“Alex!” “Pat?” Si Patrick ba yung tumatawag sa’kin? Napalingon ako sa paligid. Kanina pa ako dito. “Pat ano ba! Asan ka?” “Alex.” Tawag niya na naman pero hindi pa rin nagpapakita. Ano naman nangyari dun? “Alex, matagal na tayong bestfriends. You are always there for me, you always make me smile. Walang araw na hindi mo ako napasaya. You don’t know how much I love you. You are my Juliet,” biglang may nagliparang lights sa paligid tapos nakita ko na si Pat na lumalapit sa’kin. “Can I be your Romeo?” At nakita ko nga siyang palapit sa’kin. Isa yun sa mga alaala ko kay Patrick. We were 14 years old back then, bestfriend ko siya at tatlo kami ni Kathy ang laging magkasama. Isa siyang sikat na basketball player sa aming school, si Kathy at ako ay isang ordinaryong estudyanteng halos ikamata

