerry na sinasabunutan pa rin si Tazmania. Then, she sighed. "Okay. Pumapayag na 'ko." *** MASAMA ang loob ni Tazmania habang nilalagyan ng scotch tape ang sharp edges ng coffee table sa sala ng condo unit niya. Halos lahat ng matutulis na bagay sa lugar niya ay natakpan na niya ng tape para hindi masaktan ang kambal na Tom at Jerry. Ayaw naman niya na masaktan ang mga bata, pero pangit na pangit na siya sa kinalabasan ng mga mamahaling gamit niya sa bahay. Noong una ay hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya para ialok ang sariling bahay kina Odie at sa kambal. Pero nang marinig niya ang tawanan ng magtiti-Tita sa loob ng kuwarto niya kanina, naalala niya kung bakit nga ba isinuot niya ang sarili sa gulong iyon. He wanted to make Odie happy. And hearing her bubbly laughter was worth all the trouble he had gone through, and was going through. Nakahinga nang maluwag si Tazmania nang matapos na siya sa ginagawa. Tumayo siya at nagpunta sa kuwarto niya kung saan niya iniwan si Odie at ang kambal. Habang naroon ang tatlo sa unit niya, ang mga ito muna ang gagamit sa master bedroom. He was living in a bachelor pad, so he had no guest room. Sa buong panahon ng pananatili ng magtiti-Tita roon ay sa sala muna siya matutulog. "Odie?" aniya, saka kumatok sa pinto. Walang sumagot kay Tazmania, kaya nagpasya na siyang dahan-dahang buksan ang pinto at pumasok sa kuwarto. He smiled at the sight that greeted him: Odie and the twins were sleeping soundly on the huge bed. Nakapagitna ang kambal kay Odie at sa malaking unan. My babies look adorable. Kinuha ni Tazmania ang cell phone niya, at hindi niya napigilang kunan ng picture sina Odie at ang kambal. Mukhang napagod sa paglalaro ang magtiti-Tita, kaya ngayon ay nakatulog nang mahimbing ang tatlo. Inayos ni Tazmania ang kumot para maging komportable ang kambal, lalo na si Odie. Hininaan din niya ang airconditioner ng kuwarto dahil mukhang nilalamig ang tatlo. He sat on the edge of the bed, right beside Odie. Tinitigan niya ang dalaga, at may realisasyon na namang sumalubong sa kanya. Before, he had only ever shared his bed with a woman for s*x. Ngayon lang may babaeng natulog sa kama ni Tazmania na hindi nakikipagtalik sa kanya. But a fully-clothed Odie on his bed was the best sight he had ever seen in his room. Images of the naked women he had been physically involved with flashed through his mind, but none of them appealed to him anymore. Lalo pa ngayon at may presensiya na ng mga bata sa bahay niya. Hindi na niya magawang makapag-isip ng makamundong mga bagay. Lumuwang ang pagkakangiti ni Tazmania nang dumako ang tingin niya kina Tom at Jerry. Malinis at mabango na uli ang mga bata—hindi gaya kanina na marusing ang mga ito dahil sa pagkain ng tsokolate. Presko na siguro ang pakiramdam ng kambal kaya nakatulog na. Tumingin si Tazmania sa relong-pambisig niya. Alas-otso na pala ng gabi, pero hindi pa sila naghahapunan ni Odie. Nakapag-take out na sila sa restaurant kanina ng pagkain, bago sila dumeretso sa kanyang condo unit. Hindi magawang gisingin ni Tazmania si Odie dahil ayaw niyang sirain ang tulog nito. She badly needed rest. Mayamaya na lang siguro. Baka magising din naman ito kapag nakaramdam ng gutom. Naghikab at nag-inat si Tazmania nang makaramdam ng antok at pagod. Nagtungo siya sa kabilang panig ng kama, at inalis ang unan na nagsisilbing harang para hindi mahulog sa kama si Tom. Siya ang pumalit sa puwesto ng unan. Kaya ngayon, nakapagitna na ang kambal sa pagitan nila ni Odie. They somehow looked like a family. Ngumiti lang si Tazmania. Inaantok lang siguro siya kaya niya naiisip na parang gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya. Kung naririnig siguro siya ni Oreo ngayon, malamang ay itinakwil na siya ng kaibigan. Noon ay siya ang numero unong tagabuyo sa mga kaibigan niya na huwag