Chapter 17: Sorry na. (Part One) Pauline's POV "Mga baklaaaaaaaa!" Sigaw ni Cassandra. Ano naman kaya nakain nitong bruhang 'to? Grabe sigaw ba naman, umagang umaga. "Babae kami. Hindi bakla." Sabi ni Cleofe. Habang binabasa yung libro nya. Tss! Bookworm. "Anong ingay nanaman yan ha?" Tanong ni Abby. "Wala naman girls. Hindi kasi ako nakakain ng breakfast eh." Sabi nya. Kaya naman pala . "Halika na. Samahan ka na namin, mahirap na baka lumala yang sakit mo sa ulo. Kapag talaga hindi nakakain nako! Nakakasira ng ulo." Sabi ko sa kanya. "Sama mo naman. Halika na nga gutom na alien dito sa tyan ko." Pumunta na nga kami sa cafeteria. Pagdating namin dun agad naman bumili si Cassandra ng breakfast nya. Buti na nga lang at wala kaming teacher ngayon sa unang subject. Galing ng schoo

