CHAPTER 13

2099 Words
  Parallax Family Restaurant     “Mag-break na tayo”   I was about to take a bite of my burrito but then stopped when I heard what he said.   “Break?”   The girl asked at the guy sitting in front of her. My eyes immediately darted at the guy sitting in front of me who’s now looking at the table next to us.   “Nagsinungaling ka,” the guy added.   “About saan? Bakit naman biglaan? Okay naman tayo, ah?” the girl asked with her voice almost cracking up.   I then turn my gaze back at my burrito and take a bite out of it. I noticed that Jaxen is just listening to the table beside us which is now getting attention to some people eating.     “Sabi mo ako lang baby mo pero bakit sinabihan mo ng ‘baby’ iyong bunso mong kapatid?! Hindi mo nga anak man lang iyon eh,” sagot noong lalaki dahilan para mapatikhim ako nang mahina para pigilan ang sarili kong matawa.   I felt Jaxen’s light tap at the table making me look at him. His ears were turned red as he’s covering his mouth with his hands as he is still watching the couple beside us.   “Ikaw nga ang baby ko!” saad naman noong babae sa lalaki.   “Ayoko na, ayoko sa sinungaling. Mag-break na tayo,” sabi noong lalaki dahilan para mapatingin narin ako sa kanilang dalawa.   Iyong babae ay umiiyak na pero iyong lalaki naman ay walang kibo. Napalibot naman ako ng tingin sa buong restaurant. Ang ilan ay busy lang sa pakikipag-usap sa kanilang mga kasama, tahimik na kumakain, at ang iba naman ay nakikinig din sa pinag-aawayan noong katabing table namin.   “Okay, then give me your shoes,” saad noong babae na ikinakunot ng noo ko.   Hindi ko naman na napigilan pang mapatingin sa kanila ar oanoorin nalang din sila dahil na-curious nako sa relasyon nila.   The man then took a deep breath and reaches out for his shoes and put them on top of the table.   "Iyang jacket mo, hubarin mo rin 'yan," mahinahon nang saad noong babae na inabit na iyong sapatos noong lalaki.   "Tsk," utal noong lalaki ngunit hindi naman na umangal pa at hinubad iyong suot niyang jacket.   Padabog namang umalis iyong babae at naiwan iyong lalaki doon sa lamesa niya na nakatingin lang sa kaniyang phone.   Hindi naman nagtagal ay mayroong bagong babaeng dumating at naupo sa harapan noong lalaki. Masayang-masaya ito at mukhang excited na makita iyong lalaki pero baoakunot naman ang noo niya dahil sa itsura noong lalaki.   "Mag-break na tayo," agad na sabi noong lalaki sa babae.   Iyong babae naman ay biglang napaiyak.   "Bakit?" tanong niya na patuloy parin iyong pag-iyak niya.   "Sa tuwing hahalikan kita... ang baho ng hininga mo," sagot noong lalaki.   Napaawang naman ang bibig ko nang kunti saka tumingin kay Jaxen na ngayon ay ngumunguya habang nakangiti.   Muli kong ibinaling ang aking tingin sa burrito ko saka kumain nalang din.   "Iyang bibig mo ang mabaho ngayon!" Rinig kong naiinis na sigaw pa noong babae.   "Ayoko na. Break na tayo," walang pakialam na saad ng lalaki.   Tumayo naman iyong babae nang marahas saka sinampal iyong lalaki at tunakbo palabas ng restaurant.   "Timer, 'di naman kapogian," rinig kong bulong ni Jaxen kaya napatingin ako sa kaniya.   Nakatingin din siya sa akin at iniiling-iling pa ang kaniyang ulo na ikinatawa ko nang bahagya.   "Honey!!!"   Halos mapatingin naman lahat sa isang bakla na sumigaw at nakatungin sa lalaking kanina lang ay nakipag-break sa dalawang babae. May kalakihan iyong katawan noong bakla kumpara sa lalaki.   "No way..." hindi makapaniwalang utal ni Jaxen nang lumapit iyong bakla sa tabing table namin at hinalikan sa pisngi iyong lalaki.   “Nag-order ka na ba ng food?” tanong noong bakla.   “Babe, hindi ko na patatagalin ‘to,” sabi noong lalaki nang hindi sinasagot iyong tanong noong kasinrahan niya.   At this point, I think we all already expect what going to happen. I just can’t imagine that a person can manage to have multiple people as his lovers at once and break up with them on the same day. Does that make them feel cool? Gosh, really can’t believe there are people like this—I just hope that there are not many numbers of people who do such a thing.   “What is it, babe?”   “Break na tayo—”   “Oh, babe. You’re not doing this to me,” seryosong saad noong bakla saka tumayo at lumapit doon sa lalaki.   “Pfft—" pigil na tawa ni Jaxen kasabay naman ng pag-awang ng aking labi nang makitang binuhat noong bakla iyong lalaki palabas ng restaurant in spite of the guy resisting which take a lot of people’s attentions.   Napatingin naman ako kay Jaxen na namumula na katatawa dahilan para maalala ko iyong ginawa niya kanina sa La Cotta Garden.       "KHATALINA!!!"     Napapitlag naman ako nang marinig ko iyong sigaw ni Jaxen at magising mula sa panaginip ko. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga sa picnic mat at inilibot ang aking paningin para hanapin si Jaxen ngunit hindi ko siya makita.   “Wanna ride?”   Nagulat naman ako nang marinig iyong boses ni Jaxen sa likod ko na siyang sinundan ng halinghing ng isang kabayo kaya napalingon ako sa kaniya.   Kasalukuyan siyang nakasakay ngayon sa isang itim na itim na kabayo na ikinangiti ko dahil sa ganda noong kabayo. Tumango-tango naman ako bilang sagot sa tanong niya saka tumayo para lapitan sana iyong kabayo pero bigla niyang pinatakbo iyong kabayo kaya naman nahampas ako noong buntot ng kabayo at ikahalakhak ni Jaxen nang pagkalakas-lakas.   Hindi ko rin naman mapigilang matawa sa nangyari saka naglakad para sundan si Jaxen at magpaturo sa kaniya sumakay sa kabayo.   “Jaxen! Teach me!” sigaw ko sa kaniya at mukha namang narinig niya dahil napahinto siya sa pagpapatakbo at humarap sa akin kaya naman tumakbo ako papalapit sa kaniya.   Bumaba naman siya ng kabayo at marahang hinimas-himas iyong ulo ng kabayo. Ginaya ko naman siya at hindi ko maiwasang mapakagat ng labi sa panggigigil mula sa kabayo.   “You like horses?” he asked.   I then nod and look at him.   “Yeah, black ones,” I answered.   I then noticed that he offered his hand making me look at his hand and hold it as he guides me to jump on the back of the horse. My heart then beats faster out of excitement.   “Okay, how?” I asked.   Ngumit naman si Jaxen saka sumampa narin sa kabayo sa likod ko na hindi ko naman inaasahan. Inabot niya iyong tali saka ipinahawak ito sa akin kaya naman kinuha ko na.   “Secure your dress first”   Hindi ko naman maiwasang makiliti sa leeg dahil naramdaman ko iyong mainit niyang hininga na siyang dahilan para magsitayo ang ilang balahibo sa aking katawan. Mahina naman siyang tumawa na parang napansin niyang nakiliti ako kaya inilayo niya iyong mukha niya sa may balikat ko nang kaunti.   Sinunod ko naman siya saka inayos iyong dress ko para hindi ako masilipan once na gumalaw na iyong kabayo. Napakunot naman ang noo ko nang may mapansin.   “Saang lupalop mo nakuha ‘to?” tanong ko sa kaniya saka nilingon siya.   Napangiti naman siya saka tinuro iyong kaninang cabin kung saan kami kumuha ng litrato.   “Ninakaw ko roon sa likod,” sagot niya.   “Sira ulo,” saad ko saka muling ibinaling sa harap ang aking tingin.   Napatawa naman siya nang mahina.   “So, ano na sunod?” tanong ko muli.   I then felt his warm hand at my back as he slightly pushes it making me sit straight making me somehow nervous but then I managed to remain calm.   “You have to ride relaxed and with proper posture, Zyliania,” he said mentioning my second name making me look at him and glare.   He then titters.   “Be confident riding the horse and don’t be nervous. Mararamdaman niyang kabado ka,” saad pa niya na tinanguan ko lang saka bumuntong hininga saka sinubukang palakarin iyong kabayo.   “Oh my…” kinikilig na utal ko dahil nagsimulang maglakad nang dahan-dahan iyong kabayo. Pumalakpak naman si Jaxen saka ni-cheer ako na ipagpatuloy iyong pagpapalakad sa kabayo na tinanguan ko naman.   Para naman akong batang ngiting-ngiti dahil sa maayos na pagsunod sa akin ng kabayo.   "Huwag ka masyado ma-excite baka ma-excite rin iyong kabayo--"   "WAAAHHH! JAXENNN!!!" tili ko nang biglang tumakbo na nga iyong kabayo dahilan para maramdaman ko iying biglaang oagyakap sa akin ni Jaxen.   