magpapatali sa isang babae, o di kaya ay huwag mag-aanak dahil kawawa naman ang mga batang isisilang sa mundo na may gagong mga tatay. Pero ngayon, pakiramdam ni Tazmania ay kaya niyang maging responsable. Ah, hindi. Pakiramdam niya ay gusto niyang mag-alaga at pumrotekta ng mga taong magiging mahalaga sa buhay niya. Bilang kapalit, gusto naman niyang maramdaman na may nag-aaruga at ang pakiramdam na may naghihintay sa kanya sa pag-uwi niya. Sa madaling salita, gusto niyang maranasan ang mga hindi niya naramdaman noon sa mga magulang niya. Naisip din niyang papatayin siya ni Odie kapag nakita nitong natulog sa tabi nito—at ng mga kambal—pero hindi na siya makatayo dahil ang lakas mang-akit ng malambot niyang kama. Just five minutes, Odie. Let me experience what it feels like to have a family again, even for just a couple of minutes... Hindi alam ni Tazmania kung gaano katagal siyang nakatulog nang magising siya sa malakas na iyak nina Tom at Jerry. Napabalikwas siya. Magmumura sana siya dahil hindi siya sanay na naiistorbo ang tulog, pero nang makita niya ang apologetic na mukha ni Odie, bigla siyang kumalma. "Nagugutom yata sila," sabi ni Odie, habang marahan nitong tinatapik-tapik sa hita sina Tom at Jerry. "Sandali, kukunin ko lang ang gatas nila." "Ako na," prisinta ni Tazmania, saka tumayo. Kinuha niya mula sa mga gamit na iniwan ni Garfield kanina ang malaking lata ng gatas, at bag ng feeding bottles na may laman nang tubig. "What am I supposed to do with these? Lalagyan lang ba ng gatas?" "Three scoops lang, 'tapos i-shake mo." Sinunod ni Tazmania ang sinabi ni Odie, pagkatapos ay inabot niya rito ang isang bote para ipainom nito kay Tom na mabilis tumigil sa pag-iyak. Pagkatapos ay siya na ang nagpainom ng gatas kay Jerry. The babies sucked hungrily on their bottles. Saka lang natahimik ang buong condo unit. Napangiti si Tazmania. "Ang tatakaw ng mga anak ni Garfield." Napangiti rin si Odie, pero hindi pa rin nawala ang kapaguran sa mga mata. "Kaya nga ang bigat-bigat nila. Pasensiya ka na kung pati ikaw naistorbo." "Kusang-loob naman akong nag-volunteer na tumulong." "Why, Tazmania? Bakit mo 'ko tinutulungan?" kunot-noong tanong ni Odie. Nagkibit-balikat si Tazmania, saka tumingala sa kisame. "Kung hindi kita tutulungan, magiging busy ka. Lalong made-delay ang journey mo. Hangga't hindi natin natatapos ang journey mo, hindi rin puwedeng gawing movie ang kuwento n'yo ni Pluto." Natawa nang mahina si Odie. "Iba talaga mag-isip ang mga negosyante." Binalingan niya si Odie. "Kaibigan na rin ang turing ko sa 'yo." Binalingan si Tazmania ng dalaga. Nakangiti ito. "Kaibigan na rin naman ang turing ko sa 'yo. Kaya nagpapasalamat ako kasi dinadamayan mo 'ko, kahit wala akong magagawang mabuti para masuklian ang kabaitan mo sa 'kin." "That's not true," kaila ni Tazmania. "Wala kang ideya kung ano'ng ibinigay mo sa 'kin." Gumuhit ang kuryosidad sa mga mata ni Odie. "May ibinigay ako sa 'yo?" Tumingala uli si Tazmania sa kisame. Bigla ay nakaramdam siya ng pagkaasiwa, pero sinagot pa rin niya ang tanong. "You made me believe that it's possible to stay in love with a person, Odie. I've always believed in love and falling in love. But I also believe that staying in love was just a myth made up by hopeless romantics. Until I saw the way you still loved Pluto, even after he was already gone." "Staying in love with the same person is supposed to last until one's last breath," halos pabulong na sabi ni Odie. "But the thing is, the person left behind doesn't automatically fall out of love when the other person dies. Or leaves. Sometimes, it sucks." Pakiramdam niya ay may sumuntok sa kanyang dibdib. Mahal pa ni Odie si Pluto. Inaasahan na niya iyon. Hindi lang niya inaasahan na masasaktan pa rin siya. "Yeah, it sucks."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD