Naka tingin lang si Drake kay Vanie ng seryoso habang nakikinig sa mga kinukwento nito. “What’s your reason for doing this Vanie? At bakit kailangan na pati si Nana Gina idamay mo pa dito? Hindi pa ba sapat yung ilang buhay na kinuha mo?” walang ganang tanong sa kanya ni Drake. Ngumiti lang sa kanya si Vanie na parang natutuwa pa sa reaksyon ni Drake. “Mamaya ko nay an sasagutin baka mamaya hindi mo manlang masilayan hanggang sa huling hantungan si Avie kung magdadaldalan pa tayong dalawa dito. At isa pa? Ito? Itong matandang to? Hindi naman dapat sya kasali sa lahat ng to eh. Ang kulit kasi nya, pilit nya pang hinahanap yung tao na wala. Edi eto ang nahanap nya yung katapusan ng buhay nya. Alam mo bang pagtyatyagaan ko sana sya na palalagpasin ko nalang yung nalaman nya kasi kahit papa

