CHAPTER 26

3271 Words
~LA pov~ "LA, wake up, were here" isang boses ng lalaki ang gumising sa mahimbing kong tulog at pamilyar na pamilyar sakin ang kanyang boses "LA" tawag nya pa sakin kaya gumising na ako ng tuluyan at binuksan ang mga pikit kong mata at doon ko nakita si Kurt na malapit lang sa muka ko, na isang maling galaw ko lang ay mahahalikan ko sya sa kaniyang mga mapupulang labi "San tayo" sabi ko at agad naman syang lumayo 'Shockssss!! Baka mabaho ang hininga ko kaya sya napalayo' "Nasa, Isang bahay tayo ni Jin" sabi nya sakin at saka bumaba sa car nya at saka umikot at pinagbuksan ako at saka ako inalalayan na bumaba dahil hanggang ngayon ay nakagown pa rin ako at si kurt ay nakabihis na "Guys, bat ngayon lang kayo, kanina kami dito" salubong samin ni Jin "pasok na" sabi nya saka binuksan ang pinto "sa taas pangatlong kwarto ang room nyo ni Kurt" sabi ni Jin at nagulat ako "M-magkatabi kami" utal kong tanong "Ahh oo, pasensya na tatlo lang kase ang kwarto dito, sa isang kwarto si Cath at Ethan tapos sa isa kami ni Mitch at sa isa kayo ni kurt" sabi nya na napakamot pa ng batok "Ahh, ok lang ano kaba" nahihiyang sabi ko "Sige panik na kayo at magpahinga na, tulog na sila eh, ako nalang gising at iniintay ko kayo" sabi nya na nasa hagdan na "Sige, salamat nagbihis pa kase ako eh, mahaba ang pila" pagpapaliwanag ni kurt at tumango naman si Jin at saka tuluyan ng pumanik at ganon din naman kami ni Kurt "Wala akong dalang pamalit" sabi ko kay kurt nung nasa kwarto na kami "Ahh eto may extra shirt ako at panjama" sabi ni Kurt na inabot sakin ang itim na panjama at blue na damit na may pangalan nya sa gilid ng damit, agad ko naman iyong kinuha at nagpalit at agad na lumabas nung natapos "Matulog kana, late na" biglang sabi ni kurt ng saktong paglabas ko at nagulat ako ng makitang pinapagpag nya ang sofa "Ano ginagawa mo jan" takang tanong ko "Dito ako matutulog, jan ka sa kama" nakangiting sabi nya "Ahh, hindi, sige na magtabi na tayo, lagyan nalang natin ng unan bilang harang" nakangiting sabi ko at umiling "Sige na matulog kana, im fine here" nakangiting sabi nya "Bahala ka nga ang hirap mong pilitin" nakangusong sabi ko at natawa lang sya "Hahaha, matulog kana mag aalasingko na oh" sabi nya at saka nahiga sa sofa at gusto kong matawa ng kalahati ng bintin nya ang nakalaylay sa sofa "Dito ka na, hindi ka naman kasya sa sofa oh, ang laki mo tapos ang liit ng sofa, hindi accurate" natatawang sabi ko at umiling na naman sya "Matulog kana sabi eh" taas matang sabi nya sakin kaya tumango nalang ako at natulog 'Kinabukasan!!!!!' Nagising ako sa malakas na tawanan na nanggagaling sa baba, at tiningnan ko na ang oras and wtf! '11:25 a.m.' Fuck! Ang haba ng tulog ko, kaagad naman akong bumangon at nagtungo sa CR ng kwarto na to, at natingin naman ako, sa salamin at muli kong nakita ang dating muka ko, yung clear skin, walang malaking salamin at wala nang pimples, napangiti ako sa sarili ko , at mas pinagkatitigan ko ito 'Hindi, ko na ibabalik ang Nerd na LA, its time to be back Leighna Ailryah Ramirez,' Sabi ko sa isip ko at saka ako nagshower at nung natapos ako ay saka ko lang naalala na wala nga pala akong damit na dala kaya napahilamos nalang ako at naghanap ng robe sa CR at meron naman akong nakita kaya lumabas ako ng kwarto na tanging robe lang ang suot ko at wala ng iba pa, bumaba ako upang manghiram kay Mitch or kay Cath ng Damit at short, panigurado kasing may mga dala yun dahil sila ang nagplano nito ng hindi manlang ako ininform kaya hindi ako ready "Mitch pahir....." hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makasalubong ko si Kurt sa hagdan na nakakunot noong habang tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa "What are you doing" kunot noong tanong nya "W-wala kase akong d-damit, mang h-hihiram s-sana ako kay M-mitch" utal na sabi ko sa kaniya at nakatingin pa din sya sakin at nagulat ako ng bigla nya akong hilahin "Lets go" sabi nya habang hilahila ako pabalik sa kwarto at nagpahila nalang ako sa kaniya, at pagkapasok namin sa kwarto ay agad syang nagtungo sa Closet ng kwarto ito at may kinuhang paper bag "wear it" sabi nya sabay abot sakin ng paper bag at taka naman akong kinuha yun "A-ano to" takang tanong ko "Dress, binili ko kanina sa mall nung tulog ka" kalmadong sabin nya at tumango naman ako "sige lalabas na ako at magbihis kana saka ka bumaba at ready na ang lunch natin" sabi nya at ngumiti akong tumango sa kaniya at nung nakalabas na sya ay agad ko namang tiningnan ang nasa loob ng paper bag at may nakita akong dress na kulay maroon at bagay na bagay ito sa kutis ko at sa ilalim non at may nakita kong underwear and b*a, namula ako sa hiya 'Binili nya to sa mall, hindi sya nahiya na bumili sya ng panty' Agad ko namang sinuot yun at napapangiti ako, at gaya ng sabi ni Kurt ay agad akong bumaba pagkatapos kong magbihis at nung nasa baba na ako ay nakatingin silanh lahat sakin at.. "Guys, meet my cousin The old LA" nagmamalaking sabi ni Mitch sa lahat, at pumalakpak naman si Cath upang pagsuporta kay Mitch "Nice too meet old LA im Jin" natatawang sabi ni Jin na inilahad pa ang kaniyang kamay at inibot ko naman yon "Nice to meet you too Jin, im old LA" natatawa ko ding sabi, at saka binitawan ang kamay ko "Hi old LA, im Ethan im happy too see you beautiful" natatawa ding sabi ni Ethan at nakipagshakehands din sakin "Hello, Ethan im happy to see you too Im old LA" pagpapakilala ko ulit, peste mga muka kaming tanga at saka binitawan ang kamay ko "Oh, kurt baka gusto mong gumalaw jan" natatawang sabi ni Cath "Hi, im Kurt Nice to see you Old LA" walang emosyong sabi nito at saka inabot ang kamay ko at nagshakehands "H-hello, kurt im Old LA nice to see you too" utal kong sabi saka nya kusang binitawan ang kamay ko at saka kami dumiretso sa hapag kainan at doon nakahain ang aming lunch at saka kami nagsimulang kumain "Ang sarap naman ng luto mo baby" kinikilig na sabi ni Mitch at tinikman ko naman ang niluto ni Jin na sinigang na baboy at napakarami nitong kamatis, at pork stake, at talagang napakamalasa at napaka sarap nito "Syempre, naman tinuruan ako ni Mom magluto nung Elem. Pa ako" nakangiting sabi ni Jin at nakikinig lang kami "Talaga, mmmm Baby pwede mo bang lutuin ang favorite namin ni LA" masayang sabi ni Mitch kay Jin at natingin naman ako sa kanila at excited ako dahil iluluto ni Jin ang favorite namin, ang tagal ko ng hindi nakakatikim non dahil nga ang tagal nila mom sa US diba "Oo naman, ano ba yung favorite nyo ni LA" masaya at excited na tanong ni Jin "Chicken Curry" masayang sabi ni Mitch at ngumuso naman si Jin "Hindi ko kaya yun, but pag aaralan ko, basta ipagluluto kita, hindi nga lang mamaya" nakangusong sabi ni Jin "Sige ako naman magluluto bukas ng umagahan natin" sabi ni Ethan at mabilis akong nalingon sa kanila, and what hanggang bukas pa kami dito "Hanggang bukas pa tayo dito" takang tanong ko at sabay sabay silang nagtanguan "eh wala akong damit" nakangusong sabi ko "Ahh, pinamili ka kanina ni Kurt ng mga damit na gagamitin mo hanggang bukas" nakangiting sabad ni Cath at napatingin naman ako sa kaniya "Ahh, kurt salamat" nakangiti kong sabi at tumango sya "Welcome" tipid nyang sabi at saka muling kumain, masaya naming tinapos ang pagkain namin at saka kami lumabas sa pool area at laking gulat ko ng nakasuot ng two piece swimsuit "LA, tara na magbihis kana" excited na sabi ni Mitch, at napangiwi naman ako, as if naman na may isusuot akong ganon "Sige, lang saka wala ako nyan" natatawang sabi ko sa kaniya at ngumiti naman sya "Meron akong extra, and opssss bago yun" pagmamalaki nya at siniringan ko lang sya at saka ako hinila at sumunod naman samin si Cath na natatawa din "San mo ba ko dadalin" inis na tanong ko sa kaniya, at pumasok naman kami sa kwarto nila ni Jin at may kinuha sa bag nya at kaking gulat ko ng makita ang isang two piece na kulay Black na may white sa gilid, oo maganda ang two piece na pinapahiram nga sakin pero masyadong lantad ang katawan ko dito "Wala na bang iba" tanong ko sa kaniya "Wala na yan nalang ang meron ako" nakangiting sabi nya "Cath" tawag ko kay Cath at umiling naman sya "Isa lang ang dala ko, dahil sabi nya ay sya nalang daw ang magdadala ng swimsuit mo" turo nya kay LA at mukang no choice na ako dito "Ayaw mo ba? Pangit ba" nakangusong sunod sunod na tanong ni Mitch "Ang ganda nga, sobrang ganda, kaso nga kang masyadong lantad ang katawan ko diyan" nahihiyang sabi ko sa kaniya at natawa naman sakin si Cath "Meron bang Two Piece na taga ang katawan" natatawang pilosopo sakin ni Cath at siniringan ko lang sya "Sige na sige na lalabas na kami ni Cath at magbihis kana dito, intayin ka nalang namin sa pool" sabi ni Mitch at binigay sakin ang two piece at isang robe na kulay puti Pagkaalis na pagkaalis nila ay padabog naman akong naglakad papunta sa CR ng kwarto namin ni Kurt at saka nagbihis at napangiwi ako sa itsura ko ng makita ko sa salamin ang itsura ko habang naka two piece, pero agad ko ding isinuot ang robe na binigay sakin ni Mitch pang patong dito sa duot ko, at agad din akong bumaba at pumunta sa pool area na ngayon ay nakitingin silang lahat sakin at nahagip ng mata ko si Kurt na nakatingin sakin at naka top less sya at kitang kita ng dalawang mata ko ang katawan nya, 'ang lakas ng loob mag top less, eh payatot naman' "LA! Is that you" nagbibirong sabi ni Jin "LA, how to be you daw sabi ni spongebob malakas na sabi ni Mitch at natingin sa kaniya bigla si Kurt "Tss, squidward" siring sa kaniya ni Kurt "Alam nyo balang araw kayo pa ang magkakatuluyan eh" nagbibiro kong sabi "Ewwww" biglang sabi ni kurt at saka nag dive sa pool "Yuck, LA kay baby Jin lang ako, at saka si Kurt ay para sayo" nandidiring sabi ni Mitch "Kaya nga kay Mitch lang akk at akin lang sya" nakangusong sabi ni Jin at natawa naman ako "Joke lang syempre" nakangiting sabi ko sa kanila at ngumiti narin si Jin "Ampanget ng joke mo" biglang sabad ni Kurt at saka umahon sa pool at parang huminto ang pagtibok ng puso ko ng magslow motion sya sa paningin ko habang umaahon sa pool 's**t! Hot! kahit payat!' "Ayyy! G-ganon ba sorry" nahihiyang sabi ko ng matauhan na ako "Syempre maganda na ang joke mo sa pandinig nyan kapag sinabi mong kayo ang bagay at magkakatuluyan" tukso samin ni Ethan at nagtawanan naman sila at inis namang hinarap sya ni Kurt "Shut up! Moron!" Inis na sabi ni Kurt at saka umupo at tumungga ng Soju, yung alcohol ng korea "LA! Tara swimming na tayo" sabi ni Mitch at tumango naman ako at saka tumayo at hinubad ang robe na nakapatong sa two piece ko at agad namang nagsipulan ang dalawang lalaki si Jin at Ethan ~Kurt pov~ 's**t! Ang hot ni LA ang sexy' Inis naman akong napairap dahil hindi manlang humarap sakin si LA ng makita ko manlang ang kasexyhan nya, at dahil sa inis at tumalan akong muli sa pool ng tumalon ang dalawa kong kaibigan at ngayon at nasa pool na kaming anim "Laro tayo guys" biglang sabi ni Cath "Sige game" masayang sabi ni Mitch "anon game ba" excited na tanong nya "By partner tayo, and yung game is maglalaglag tayo ng madaming coins dito sa pool at paramihan ng makukuhang coins, but kailangan magkasama kayo ng partner mo at magkahawak kamay kayo habang kinukuha ang coins, bawal kayong maghiwalay upang maghanap ng coins" masayang paliwanag ni Cath at tumangi tango naman kami at napangiti ako sa game ni Cath mukang mahahawakan ko ang kamay ni LA "Sige game, pero ano ang parusa sa matatalo at sa magpartner na konting coins lang ang nakuha" tanong ni Mitch kay Cath "Ahh, yun so sa matatalo ay sila ang maglilinis ng pagkakalatan natin dito at sila ang mag wawash ng mga dishes na nagamit natin" nakangiting sabi ni Cath and dito ako hindi naging pabor "So game, alam nyo naman na siguro ang partner nyo" natatawang sabi ni Mitch at agad naman akong lumapit ka LA "Girl's itaas nyo ang right hands nyo and boy's itaas nyo ang left hands nyo at saka kayo magholding hands" sabi ni Cath at ginawa naman namin yun at nagholding hands kami ni LA "then ibaba na and keep holdinghands to each other's ok" masayang sabi ni Cath at saka naghaging ng kalahating supot ng coins na puro piso "ok, ready get set go" mabilis silang lumubog ni Ethan pagkasabi nya na yun kaya mabilis kaming lumangoy ni LA at lahat ng nakikita naming coins at kinukuha namin, hindi pwedeng mag urong kami ng mga ginamit namin After a minute the game is end and Panalo kami at Talo naman sila Jin at Mitch kaya after ng game ay pumasok na kami nila Cath at Ethan sa loob upang magbihis habang sila Jin at Mitch naman ay naiwan sa pool at nililigpit ang mga pinagkalatan namin Mag alasingko na akong bumaba at si ang girls ay nanonood ng Movie sa kwarto nila Cath kasama sila Ethan at Jin at ako ay bumaba sa kitchen upang magluto, yes sanay akong magluto baka culinary ang kinukuha ni Ate at tinuruan nya akong magluto ng ibat ibang recepi Agad ko namang tiningnan ang rep at may nakita akong Chicken and mga ingredients na gagamitin ko at saktong sakto ang nanditong ingredients para maluto ko ang favorite ni LA na chicken Cury at buti nalang ay mag gata si Jin dito kaso gata powder lang, kaagad ko namang inumpisahan ang pagluluto upang hindi ako mapanood ni LA at maya maya lang ay luto ang Chicken Curry na favorite ng Love ko, kaya agad ko silang tinawag para kumain "Guyssss, lets eat" sigaw ko sa kanila at agad naman silang bumaba "Wow! Kurt sanay ka palang magluto" manghang sabi ni Cath "Ah, oo tinuruan ako ni Ate" nakangiting sabi ko "Wow, chicken curry" masayang sabi ji LA at napangito ko "you made this" nakangiting baling nya sakin at tumango ako "Yeah! Taste it" masayang sabi ko at agad naman nyang tinikman yun "what! It is good or not" nakangiting tanong ko "Not good" sabi nya at napanguso nalang ako, ok lang yan Kurt pag aralan mo nalang "because its delicious, very delicious" dagdag ni LA at agad naman nanlaki ang mata ko sa sinabi nya "Really" masayang sabi ko "sige kain kana" nakangiting sabi ko at agad naman syang umupo at kumain kaya ganon din ako at napansin kong wala si Mitch "nasan si Mitch" takang tanong ko "Ahh nasa taas pa, hinahanap lang yung cellphone nya tinago kase ni Ethan eh" nakangiting sabi ni Cath at napatango nalang ako at maya maya at pababa na si Mitch na