Mabilis na umalis si Drake at saka pumasok sa sasakyan nya. Hindi ko na din sya hinintay pa na pagbuksan ako ng pintuan mas pinili ko na kumilos na agad at basta pumasok nalang sa sasakyan. At as usual tumagos naman ako sa sasakyan kaya ayos lang. Nakaka tawa nga na pag ginusto kong tumagos sa kung saan saan ay nagagawa ko ng walang kahirap hirap. Paminsan naiisip ko na yung sitwasyon ko ay sobrang hirap, pero may mga advantage din yung ganitong sitwasyon para sakin gaya nalang ngayon. At nung gabi na kausap ni Drake si Alanna. “Saan tayo pupunta Drake?” tanong ko sa kanya. Derecho lang yung tingin nya sa daan at seryosong seryoso yung mukha nya na akala mo hindi mo sya hindi pwedeng kausapin o istorbohin. Hindi nya din ako sinagot basta nagdrive lang sya habang ako naman nanahimik nal

