"Hoy! Ano ginagawa niyo riyan?!"
Napatingin naman ako sa pinanggagalingan ng boses mula sa loob ng bahay ni Jaxen.
Naroon sa may pintuan si Hannah, Pauline, at Fritzylle na pare-parehong nakahalukipkip.
"Kala ko ba awkward kayong dalawa?" tanong ni Pauline kasabay ng paglalakad nilang tatlo palapit sa amin.
"Kayo lang naman nagsasabi noon," sagot ni Jaxen na umayos na ng upo saka binasa ang script niya.
"Hindi pa ba kami mag-practice?" Tanong ko sa kanila.
"Napagkasunduan nilang ikaw nalang daw ilibre ni Jaxen," sagot ni Hannah saka itinaas-baba pa ang kilay.
"Why?" Tanong ni Jaxen.
"Huh? Anong bakit? Para bawas sa gastusin mo? Pinatuloy mo na kami rito eh," sagot naman ni Pauline.
"It is fine, kahit huwag narin ako--"
"No!!! Bawal humindi!!!" Biglang sigaw ni Pauline dahilan para maputol iyong sinasabi ko.
Napatawa naman sa kaniya sila Karen saka ko naman siya binigyan ng nagtatakang tingin.
"Bakit? Nakakahiya naman kung ako lang ililibre niya saka okay lang naman sa akin kahit hindi na rin. Alam ko namang busy tayong lahat--"
"Yeah, nakakahiya naman siguradong busy ka," sabat ni Jaxen nang nakatingin sa akin at nakangisi dahilan para samaan ko siya ng tingin.
Wow, is he being sarcastic? And why do they keep cutting me off?!
"You surely don't have time to have some fun, huh?" Nakataas ang kilay na saad pa niya.
Nabigla naman ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang ipinakita at nginitian na lamang siya na ikinakunot ng nga noo nila.
Las Creszia Theme Park
"WAAAAAAAHHHHH!!!"
I hurriedly plug both of my index fingers in my ears from his screams from the stuffed toy that suddenly moved.
I then felt his warm hand gripping my wrist a little harder as I look at him. He was covering his eyes with his other hand still shaking.
"What is it to be scared off? Alam mo namang tao lang naggagalaw sa mga 'yan?" pagpapakalma ko sa kaniya saka hinatak na ang kamay ko mula sa kamay niya.
"Are you scared?"
Nagulat naman ako nang makaramdam ng mainit na hininga sa may bandang leeg ko. I didn't bother to look at him as I know that our faces would bump if I will look at him.
"No," maikling sagot ko saka naglakad na at sumabay kay Jaxen.
"Renzial, saglit!" rinig kong tawag ni Pauline kay Renzial na iniwan kong nakatayo roon.
Dapat kasi kaming dalawa lang ni Jaxen ngayon pero pinilit ko nalang si Pauline na sumama pero hindi naman papayag si Pauline kung hindi ko aayain si Renzial kaya naman ako pa ang pumilit kay Renzial na sumama ngayon sa amin.
"Hoy, nasaan ka na?" gangster na tanong ni Jaxen dahil madilim dito sa haunted house kaya hindi niya ako maaninag.
I can't help but smirk as I took some steps backward quietly. I then took the wig off a mannequin and tiptoed back closer to him. Speakers then started releasing eerie sounds that startled Jaxen.
"Hoy, a-asan na kayo..." tanong niya saka napalinga-linga pa. Nakita ko namang nauna maglakad sila Renzial at Pauline. Hindi niya siguro narinig iyong yabag nila Pauline dahil sa background sounds dito sa haunted house.
"Khatalina?-- WAAAAAAHHHHHH AYOKO NA PLEASEEE!!!" sigaw ni Jaxen nang batuhin ko sa kaniya iyong wig.
Agad kong ipinulot iyong wig saka muling inihagis muli sa kaniya dahilan para mapasigaw siya at mapahiga nang patagilid sa sahig. I then bit my lips as I try to refrain from laughing making me breathe out long.
