Ilang saglit pa, napatingin si Jaxen kay Corazon at kinausap ito na agad nagpakulo ng dugo ko nang marinig ko iyong sinabi niya. “Tulungan ko na po kayo sa pagpapagamot ng anak ninyo,” offer ni Jaxen. Dahan-dahan ko namang nilingon si Mama na ngiting-ngiti habang nakahalulipkip pa na nakatingin kina Corazon at Jaxen. Tila proud siya sa sinabi ni Jaxen. I then took a deep breath and shut my eyes as hard as I tried not to get mad and immediately walk close to Jaxen’s direction making them both look at me. Dinig ko ang matalas na paghinga ni Mama na mukhang hindi niya inaasahan iyong paglapit ko. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. May iilan naring tao rito sa parke na mayroong kani-kaniyang mundo at nagsasaya lamang. Tirik pa ang araw ngunit hindi naman nakapapaso. Payapa at banaya

