Pagpasok na pagpasok niya ay agad kong isinara yung pinto dahil narinig ko yung boses nong mga lalaki na parang bang may hinahanap sila. Agad naman na pumunta sa rest room si Mr. Bigotilyo at saka naghilamos. Tumayo ako sa gilid ng pinto at pinanuod sya habang busyng busy sya sa paghihilamos. “Aren’t you supposed to say something to me?” mataray na sabi ko sa kanya. Tinignan nya lang ako at saka lumabas ng CR, paglabas nya ay umupo sya kaagad don sa mini sala ko dito sa cabin ko at saka puma dekwatro ng upo. Tinaasan ko sya ulit ng kilay at saka tinignan ng masama. “Hoy! Lalakeng magaling na hindi manlang marunong magpasalamat paki baba yang paa mo dahil nasa cabin kita!” galit na sigaw ko sa kanya. Tinignan nya na naman ako at hinid pa din kinikibo. Ano ba ang problema ng lalaking

