Tahimik lang silang lahat walang nagsasalita at parang pareparehas na nagtitimbangan at naghihintayan. Kahit si Drake ay hindi pa din kumikibo, hindi nya sinasalungat kung ano yung mga sinabi ni Alanna pero mukhang nagiisip sya sa mga sinabi nito. Tahimik na nagpunas si Alanna ng luha at saka malungkot na tumingin kay Drake. “Bakit mo naman naisip na kaya kong gawin yon sa sarili kong kapatid Drake? I know Avie and I was not in good terms, yes hindi kami malapit at hindi naming gusto ang isat isa but I will never get to the point where I would want to kill her. I am not a monster! How dare you accuse me?! Hindi ko kayang gawin lahat ng sinabi mo! For Christ’s sake! I will never do that Drake! Never in a million years okay? So please stop this non-sense!” umiiyak na paki-usap ni Alanna k

