Hindi lang ikaw ang manunulat dito. Anumang tao , lugar , o pangyayari ay hindi inaasahan. Kung hindi ito pabor sa inyo ay pwede na kayong umalis. Maraming Salamat. No plagiarism!
Follow me @jamesvince for more stories.
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
The World of Married
BXB 2020
Captitulo 1
Fluke
''anak! Ryle! Itabi mo muna yan..kumain ka muna..'' sabay lapag nito ng sunny side up eggs sa lamesa. Napatingin si James sa anak. Matapos niyang uminom ng black coffee ay mabilis na nagpalit ito ng damit. Malelate ito sa kanyang trabaho. Humarap pa ito sa salamin at ngumiti.
'' Magandang araw sayo james..'' sabi nito sa sarili.
Ako nga pala si fluke. Sanay akong james ang tawag sakin. Maging sa aking malalapit na kaibigan. Ako ay masayang maybahay kasama ng aking asawa. Si Ohm. At ang aking anak na si Ryle. Nasa ikatlong taon na ito sa sekondarya at malapit nang magtapos. Ang aking asawa naman ay nagtratrabaho bilang Direktor ng isang maliit Entertainment Company.
( pinapakitang pumasok ng ospital si fluke naka suot ito ng simpleng polo shirt at fitted na pantalon at uniporme pang doktor.naka suot din ito na scarf na blue dahil malamig sa labas. Maliban doon ay regalo ito ng kanyang asawa. Napatingin ito sa gilid ng customer service ng hospital. Nakadikit dito ang kanyang larawan at ang iba pang miyembro ng ospital. )
'' Fluke James Madrigal..Associate Director..'' sambit nito.
Pumasok na ito sa opisina at hinubad ang roba nito. Maya maya ay nag ring ang cellphone nito.
' Ma..thanks for breakfast! Binaon ko nalang po para di masayang. ' maya maya ay nag send ulit ito ng larawan. Lunchbox ang hawak nito habang naka ngiti. Cute. Ang sweet talaga nito. Nag send siya ng sticker na heart. At binaba ang telepono.
Kasalukuyan niyang hinubad ang scarf at isinabit ito. napatigil ito. napatingin sa scarf.
' Bakit?..'' kinuha nito ang scarf. May pirasong buhok ito na blonde. Napaisip ito.
Flashback
'' mag iingat kayo hon ah..make sure na ihahatid mo si ryle. '' sabi nito sa asawa. Lumapit naman si ohm dito at binigyan ito ng halik sa labi. Nagulat nalang ito ng ipulupot sa kanyang leeg ang scarf.
''para di ka lamigin. Mabilis ka pa naman sipunin. '' sabi nito. Napasimangot naman ito sa lalaki.
'' Okay..po..ryle..mag aral ng mabuti ha.. ''
'' okay pa. ''
Sumakay na ang dalawa sa kotse. Pinagmasdan nito habang papalayo.
End of flashback
Napailing nalang siya at nag focus sa trabaho. Dala lang siguro ng stress kaya siya nagkaka ganito. Pagkauwi nito sa bahay ay naabutan niya ang mag ama na kumakain. 'gabi na pala.. ''
Bulong nito sa sarili. Nagluto na ito ng Chicken Curry para sa kanilang hapunan. Hindi man sa pagmamalaki pero may alam ito sapag luluto.
''sarap nito ah...'' napatingin si fluke sa asawa at anak na maganang kumakain. Wala mang okasyon pero para sa kanya ay nagiging espesyal ang araw na ito. dahil sama sama sila sa hapag kainan. Naisip niyang dumaan sa kanyang kapitbahay. Marami rami kasi itong nailuto.
''O james..anung meron? '' tanong ni lynne habang nakangiti.
'' napasobra ako ng luto, baka gusto mo? '' sabay pakita nito ng Tupperware.
'' Oo naman! Ikaw pa! pasok ka. '' sabi naman nito.
Excited na binuksan ni lynne ang Tupperware. '' Chicken curry..matagal narin akong hindi nakakakain neto..salamat ha. '' sabay salin nito sa bowl. Natawa naman si james.
'' Wala yon..para yan lang eh..btw nasan si chase..? natutulog naba? '' tanong nito.
'' nako! As usual, nag overtime na naman ito sa trabaho..'' ani nito.
'' baka yumaman na kayo niyan ah.. '' asar nito. Natawa naman ang dalawa.
''gusto mo ng wine? '' tanong nito habang nag lalabas ng glasswine.
''sure. '' kapwa uminom ang dalawa. Hindi na napansin ni fluke ang oras. Napasarap ang kwentuhan ng dalawa.