nakanguso at agad ding nawala ng makita ang nasa hapag "Wowwwwww my favorite Chicken Curryyyyy" masayang tili nya at napatakip naman ako ng tainga sa lakas ng bunganga nya, agad syang nagtatakbo papunta sa hapag at agad na kumain 'Gutom na gutom' "Who mades this! Ang sarap sobrang sarap" muling sabi nya at nagtaas naman ako ng kamay "Me" confident kong sabi "Ay, hindi pala masarap" biglang bawi nya at napangiwi nalang ako "Talaga lang ah" tatango tangong sabi ko "Oo" malakas na sigaw nya "Then, dont eat, made your own food" sabi ko at inilayo sa kaniya ang Chicken Curry "Woi! Charot lang, ilapit mo sakin yan" sabi nya at hinila ang lalagyanan ng ulam at natawa naman kami sa kaniya at saka nagpatulot sa pagkain Nang natapos kami ay nagpahinga lang ako ng konti at saka pumanik sa taas upang matulig dahil maaga daw kami uuwi bukas kaya maaga kaming matutulog, dapat kase hanggang bukas kami ng tanghali dito kaso sabi ng mom ni Jin ay kailangan ng umuwi ni Jin dahil gagamitin tong bahay nila ng mga employer ng dad ni Jin, kaya mapapaaga kami ng uwi "Matulog kana, maaga pa tayo bukas" sabi ko kay LA na nagse cellphone "Ahh sige, hindi kaba nahihirapan jan, dito ka kase oh, malaki naman ang kama eh" pagkukulit na naman nya, hayyyyy kurt pagbigyan mo na at kagabi ka pa kinukulit nya 'Pagbigyan ang future girlfriend' "Sige" sabi ko at saka lumapit sa kama at nahiga don at nilagyan nya muna ng unan ang gitna namin at saka sya nahiga "Goodnight kurt" sabi ni LA at napangiti naman ako "Goodnight" sabi ko saka ipinikit ang mga mata Nagising ako sa alarm clock na sinet ko kagabi at alas kwatro na ng umaga at napangiti ako ng nakayap sakin si LA habang mahimbing paring natutulog, kaya hinalikan ko ang noo nya habang tulog sya 'Paharang harang pa ng unan sa gitna, eh sya pala tong mangtatanching sakin, payakap yakap pa' Napatingin ako ulit kay LA na tulig at bumaba naman ang paningin ko sa labi nya at sa hindi sinasadya ay nahagip ng mata ko ang Clivage nya, maluwag kase ang damit nya at nakatagilid sya at nakayakap sakin kaya madali kong nasilip yun kaya agad kong itinaas ang kumot at hinarang don at saka ako tumayo 'Jun jun, wag ngayon please' Mabilis naman akong bumangon at agad naman akong nagtungo sa CR at naligo at pagkatapos ay agad akong nagbihis at ginising si LA "LA gising na uuwi na tayo" paggising ko dito at agad naman syang nagising "Ahh, sige gagayak lang ako" sabi nya saka tumayo at dumiretso sa CR at naligo at ganon din sya nakabihis nadin nung lumabas sa CR at suot nya ang binili kong Crop top at shor short para sa kaniya, kaya napangiti ako at nung nakabihis na kami ay agad naman naming inayos ang gamit namin at saka lumabas at ready narin ang mga kaibigan namin "Ingat, kayo sa pagdrive ahh" sabi ni Ethan at saka umalis kasama si Cath sa kotse nya, at ganon din kami Ni Jin umalis na rin kami don at tahimik naman kami ni LA sa byahe at maya maya lang ay tulog na naman ito at nung nakarating na kami sa kanila ay agad ko naman syang ginising na agad din syang nagising "Salamat ahh, ingat ka sa pag uwi mo, saka ikamusta mo nalang ako sa mommy mo" nakangiting sabi nya nung nakababa ma sya sa kotse ko at ngitian ko naman sya "Makakarating" sabi ko at saka ako umalis ng bahay nila ay mabilis na tinahak ang daan pauwi sa bahay namin at nung nakarating na ako ay agad naman akong pumasok sa kwarto ko para matulog dail, alas kwatro at kuwarenta singko palang ng Umaga at tulog pa sila mom, may susi ako ng pinto namin sa likos at doon ako dumaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD