"Crazy, isn't it?"
"Yeah..." Is the only thing I manage to utter as I roam my eyes around the garden.
I bit my lips as I walk closer to a small fountain wherein there is a statue of a flamingo. I cannot help but smile as flamingos are my favorite animal. They just look so graceful and balanced.
I felt Eros's presence behind me as I feel like he is also admiring the fountain. I was about to look at him when I felt his huge warm hands at my back gently stroking to my waist against my champagne silk dress. I blink at the almost tingling sensation in my stomach as well as the abnormal beating of my heart.
I then turn around only seeing his rubescent face and lips. His eyes then darted down to my lips and bit his lips.
"I usually go in here when I want to be alone and think about stuff..." He said as he takeS a step closer with his hands wrap around my waist sending light shivers all over my body.
I then hold into his arms for support as I feel that my legs turned into jelly. The corner of his lips slightly raises together with his chest changing rhythm. My eyes then darted on his dark eyes as if it's inviting me into a trance.
He then moves his face closer to mine with him staring and not breaking our eye contact. His other hand then raises to my chin and tilts my head up as he then followed it by bringing his lips close to my ears.
“Can I kiss you?” he asked making me smile.
I then bit my lips and stayed silent. I don’t know if it is the alcohol or I… kinda want him to kiss me?
He looks at me again and stares at my face. He brings his hand to my cheeks and gently rubs his thumb to my cheeks.
“You’re blushing… is that a yes?” he asked again as it is followed by a smile.
I then avoided his gaze but before I bite my lips again, his lips were already pressed against mine making me feel an unusual sensation yet satisfying feeling in my stomach. He then bit my lips making me part my lips with one another making him slide his tongue throwing me in surprise with pure goosebumps and hot sensation.
“Khatalina?”
Napapitlag naman ako nang marinig ko ang boses ni Jaxen na ngayon ay nakaharap sa akin at iwinawagayway niya sa gilid ng mukha niya iyong bento box na hawak kanina noong babaeng mukhang may gusto sa kaniya.
Napadako naman ang tingin ko sa labi ni Jaxen ngunit agad ko rin namang iniwas iyong tingin ko at nasamid bigla sa sarili kong laway.
“You okay?” tanong niya saka yumuko sakin at sinilip ang mukha ko.
Tumango-tango naman ako bago sumagot. “Yup… nauuhaw lang” sagot ko na agad ko namang ikinatawa at awtomatikong ikinakunot ng noo ni Jaxen.
“Anong nakakatawa?” tanong niya. nailing naman ako bilang sagot saka pinigilan na ang sarilina matawa saka itinuro iyong bitbit niya.
“Nagnakaw ka pa sa bata,” kumento ko.
“It’s a gift not nakaw,” depensa niya saka tinalikuran ako at naglakad papalapit sa isang bench na nasa ilalim ng isang malaking puno.
Kumpara kanina, hindi na gaanong maaraw at medyo mahangin na kaya naman naglakad narin ako papalapit sa kaniya.
“Whatever…” saad ko nalang saka naupo sa tabi niya saka sumandal at ipinikit ang mata saka hinayaang hipan ng hangin ang aking buhok na kanina lang ay naka-brush up.
"You hungry?" dinig kong tanong niya kasunod ng tunog ng pagbukas ng hawak niyang bento box na mula roon sa senior high school students.
Nalanghap ko naman ang mabangong amoy noong kung ano mang laman ng bento box na iyon dahilan para tumunog din ang tiyan ko at ikatawa naming dalawa.
"Here, kain muna tayo bago maglaro," saad niya.
Dumilat naman na ako saka siya nilingon. Nakaipit sa pagitan ng chopsticks niya ang isang tempura at inilapit ito sa may mukha ko.
"Say, 'Ahh'," saad niya na mayroong malambing na tono na para bang bata iyong kausap niya.
Inilayo ko naman iyong mukha ko dahil hindi naman para sa akin iyong pagkain.
"Sabi noong babae hati tayo rito," saad pa niya saka lalong inilapit sa bibig ko iyong tempura.
Tinignan ko naman siya at seryoso lang iyong mukha niya na nakatingin din sa akin. Na-bother naman ako na mangawit siya kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kaniya saka kinagatan iyong tempura.
Damang-dama ko ang paniguradong pamumula ng pisngi ko dahil hindi ako sigurado kung talaga bang sinabi iyon noong babae dahil lumipad ang isip ko kanina.
"How is it?" tanong naman niya.
Tumango naman ako nang marahan bilang sagot at maiging nginuya iyong pagkain. Ngumiti naman siya saka kinagatan din iyong parehong tempura saka bahagyang nakangiti na tumingin sa paligid at prenteng ngumunguya.
Napatingin din naman ako sa payapang paligid despite the busy sound of students. I then shut my eyes closed as I remember that I have to focus on my proposal for CLAW later when I go home.
"You know, you can be not that hands-on"
I then opened my eyes and look at him who is now holding a California maki between his chopsticks close to my lips. I then bite it whole but then stop chewing when I smelled the faint smell of wasabi. I look slowly at him.
He is smiling widely making me furrow my brows and calmly chew the spicy California maki as I am trying to retain myself from the heat. I then lift my hand and reach to my nose and pinch it.
"How can you be so freaking calm?" He asked out of amusement.
I didn't bother answering his question as I focused on extinguishing the spice in my body.
Nakalma naman na ako nang unti-unti nang nawala iyong anghang. Naoatingin naman ako sa dalawang estudyante na sa kung ano mang kadahilanan ay nag-hand shake.
"Saka mo na isipin yan, mag-enjoy ka muna ngayon," saad niya na marahan ko namang ikinatango.
Tinapos na namin iyong pagkain saka nagpahinga saglit at nagsimula na maglakad papunta sa festival.
"Mare, ano ba?! Dito nga tayo maglaro!!!"
Napatingin naman kami sa dalawang senior high school student na babae na parehomg nakaturo sa dalawang magkaibang stalls.
"Mare?" Utal ng katabi ko na ikinatawa ko nang bahagya.
"Ikaw ba, Mare, saan mo gusto maglaro?" Baling ko kay Jaxen na napangiti nang matanong ko siya.
Hindi naman mapagkakailang napakagandang lalaki ni Jaxen kaya naman hindi ko mapigilang titigan siya habang inililibot ang tingin sa paligid.
"Doon tayo mukhang masaya roon," aya niya saka hinawakan iyong kamay ko at hinila ako na ikinabigla ko naman dahil tumatakbo kami papunta roon sa kung saan man niya balak pumunta.
Napadako naman ang tingin ko sa kamay naming magkahawak. Somehow, my heart beats faster than normal. It's probably because we are running...
"Right on time," Jaxen said as he slows down and released my hand too.
Napatingala naman ako sa name ng booth nila na siya ko ring ikinakunot ng noo.
"Welcome to Pair by Rival!" Salubong sa amin ng isang estudyante at napangiti sa akin nang makilala ako.
"Lalaro po kayo?" Tanong niya sa akin.
Naoatingin naman ako kay Jaxen na panay lang ang tanaw sa loob ng napakalalaking tents nila.
"Yeah, I guess..." Sagot ko nalang saka napakamot ng pisngi.
Napangiti naman siya nang pagkatamis-tamis sa amin saka kami tinignan ni Jaxen nang salitan at agad na pinapasok sa booth nila.
Iyong booth nila ang tingin kong pinakamalaki kumpara sa ibang booth. Sila lang din kasi ang natatanging may apat na tent.
Napadako ang tingin ko sa mga naunang naglaro at palabas na ng booth. Mukha silang mga pagod na pagod kaya naman na-curious ako sa kung ano iyong games nila rito.
"Dito po tayo," aya sa amin ng isang estudyante sa tapat ng isang malaking hugis puso na steel arbor.
Nagtaka naman ako sa hugis ng steel arbor sa tapat namin na nakabalot pa sa pula at kulay rosas na crepe papers. Don't tell me...
"Ang laro po natin ay mahahati sa limang pares ng magkakasintahan. Ang couple na mananalo sa bawat laro ay makakatanggap ng..."
...I knew it. I am not able to hear the prize as I already stop listening the moment that I heard I am right.
Napalingon naman ako sa paligid at sinubukang hanapin iyong propesor na kaninang nagpipilit sa amin na sumali ngunit hindi ko naman na siya matanaw sa paligid dahil sa dami ng mga estudyane.
Napatingin naman ako kay Jaxen nang maramdaman kong hawakan niya iyong kamay ko at sinundan ito ng pagkabit ng kaninang babae na nag-explain ng gagawin ng handcuffs sa kamay naming magkahawak ni Jaxen na ikinakunot ko naman na ng noo saka tinignan si Jaxen na itinuro lang naman din iyong ibang pares na kalaban namin na sila ring pinoposasan ng iba.
“Alright, ingat, enjoy, and stay strong po sa inyo!” bati noong babae matapos niya kami posasan saka sinenyasan kami na pumasok na sa hugis pusong metal arbor.
Naglakad naman na kami ni Jaxen papasok kasabay noong iba. Nakita ko naman agad iyong mga bilao na may lamang harina na nakapatong sa mga lamesa.
Binalingan ko naman ng tingin si Jaxen na nakatingin din sa akin at mukhang inaabanagan iyong reaksyon ko.
“You do that,” sabi ko sa kaniya na ikinalaki naman ng maa niya at iniling nang marahas kaya naman sinimangutan ko siya.
“First game! Madali lang muna tayo, ang gagawin is hahanapin niyo lamang sa mga harina iyong mga maliliit na card and paramihan lamang kayo sa loob ng isa’t kalahating minuto!” paliwanag ng isa sa mga tagapangasiwa sa booth.
“By pair po ang paglalaro, ang isa ang tagahanap sa bilao ang isa naman ang aabot ng mahahanap ng kapares gamit ang bibig. Bawal po gamitin ang kamay!” pahabol pa noong nag-anunsyo kanina.
Kinalabit naman ako ni Jaxen saka sinyesan ako na malaro kami ng rock paper scissors. Agad ko naman siyang kinalaban at ako rin ang nanalo kaya naman napangisi ako at napasimangot siya. Lumapit naman siya papalapit doon sa bilao ng harina na parang batang nagdadabog kaya naman napatawa ako at naglakad palapit sa tabi niya dahil nga sa nakaposas kami sa isa’t isa. Mayroon namang bilao rin sa tapat ko na walang laman in which I assume where I should put the card that Jaxen will find.
Napadako naman ang tingin ko sa matipunong braso ni Jaxen na nakakapit sa lamesa pero agad ko rin naman iniwas ang tingin ko nang matauhan sa iniisip ko. Madalas ko naman iadmire iyong magagandang katawan ng mga modelo ko noon pero hindi ko alam kung bakit pagdating sa lalaking ‘to, para bang bawat parte ng katawan niya ay kaakit-akit.
“Don’t stare at me, Zyliania,” I heard Jaxen utter making me flinch as he started playing together with the other players.
I don’t really want to be called by my second name—and I already told him that… but for some reason, I find it appealing when he uttered my second name…
Nailing-iling naman ako.
“What the heck am I thinking?” I whispered.
I then stand straight and wait for him to find a card for me to put in the winnowing basket.
Agad naman akong lumapit nang lumingon siya sa akin na may kagatkagat na card. Pinigilan ko namang matawa sa mukha niyang puro harina saka humangad sa kaniya at inilapit ang aking mukha para kagatin ang kabilang dulo ng card saka inilagay sa bilao.
Mabilis naman siyang naghanap ulit doon sa harina kaya naman tinignan ko iyong mga kalaban namin at iyong mga bilao nila. Halos karamihan ay wala pang nahahanap habang iyong mga partner nila ay todo cheer sa kapares nila kumpara sa lamesa naming tahimik ni Jaxen.
Tinignan ko naman muli si Jaxen saka ngumiti at sinubukan siyang i-cheer kasabay ng pag-init ng mukha ko.
“Go, Jax! Kaya mo ‘yan! Tayo pa lang ang may nahahanap--”
Diko natapos iyong pagsasalita ko nang lumingon ulit siya sa akin saka may kagat na card kaya agad akong lumapit sa kaniya pero this time ay abot na sa gitna ng card iyong labi niya kaya naman sinubukan kong ipangkagat lang iyong labi ko sa dulo dahil baka mamaya ay magdikit ang labi namin. Napatawa naman ako nang tumama iyong ilong namin sa isa’t isa at ganoon din naman siya pero agad din naman siyang bumalik para maghanap pa ng huling tatlong natitirang card.
Mabilis nang nahanap ni Jaxen iyong iba kaya naman sa unang round ay kami rin ang nagwagi at pinalakpakan. Nginitian ko naman siya saka tinulungan siyang tanggalin iyong mga harina sa mukha niya at buhok. Tumingkayad naman ako para abutin iyong buhok niya pero napatawa siya saka yumuko para maabot ko iyong mukha niya. hindi ko rin naman maiwasang mapangiti saka tinuloy iyong paglinis ng mukha niya.
Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng init sa mukha dahil habang pinapagpag ko iyong buhok niya ay nakatitig lang siya sa akin.
Nakagat ko naman ang labi ko.
Kinikilig ba ako?