'' lynne..may tanong ako.. ''
''sure. Anu yon? ''
'' panu mo malalaman kung nangangaliwa ang isang tao..i mean for example lang..?'' tanong nito. Biglang nagbago ang expresyon nito. Sumeryoso.
'' ah..siguro kapag mayroong kang concrete evidence na siya ay nag cheat sayo..teka? ba't mo naman naitanong yan.. ''
''wala..curious lang..''
'' like..hello? 2020 na jam..uso na ngayon yan mga kabit kabit nayan. Try mo rin manood minsan para may idea ka. Iba na talaga ngayon no..matatapang na ngayon ang mga kabit. '' sabi pa nito sabay inom ng wine. Tumango naman si fluke habang naka tingin sa bintana. Iniisip parin nito ang scarf na binigay ng kanyang asawa.
( Kinabukasan ay maagang pumasok si fluke. As usual, paulit ulit lang ang kanyang buhay. Pinapakita na babangon ito at magluluto, ipapaghanda ang suot ng asawa at anak. )
'' Good morning mars! '' bati ni jennie kay fluke. Tumango naman si fluke at nag wika.
'' morning rin..tara coffee? ''
''sureness... '' wika nito habang nag out.
Habang umiinom ito ng coffee ay napapatingin si jennie kay fluke. Inaamin yang medyo Moreno siya na badaf. Hindi niya tuloy maiwasan na ikumpara ang sarili kay fluke. Bukod sa maputi at makinis pa ito. kinulang lang sa height pero mababakas sa mukha nito ang pagiging class.
'' bakit? '' tanong ni fluke. Nakatingin kasi ito sa kanya.
'' tapatin mo nga ako mars.. anung lotion gamit mo? Ang ganda kasi ng skin mo..bumagay sa maliit na hugis ng mukha. Gusto korin ng ganyan ih.. '' sabi pa nito.
'' haynako! Wag monang pangarapin..sa Thailand ka magpagawa kung gusto mong gumanda. ''
'' ay! Dun ka nagpagawa? Nag goglow din ang mukha mo..shit. inggit na inggit talaga si akez. '' sabi pa nito.
''sira! Hindi natural to no..''
''ay...sori naman.. '' sabay inom nito ng kape. Maya maya ay nilapag nito sa lamesa.
''kamusta naman kayo ni ohm..musta buhay mag asawa.''
'' okay naman. Going smooth. Mahal naminn ang isat'isa '' namula tuloy ako ng maalala ang nangyari kagabi.
''ay..sus..nagdadalaga lang sistz?...naputukan ka siguro kaya ka nag go glow... '' pang aasar nito. Natawa naman si fluke sa sinabi nito.
''watch your mouth! Nasa ospital tau jen umayos ka nga..hindi no.. '' pagtatangi nito.
''If I know, gabi gabi kayong nagtatalik..hays..nasisi tuloy ako na hindi ko nilandi si ohm dati nung high school pa kami..shet..anlaki siguro noh..? umamin ka... '' pilit nito.
'' shhhhh! Wag mong masyadong lakasan. Nakakahiya. ''
'' anong nakakahiya don eh asawa mo yon...if I were you gabi gabi akong magpapabuntis sa kanya..shet! nawewet ata ako. Sige na! I'll go ahead. Mauna na ako sayong mag in ah.. '' sabi pa nito sabay labas ng pintuan.
Once a week or twice, doon lang sila nakapag lalaan ng araw para sa kanilang dalawa ni ohm. Busy kasi ito maging siya ay marami ring pasyente. Hindi naman siya pwedeng mag bawas ng load dahil wala siyang assistant na gagawa niyon. Aside from that, siya ang associate director ng hospital.
Maaga niyang tinapos ang lahat ng Gawain niya. Di man niya sabihin pero kinukutuban siya sa kanyang asawa.
'' Cherry! Maaga akong mag o-out. Yung mga appointments ko tom ko nalang gagawin. Okay? ''
'' sige po sir. james. Ingat po. '' sabi ng nurse sa information's desk.
Mabilis na sumakay si fluke sa kanyang sasakyan. Kung hindi siya nagkakamali ay 12 ang pasok ng asawa niya. 11:20 palang kaya tiyak ay maabutan pa niya ito.
(Malapit na ito sa kanilang residence ay nakita ni fluke na palabas ng bahay ang kanyang asawa. May bitbit din itong isang bouquet ng rosas. Naisip niyang sundan ito. pagkarating sa lugar ay agad na bumaba si fluke ng sasakyan. Di nito alintana ang init sa labas. Nakita nitong pumasok ang asawa sa isang kwarto. Mabilis siyang naglakad at binuksan ang pinto. )
''Oh..love..ba't ka nandito? Tatawagan palang kita, pero dika nasagot. '' sabay lapit nito at halik sa kanyang pisngi. '' napatingin naman si fluke san aka wheel chair na matanda. Ina ni ohm.
'' Ang cute ng asawa mo..james halika nga rito.'' Sabi ng matanda kaya mabilis itong lumapit at nag mano.
'' pagpalain ka..buti naman at nadalaw niyo akong dala- '' napatigil ito dahil inubo ito.
''humiga po muna kaya kayo..at magpahinga. '' sabi ni james habang inaalalayan nila ito na humiga. Nagkwentuhan ang mga ito hanggang sa antukin ang matanda.
Pagkauwi ng mag asawa ay dumerecho si fluke sa kanilang kwarto at ni lock ang pinto.
''nagkamali lang siguro ako... ''bulong nito sa isip habang tinitignan ang larawan nilang magasawa sa pictufre frame na nakasabit sa wall.
Naglilinis si fluke ng may nakitang itim na envelop . agad niyang binuksan iyon.
Imbitasyon sa kanilang mag asawa. Galling ito sa Women's association sa pamumuno ni Margarette Santillan.
( Pumunta ang mag asawa sa event. Doon ay konti lang ang bisita dahil exclusive lang ito para sa mga upperclass at may mga negosyo. Iniwan muna ni ohm ang asawa dahil may tumatawag rito. )
Tahimik lang si fluke na umiinom ng wine ng may lumapit rito.
'' Good evening po Mrs. Tiffany. '' sabi ni fluke na punong puno ng paggalang. Asawa kasi ito ni Ramon Musngi. Ang Mayor ng Basco.
''Oh..you must be James..Fluke James Madrigal-Montevista. I did'nt expect that you will married to a man. Happy wife? '' ani ito.
'' Yes madam. I'm very thankful for having a cute and beautiful family like yours. '' papuri nito.
''Same here. Oh..i would like you to meet Stephanie Musngi. My only Daughter! '' napatingin si fluke sa babae. Nasa 20's ito at maganda manamit. Bumagay dito ang Simple dress at Blonde na hair. Maganda ito kahit hindi na ayusan.
Inabot nito ang kamay nito. '' Steph nalang james..wag nang masyadong pormal. '' sabi nito. Nakipag kamay din si fluke.
'' Steph. '' natawa naman ang tatlo. '' Cheers? '' sabay sabay nilang pinaglapit ang baso at uminom ng wine.
( Sa kabilang banda ay nakatingin si Steph kay fluke. Mapanuring mata. )
Malalim na ang gabi ay lumabas na si fluke sa event. Tinatawagan nito ang asawa ngunit nakapatay ang phone nito. Napatingin ito sa car park na kung saan may kotseng katabi ang kanyang sasakyan. May sasakyang sarili si Ohm.
Mabilis na sumakay si fluke at may dial.
'' Sundan mo ang asawa ko...'' sabi nito sa kabilang linya. Mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan at nakarating agad ito ng bahay. Binisita muna niya ang kwarto ng anak. Natutulog na ito.
Pababa ng hagdan si fluke ng mag ring ang kanyang Phone.
'' hello.. ''
'' ako ito...'' huminga ng malalim si fluke. Hinihintay ang mga susunod na sasabihin nito.
'' Oo. May kabit ang Asawa mo. ''
Napatigil si fluke sa narinig. Nagsimulang lumandas ang luha sa kanyang pisngi. Nagsalita ito.
''k-kunan mo ng litrato o video. Ipadala mo ito agad sa akin. '' mabilis nitong pinatay ang tawag. Napahawak si fluke sa dibdib nito. Tinakpan din nito ang bibig para pigilan ang paghagulgol nito.
Maya maya ay tumunog ang phone nito. Mabilis niya iyong binuksan. Tumambad sa kanya ang larawan ng kanyang asawa. Nakatagilid ito at may kausap na babae. Medyo malayo ang kuha ng litrato kaya hindi malinaw ang mukha nito. Blond ang buhok nito. Hindi man niya sabihin ngunit parang pamilyar ang suot nito.
Sonnet Son(손승연) – Sad
Sad I'm so sad gasi dotchin gil wireul geotda
eoneusae chagawojin nunbicce gaseumeun meomchwo
Every time I stay you're gone
arachael su eopsdeon sigandeul
in the sky in the sky in the sky it's gone
pinahid nito ang luha. Tama ang hinala niya. Nangangaliwa ito. niyukom niya ng mahigpit ang kanyang kamao. Huminga siya ng malalim. Pilit binubura ang masamang pangyayari. Iniisip palang nito ang ginagawa ng kanyang asawa pag wala siya ay masisiraan siya ng bait.