Lumingon naman siya sa akin saka ako sinamaan ng tingin. Lumapit naan ako sa kaniya saka inabot ang kamay ko para maabot niya at makatayo pero impit naman akong napatili nang masyadong malakas ang pagkakahatak niya sa akin at napahiga ako paibabaw sa kaniya.
Ang kaninang maingay na si Jaxen ay natahimik kasabay ng maramdaman ko ang mabilis at malalim na pagtaas-baba ng dibdib niya. Agad naman akong nakaramdam ng pagkahiya kaya naman agad na akong bumangon para hindi siya mabigatan sa akin. Tumayo rin naman siya at napahawak sa batok niya saka nag-sorry.
“No, I’m sorry. Hindi dapat kita tinakot knowing na natatakot ka na,” hingi ko rin namang paumanhin. Naaninag ko naman ang marahan niyang pagtango.
"Kala ko ba kasi hindi ka takot?" Natatawang tanong ko sa kaniya.
Tahimik nalang siya at impit na mga sigaw nalang ang naririnig ko sa kaniya. Buong experience namin sa haunted house ay puro lang ako tawa dahil sa itsura niyang takot na takot.
"Kumain muna tayo ng lunch," aya agad ni Renzial nang salubungin nila kami palabas sa haunted house.
Sumang-ayon naman kami at pumwesto kami sa may dulong table ng isang restaurant. Si Jaxen at Renzial na ang nagpresentang o-order ng pagkain namin.
"So? Okay na kayo?" tanong sa akin ni Pauline na pasiko-siko pa.
Hindi makapaniwala ko naman siyang tinignan.
"Seriously? Ayaw niyo tumigili kaiisip na awkward kami? Eh hindi naman!" pagtanggi ko sa kaniya saka ipinatong ang ulo sa lamesa.
"But don't you get attracted to him? Like hello, ni-kiss mo kaya siya!" Kinikilig na saad ni Pauline na ikinailing ko nalang.
"I'm just teasing him. Iniisip kasi niyang boring ako," paliwanag ko.
Wala naman talagang ibang meaning iyong paghalik ko sa kaniya. Gusto ko lang siya asarin. Isa pa, hindi lang naman siya iyong ginano’n ko. Paano ba naman kasi, sa tuwing may party akong pupuntahang business related, mayroong lalapit sa akin para lang hamunin ako or landiin ako. Either way, effective naman iyong ginagawa ko sa kanila. I know it's weird but Kimberly said it was better rather than say words that could ruin me.
"Wala ka talagang katiting na landi sa katawan, ano? Paano ka magkaka-boyfriend niyan?" Sabi pa niya.
"I can act flirt pero hanggang doon lang at walang ibang ibig sabihin. I'm not looking for a boyfriend though," I answered and sits straight as I saw Renzial and Jaxen.
"Kamusta kayo ni Renzial?" Tanong ko sa kaniya.
Napabuntong hininga naman siya saka napanguso at marahang dinutdot ang magkabilang pisngi niya gamit ang kaniyang xalawang index finger.
"Magpapa-sexy siguro muna ako," sagot niya saka tumawa nang hindi kumportable.
"Are you sure? Mukhang--"
"No, he seems interested on something that I don't have," putol niya sa sinasabi ko saka nangalumbaba pa.
Napabuntong hininga naman ako at hindi na nakapagsalita dahil nakalapit na sila. Agad naman na kaming tahimik na nagsikain.
"Khatalina, can I ask you something?" Biglang saad ni Renzial sa pagitan ng pagkain namin.
Napahinto naman ako sa pagkain at pinangunutan siya ng ulo.
"What do you think of my appearance? Do I look good?"
Para naman akong nabilaukan sa sarili kong laway dahil sa tanong niya. Napansin ko namang napangisi si Jaxen habang ngumunguya.
"H-huh?" natatangang saad ko.
"I mean, do you think pwede ako maging model?" Tanong niya saka ako nginitian nang pagkatamis-tamis.
Nagkatinginan naman kami ni Pauline saka napatawa.
"Bakit, may balak ka ba maging model?" Natatawang tanong ko sa kaniya.
Kung iisipin, pwede naman siya maging model but not that appealing gaya ng appeal sa akin ni Jaxen. Natatawa kami ni Pauline dahil hindi naman ni-expect sa kaniya iyon. He is more of a sports player image on us. Matangkad kasi siya at may katawan ng isang atleta.
"Balak mo ba akong kunin?" Balik na tanong niya sa akin saka ngumisi.
"Nako, gusto kasi ng photographers ko na mayroong experience ang models nila eh," sagit ko naman.
Napadako naman ang tingin namin kay Jaxen na ngayon ay tapos nang kumain.
"How about me then? I have an experience," sagot ni Jaxen na ikinataas ng dalawang kilay ko. I'm not surprised tho.
"Talaga? Anong ni-model mo?" Manghang tanong ni Pauline.
"Men's underwear," sagot niya saka napatawa. Napangiti naman ako saka nag-focus nalang sa kinakain ko at marahang napailing.
"Renzial, kamusta nga pala laro niyo? Kailan ang finals?" Rinig kong tanong ni Pauline.
"Ewan," maiksing sagot ni Renzial.
Sumimple naman ako ng tingin kay Renzial at nakita kong nakapalumbaba lang siya habang nakatingin sa pagkain niya at gnagalaw lang iti at hindi kinakain.
"Anyway, do you wanna watch the game?" Biglang tanong ni Renzial.
"Y-yeah, oo naman--"
"Eh ikaw, Khatalina?"
Mapapangiti na sana ako dahil tinanong siya ni Renzial pero nagulat lang ako na hindi man lang niya pinatapos magsalita si Pauline.
"U-uhm, I'm not sure if pwede pa ako magtabi ng day off... si Pauline! Siguradong manonood!" sagot ko saka nag-iwas ng tingin dahil nagsisimula na akong makaramdam.
"Oo naman! Basta sabihan mo lang ako, Renzial nang--"
"How about watch me practice then?" tanong niya ulit sa akin cutting Pauline off.
Khatalina, pasensya pa...
"Pfft, can't you see? Hindi interesado si Khatalina sa laro mo," walang pakundangan na saad ni Jaxen na ikinagulat ko naman.
Agad siyang tumayo at hinatak ako palayo sa kanilang dalawa. Shocked, all I did was to look at Pauline who's nodding at me and smiling bitterly waving her hand at us.
"T-teka, sandali! Ayokong iwan si Pauline kay Renzial!" pagpupumiglas ko kay Jaxen.
"If she wants to go with us, kanina pa humabol iyon," masungit na sabi ni Jaxen.
Para namang nag-iba ang ihip ng hangin at nanahimik nalang ako. Huminto muna kami sa tapat ng ferris wheel kaya naman agad kong kinuha ang phone ko para i-text at kamustahin si Pauline.
Matapos ko i-text si Pauline ay sakto namang nakatanggap din ako ng text mula sa kaniya.
Don't worry. I am okay. Enjoy kayo ni Jaxen. It would be nice to have more friends, right?
Sharp arrows pierced hastily to my chest. I know she's hurt and I know she's aware of what Renzial is doing. And I know that she can not be mad at him because she never confessed to him.
"Stop thinking about them. Magliwaliw ka naman," saad ni Jaxen na hinahampas nang marahan iyong braso ko.
Pinangunutan ko naman siya ng noo. Ibang klase rin iyong mood nito, ano?
Naglakad naman na kami papunta sa ferris wheel saka pumila. Mabuti na lamang at wala gaanong tao sa mga oras na 'to.
Tahimik lang kaming pumili at nilibang ko nalang ang sarili ko sa katatanaw sa magagandang imahe sa kapaligiran. Only if I have my camera, baka hindi ko na mapigilang mag-picture at talagang gawin kong model itong kasama ko.
I can't help but rest my palms on my chest as I feel my heartbeat faster seeing the great view of the theme park. Lights popping out as the dusk starts to settle building a good contrast between them.
Nilingon ko naman siya. Prenteng nakapamulsa lang siya sa itim na jeans na suot niya kapares ang isang oversized plain red shirt.
I wonder what does his parents look like...
Napapitlag naman ako nang bigla siyang tumingin sa akin nang seryoso.
"Khatalina, do you have a boyfriend?" he asked making me furrowed my eyebrows.
"Wala," I answered and lean my back as I crossed my legs still looking at him.
He slowly nods and looks back at the view as our cable started moving slowly upwards. It is been a long time narin noong huling punta ko sa isang theme park.
I was 13 in Cebu City back then still living with my parents...
"Ate, sa akin na lang iyan!" tawag sa akin ng bunso kong kapatid na si Dorothea.
Her three-year-old height almost touches my legs as her twin pigtails look already crooked tied with the cute pink cat hair tie that matches her pink dainty dress.
She was looking up at me trying to reach out for the ice cream that I was holding. I then lean closer to her, smiled at her, and decided to just give her the ice cream that I keep asking my parents for almost an hour barely wanting to buy for me.
She then smiled at me and kissed me on my cheeks saying thank you. My eyes then darted at my parents sitting on the bench busy with my little brother, Juhne, who’s currently crying.
Inaya ko naman na si Dorothea na pumunta kila mama at papa. Hahawakan ko sana iyong kamay niya pero sa sobrang saya niya sa ice cream ay napatakbo siya dahilan para mapatakbo rin ako at habulin siya.
“Habulin mo ako!”
Agad akong napatingin sa isang batang tumatakbo na nakatingin sa likod niya na humahabol sa kaniya nang sumigaw siya nito. Naalarma naman ako dahil mababangga niya si Dorothea kaya naman binilisan ko ang pagtakbo ko pero para nga naman akong inaasar ng tadhana at natapilok ako mula sa isang bato.
“Dorothea!”
I quickly stand on my feet and disregard the pain I felt as I look around and saw Dorothea faceplanted at the ground. I then run towards her and help her stand. Pinagpag ko iyong dumi sa mukha niya mula sa lupa saka pinalayo na iyong batang nakabangga kay Dorothea na humingi naman ng pasensya.
Nagsimula naman nang umiyak si Dorothea nang mapahawak siya sa noo niya at makitang may dugo iyong kamay niya. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang makitang may sugat siya sa noo na ngayon ay dumudugo na. nabitawan niya naman na iyong ice cream niya na siya namang bumagsak sa suot kong sapatos.
“Anak, okay ka lang?” kalmadong tanong ni mama kay Dorothea nang makalapit sila ni papa.
I know naman na she’s just trying to be calm para hindi na mag-panic pa si Dorothea. Inalo naman nina mama at papa si Dorothea samantalang iyong kapatid ko namang si Juhne ay kinalabit ako at saka tinawanan pa ako.
Naglakad naman si mama na buhat-buhat si Dorothea as my father looked at me with disappointment written all over his face. He then holds Juhne’s hand.
“Go, clean your shoes,” he said and pointed at the comfort room near us. Inaya naman niya na si Juhne papunta kila mama.
I just then bit my lips as I walk into the comfort room ignoring the pain I am feeling in my knees…
Ipinikit ko naman ang mata ko nang mariin nang maalala iyong huling beses kong pagpunta sa theme park 6 years ago. I tend to not entertain those memories I have with my parents because I know that it will eat me alive in pain slowly stabbing me in my chest.
Napatingin naman ako kay Jaxen nang marinig ko iyong tunog ng camera niya sa phone niya. He was staring seriously at his phone with its camera pointing straight at me. I can’t help but smile and pose for him making him smile as well.
“You seem deep in thought,” he uttered as he pats his chair making me stand and sit next to him.
“Really?” I responded and titter. He then handed me his phone showing me his shot of me.
I was staring at the view with a deadpanned expression on my face in the picture. I tried to look for more photos that he took but then he quickly snatched his phone from my hands.
“Picture tayo,” he said as he opens the front camera of his phone.
I then scoot closer to him so that I can be in the frame.
“One, two…” he counted. I then smiled and throw on a peace sign.
I then flinched and looked at him as my heart almost skipped a beat out of surprise when he wraps his arm around my shoulders throwing also a peace sign.
“Three!” he announced.
“T-teka, hindi ako nakatingin sa camera!” protesta ko saka napatayo nang dahan-dahan para hindi gumewang-gewang ang cable namin.
Napatawa naman siya saka inilabas iyong dila niya tsaka iwinagayway iyong phone niya. Pinanliitan ko naman siya ng mata.
“So what?” taas na kilay niyang turan sa sinabi ko.
“Eh hindi ako ready sa picture!” sagot ko naman.
“Hindi mo pa nga nakikita iyong picture eh!” balik na singhal niya sa akin saka tumayo rin at lumapit sa akin.
“Edi patingin!” sigaw na sabi ko at lumapit sa kaniya para abutin iyong phone ko mula sa kamay niya.
Napatawa naman siya na parang bata kaya hindi ko rin mapigilang mapatawa kahit pa inilalayo niya sa akin iyong kamay niya na nakahawak sa phone niya.
“Abutin mo muna—”
Hindi natuloy iyong sasabihin niya nang bigla nang gumalaw iyong ferris wheel pababa dahilan para ma-out of balance ako at ganoon din si Jaxen.
Pareho naman at sabay pang nanlaki iyong mga mata naming matumba kaming dalawa sa upuan at mapaibabaw na naman ako sa kaniya sa pangalawang pagkakataon ngayong araw.
Our noses were already touching as my body almost froze out of surprise but then my heart beats faster as I saw the corner of his lips slowly raising together with his warm touch on my back. I felt his warm breath on my lips with his chest moving up and down faster than normal.
“Gusto mong umiibabaw sa akin, huh?” nakangising tanong nniya dahilan para samaan ko siya ng tingin at aakma na sana akong aalis sa pagkakaibabaw sa kaniya dahil baka nabibigatan na siya sa akin pero natigilan naman ako nang marahan niyang pisilin ang baywang ko.
Mabilis kong itinanggal iyong kamay niya sa akin saka tumayo na as I try to avoid the warm feeling in my chest.
Narinig ko naman nang umayos siya ng upo sa upuan saka ako tinawag.
“Look,” he said as he opens his phone and shows the picture of us that he took.
My eyes then darted immediately at the image of me looking at him with rubescent cheeks drawn all over me with my hands raised with a peace sign as well as his hands while he was smiling at the camera with his arms wrapped around my shoulders.
“See? It’s not bad,” he said as he shuts down his phone and slid it into the pocket of his ripped black skinny jeans.
“Yeah, but still…” I uttered as I sat on the chair.
“Still what? You look like you are staring at me in the picture? Bakit, hindi ba—”
“Of course not. I am just LOOKING AT YOU OUT OF SURPRISE,” I answered calmly emphasizing that I wasn’t staring at him.
“Sure,” he said as he looks at the door of our cable opened.
I didn’t notice that we’re already at the bottom. We immediately left the Ferris wheel and started lurking around the tents of small games in the theme park.
“You know what, bakit kasi hndi mo pa kumprontahin si Renzial?” biglang tanong ni Jaxen.
“Hindi naman tayo sure sa feelings niya sa akin, Jaxen,” sagot ko sa kaniya as I didn’t bother to look at him.
“Just call me Jax nalang,” he said making me nod. Jaxen is too long to pronounce.
“Okay, Jax it is! Jax is better,” I commented.
“Yeah sure, Zyliania,” he said.
Napatingin naman ako sa kaniya nang hindi makapaniwala at nakangiti lang siya sa akin nang malapad. Seriously, what’s wrong with this guy?! I told him not to call me by Zyliania!