Mainit ang ulo ni Ethan ng araw na iyon na kung tutuusin ay araw-araw naman siyang gano'n mula ng iwan siya ni Jade. He wasn't the same Ethan. Limang taon na niyang ipinahahanap ang dalaga subalit palaging bigo ang lahat ng imbestigador na inupahan niya upang hanapin ang dalaga. Frustration, guilt and anger consumed him. He punched the table hard. He needs to find her. Halos mabaliw na siya sa loob ng limang taong iyon na hindi nakakasama ang dalaga. Kasalanan naman niya ang lahat. He'd been an asshole for not trusting her. For lying with her. For making her feel unlove and rejected. And for breaking her heart. Hindi na niya namalayan na namalisbis na ang luha sa kanyang pisngi. Madalas siyang ganito kapag mag-isa, umiyak at nagsisisi. Kung hindi man ay mag-isang umiinom hanggang sa maka