1:30. Napatingin si fluke sa kanyang relo. Naka abang na ito sa gate ng paaralan. Naval Academy. Pribadong Paaralan para sa mga may kaya sa buhay. Naalala niya ang mga panahon kung saan walang wala pa sila sa tinatamasa nila ngayon. Dahil sa dedikasyon nito sa trabaho kaya umahon sila sa hirap. Totoo ngang 'Pangit maging mahirap pero maspangit kung walang pangarap.' Kung hindi mo tutulungan at iaahon ang iyong sarili , paano mo ito magagawa sa iba.
(Nagsimulang maglabasan ang mga estudyante. Kasalukuyang naglalakad si ryle nang Makita nito ang kanyang mama. Nasa gilid ito ng sasakyan tila mayroong sinisigaw. Nakangiti ito habang nag hugis puso pa ito ng kamay. )
''uy..man.tignan mo oh..ang cute ng mama ni Ryle. '' sabi nito sa isang kaibigan habang nakatingin dito.
Tanggap ni Ryle na lalaki ang kanyang mga magulang. Mama ang tawag niya kay fluke at papa naman ang tawag niya kay ohm. Uso naman ito ngayon. May ibang siyang kaklase ng dalawa ang nanay. Hindi niya ito kinahihiya. Proud siya na sila ang naging magulang nito.
''di mo ba yayakapin si mama? '' tanong ni fluke habang nakataas ang dalawang kamay nito.
Lumapit naman ito at niyakap.
''hay..sweet mo naman nak!wala akong pera ngayon ah..'' pabirong sabi nito.
'' ma naman eh... '' ginusot pa ni fluke ang buhok nito.
Matapos ihatid pauwi ang anak ay may pinuntahan ito.
Mabilis niyang I pinark ang kotse. Lumabas. Maya maya ay lumapit ang babaeng naka hood sa kanya.
Kinuha ni fluke ang sobre sa bulsa.
''eto. Ten thousand. Maraming salamat...hera '' tatalikod na sana ito nang biglang nag wika.
Kinuha na nito ang pera.
'' Sandali.. '' pagpigil nito.
''bakit? ''
Pinasok nito ang bulsa sa kamay at nag wika. '' Check your husband's Trunk..sa tingin ko ay may tinatago ito doon. ''
Napatingin ito sa babae. Bata pa ito nasa 20's medyo chubby din ito pero may hugis ang katawan. Sariwa pa ang sugat nito sa labi.
'' Salamat. '' naka ngiti si fluke nang mapait.
June. Araw ng Martes. Mabilis na bumaba ng kotse si fluke. Lumapit naman dito ang kanyang asawa.
'' Your'e late. Kanina pa kita hinhintay. Andami nang bisita sa venue nandyan narin si Mr. Ramon Musngi. Tara na..'' sabay akbay ni ohm sa asawa ngunit pinigilan niya ito.
'' Pasensya na. daming patients kaya ngayon lang ako nakapag out. wait. Nasa iyo ang dslr dba? Kukuhanan kita ng litrato para may remembrance. Nasa car mo right? '' dagdag nito. Napatitig ito sa asawa. Nasa middle 30's na ito pero napaka lakas parin ng s*x appeal.
Lumapit si fluke dito at isinuksok ang kamay sa bulsa ng slacks nito. Masikip. Hindi nito tuloy maiwasan na mabangga ang p*********i nito. Inaamin niya. Malaking ang b***t ng kanyang asawa. Isa rin siguro iyon ang dahilan kaya tumatanggi siyang makipag s*x rito.
'' t-teka love..baka ibang susi ang makuha mo.. '' bulong nito sa tenga nito fluke.
''eto na. wag ka ngang malibog. Mauna kana at dalhin mona yang mga alak dun sa mga bisita. '' sabay palo ni fluke sa pwitan ng asawa. Napa ngisi naman itong nakatingin sa kanya.
Hindi naman malayo kung nasaan ang kotse nito. Mabilis niyang binuksan ang likod ng kotse at naghanap.
Wala itong nakita. Mga bote ng tubig. Magazine. At mga lumang laruan ng anak ang nandoon.
Napatingin ito sa gilid ng trunk. May maliit na bukasan iyon. Kinakabahan man ay minabuti niyang buksan ito.
Tumambad sa kanyang ang itim totebag. Dali dali niya itong binuksan. Napahawak nalang ito sa bibig sa nakita.
Cellphone. May mga Condoms din at damit..
Napahawak si fluke sa ulo nito. Kinuha nito ang phone at binuksan.
Pinapatunog nito ang kanyang kuko habang naghihintay. Sumisilip din ito kung may paparating na tao.
Matapos buksan ay hindi niya inaasahan ang nakita!
Larawan ng kanyang asawa at Ang babae....
Flashback
''Same here. Oh..i would like you to meet Stephanie Musngi. My only Daughter! '' napatingin si fluke sa babae. Nasa 20's ito at maganda manamit. Bumagay dito ang Simple dress at Blonde na hair. Maganda ito kahit hindi na ayusan.
Inabot nito ang kamay nito. '' Steph nalang james..wag nang masyadong pormal. '' sabi nito. Nakipag kamay din si fluke.
'' Steph. '' natawa naman ang tatlo. '' Cheers? '' sabay sabay nilang pinaglapit ang baso at uminom ng wine.
Sad
Sad
Sad
Sad
Sad I'm so sad dorikil su eopsdaneun geose
eoneusae naccseoreojin maltue apeumdo jichyeo
in the sky in the sky in the sky it's gone
Sad
Sad
Sad
Sad
You'll be in the fire
hey burn with fire
I bet you'll be in the fire
I bet you'll be in the fire
Sad I'm so sad
Cause I'm sending you my pain and tears
End of flashback
Naguunahang tumulo ang luha nito sa pisngi. Tinakpan niya rin ang kanyang bibig. Gusto niyang magmura at kaladkarin ang kabit nito ngunit hindi siya makagalaw. Binuksan ni fluke ang messages nito.
Jennie
0910443--
Maagang umalis si james. Hindi ko alam kung saan pupunta iyon. Pwede ba wag mona akong I text. Busy ako okay?
Chase
0949121—
Kasama mo ba si Steph? Gago ka! Sige sama mo siya dito sa resthouse namin ni lynne.
Angeline
0907313—
Siraulo ka ohm! Kasama mo na naman iyang kabit mo! Pag nabuntis mo yan..sinasabi ko sayo! Alam mo ba ay nakokonsensya ako pag nakikita ko si fluke? Ha?
Nanginginig man ay napatingin ako sa gallery nito. Tumambad sa akin aking iba't ibang larawan. Kuha ito noong nakaraang 2 taon. Sa resthouse ni Chase.
Magkatabi si Chase at lynne. Ganun din si Jennie at Angeline. Sa baba nila nakaupo ang aking asawa at ang kabit nito. Naka akbay pa ito saka naka taas ang kani kanilang wine.
Perfect.
Perpektong larawan.
They fooled me perfectly.....
Ang Inakala kong perpektong buhay ay panaginip lang pala...
Ang Inakala kong mga kaibigan ay siyang Nagtraydor sa akin.
Pinahid ko ang aking luha. Hindi ako tanga para magpaloko pa sa kanila.
Binalik ko sa dating lugar ang mga nakita ko. At padabog na binaba ang trunk ng sasakyan. Mabilis akong nagtungo sa aking sasakyan at may kinuha sa likod nito.
Nilabas ko ang medical kit at kumuha ng Gunting. Sumisiklab ang galit sa aking dibdib. Pinagmasdan ko at hinawakan ang dulo ng gunting. Matagal ko na itong hindi ginagamit sa pag oopera.
Hindi ko alam na magagamit ito
Ngayon..
Pumunta ako sa party. Kaarawan ng aking Asawa. Outdoor ang napili naming dahil may Malaki itong supresa.
Nilagay ko ang aking kaliwang kamay sa likod. Mahigpit ang hawak ko sa gunting.
Napansin ako ni jennie..tumayo pa ito at lalapit sa akin ng nakangiti. Patuloy akong naglakad nang batiin ako chase at lynne..
Napatingin pa sa gawi ko si angeline.. tinaas pa nito ang wine habang naka ngiti sa akin.
Napatigil ako sa tapat ng aking asawa.
Nahinto ang lahat.
Tinitigan ko ang mga mata nito. Malalim. Nagtataka man ngunit ngumiti ito sa akin. Ito na ata ang pinakamasakit na ngiti na natanggap ko.
'' SINUNGALINGGGG KAAAAA!! ''
Nagulat nalang ito ng sinaksak ko ito sa kanyang dib dib!
Lahat ay nasindak sa aking ginawa. Napatayo si steph at napatakip ng bibig. Nagulat at natakot ang mga tao sa party. Pati ang mag asawang Ramon at tiffany Musngi.
Ang Celebrasyon ng Aking asawa. Isa itong malaking bangungot para sakin.
Itutuloy...