Agad naman niyang inabot iyong tali sa kamay ko saka siya na ang nag-take over sa kabayo.   Damang-dama ko ang bilis ng t***k ng aking puso mula sa kaba at takot na naramdaman ko na baka mahulog kaning dalawa ni Jaxen. Tumatawa naman si Jaxen nang mahina at damang-dama ko iyong kiliti sa tagiliran at leeg ko dahil sa hininga niya na siyang nagpaangat ng ilang balahibo kong muli.   This time ay napansin kong parang sinasadya niya nang hinangahan iyong leeg ko kaya naman nilingon ko siya dahilan para mabangga ng ilong ko iyong kaniya.   "Sorry," saad ko saka muling lumingon na sa harap at maramdamang lalong bumilis ang t***k ng puso ko.   "Want to take over?" Tanong niya sa akin kaya naman bumunting hininga ako at inabit iyong kamay niya.   Naramdaman ko naman iyong bahagyang pag-flinch ng katawan niya nang hawakan ko iyong mga kamay niya.   "Aba, tyansing si Miss Maia, the famous photographer," saad pa niya na sinundan ng kaniyang magandang tawa na ikinangiti ko naman saka ikinailing.   "Hindi mo naman kasi inaabot iyong tali," paliwanag ko.   " Tch, reasons, reasons, reasons," saad niya na hindi ko nalang pinansin saka sinubukan nang patakbuhin iyong kabayo ngunit huminto lang ito.   "What the heck?!" I frustratedly yelled.   "Pagod na siya," saad ni Jaxen saka marahang ni-tao iyong balikat ko.   Bumaba naman na siya sa kabayo saka inalalayan ako nang sumunod narin ako sa kaniyang bumaba pero biglang lumakad nang kaunti iyong kabayo dahilan para muntikan akong mahulog kung hindi lang  ako sinalo ni Jaxen ay paniguradong nasaktan na ako.   Nahigit ko naman ang hininga ko dahil nagkabangga iyong mga ilong namin at sobrang laput ng aming mga mukha. Agad naman akong lumayo sa kaniya saka umayos ng tayo. Narinig ko naman siyang napatikhim pa saka kinuha na iying kabayo at naglakad papalapit doon sa cabin para itali iyong kabayo.   Nailibot ko naman iyong paningin ko sa buong hardin saka napatikhim din nang maramdaman ang mabilis na pag-init ng mga pisngi ko. Napalingon naman ako agad doon sa picnic mat namin kasama iyong ilang props na dala namin saka naglakad papalapit doon para magligpit na.     "Why are you staring at me?"   Napakurap naman ako nang hindi ko napansing napatitig na pala ako sa kaniya. Inilipat ko ang tingin ko sa pagkain ko na hindi ko parin nauubos kainin dahil sa napakaraming beses na mga eksenang umakit sa atensyon ko.   "Should we go home?" Tanong ni Jaxen nang makalabas na kami ng restaurant as soon as I finished eating my burrito dahil nahiya na ako sa kaniya dahil ang tagal ko nang kinakain iyon.   "Yeah, may pasok pa bukas," sagot ko na sinamahan ko pa ng pagtango saka kinuha ang susi ng sasaktan ko sa pouch ko.   "Alright, ingat ka. Anyway, thank you for the fun day," saad niya saka ngumiti sa akin nang makahinto kami sa harap ng sasakyan ko na nakaparada lang naman sa tabi ng sasakyan niya.   Nginitian ko rin naman siya saka itinuro iyong dress ko at sinabing, "Salamat din, lalo na rito".   "You look good in those," saad niya.   Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng kaunting awkwardness dahil sa biglang mabait na turing namin sa isa't isa.   "Salamat... Oh siya, tara na," aya ko saka naman siya sumenyas na mauna na ako kaya naman mulibko siyang nginitian at sumakay na sa sasakyan ko saka pinaandar palayo sa restaurant.   Ibinusina niya naman iyong sasakyan niya na nakasunod lang sa akin hanggang sa makarating na ako sa tapat ng bahay ko ay saka siya nagpatuloy sa pagpapatakbo ng sasakyan niya palayo.   Napatitig naman ako sa malaking gate ng bahay ko saka ibinaba ang window ng sasakyan ko para pindutin iyong doorbell at ibinusina ang sasakyan. Dinig na dinig ko ang katahimikang nagmumula sa aking tahanan as I wish that it may be a little livelier if my family is here. Napabuntong hininga naman ako at napangiti. Somehow, I still feel relaxed. Thanks to him.   Napalingon naman ako sa phone ko na nakalapag sa shotgun seat na biglang tumunog dahil mayroong tumatawag at binasa iyong caller ID.     Mama 09123456789  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD